Chapter 77

816 68 4
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Tatlong araw ang Lumipas

Nasa pantalan silang lima habang naghihintay ng tamang oras ng pag akyat nila sa barko, inihatid sila ng magkapatid

Tuwang tuwa ang mga iyon sa anak ni Katrin, dahil nakasundo na din nila ang dalawa, binigay ni Katrin ang address at lugar lung saan sila nakatira para makapunta ang mga ito sa araw ng binyag

Lumayo ng kaunti si Khael sa mga kasamang babae, tumingin tingin ng maaaring ipasalubong sa mga magulang, kapatid, sa tiyahin niya, sa mga batang nasa bahay nila at kay Nena, ganoon din ang dalawa, naghahanap din ng maipapasalubong para sa dalawang kaibigang babae

Pero balak din ibili ni Khael ang mga iyon, lalo na si Yuri at ang Lola nito,

Nasa isang tindahan siya ng may isang dalagitang lumapit sa kanya, kakaiba ang ganda nito, nakangiti iyon sa kanya, napakunot noo naman siya dahil pamilyar sa kanya ang mukha at ngiti nito

"Kamusta Mahal na Prinsipe?," tanong nito gamit ang isip niya,"Ipinadala ako dito ng aming Prinsesa para ibigay ang isang mahiwagang kabibe sayo, sapamamagitan ng kabibeng ito ay makakausap mo kami, ilagay mo lamang ang mahiwagang kabibe sa kahit anong lagayan na may tubig, makikita mo kami,"

Nakangiti ito sa kanya kaya nagsalubong lang ang kilay niya

"Kuya," ani nito,"Bilhin mo na po itong kabibe, kakaiba po ito at minsan lang ito nagpapakita sa loob ng daang taon," sabay abot ng gintong kabibe sa kanya

"Magkano ba ito?," tanong niya

"Mahal na Prinsipe, ibibigay ko po ng libre, kung nasa anyong sirena ako" ani nito sa isipan niya,"Pero dahil nasa normal akong kaanyuan, bigyan mo nalang po ako kahit na tatlong daan, para walang maghinala, mahal po kasi ang ganitong klaseng kabibe,"

"Magkano?," ulet na tanong niya sa kaharap na nakangiti pa din

"Tatlong daan po kuya," malambing na tugon nito,"Napaka kisig at napaka gwapo mo pala sa malapitan," sabay kurot sa mabiloy niyang pisngi matapos maiabot s akanya ang kabibe at makuha ang pera

"Mag iingat ka," ani niya sa dalagit

Tumango lang iyon bago tuliyang umalis, kumaway pa muna ito sa kanya at nginitian siya ng ubod tamis, napapailing nalang siya

Isinuot niya ang mahiwagang kabibe dahil may tali naman iyon, para lang iyong kwintas at ang kabibe ay palawit

Matapos makapamili ay bumalik na sila sa mga kasama nila dahil umingay na ang barko, na ibig sabihin ay nagpapaakyat na iyon ng mga pasahero

Isang VIP room ang kinuha nilang anim para sama sama sila doon, may tatlong double deck kaya kasya silang anim doon

Saka mas komportable sila dahil mababantayan nila ang tatlo lalo na si Yuri na nahihirapan pa ding makakilos dahil sa sugat nito sa tagiliran, na kapag nasasagi ay dumudugo kaya halos matagal pang gumaling iyon

~~o~~o~~o~~o~~

Araw ng Linggo, tatlong araw bago sila nakabalik sa Sitio Kulintang

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin