Chapter 24

856 65 2
                                    

~~o~~o~~o~~o~~

Matapos makapagpahinga ay nagpasya ng kausapin ni Apollo ang kanyang ama habang kausap pa nito ang isang Baylan na aswang

"Ama," yumuko siya bilang tanda ng pag galang sa ama niya

"Apollo, may sadya ka ba sa akin?," tanong nito sa kanya

"Opo, Ama," tugon niya,"May isasangguni at itatanong din ako sa Baylan na iyong kausap,"

"Ano iyon, Mahal na Prinsipe?," magalang na tanong ng Baylan sa kanya habang nakatitig

"Naaalala mo ba ang propesiya na iyong sinabi sa akin?," tanong niya sa Baylan

Napakunot noo naman ang dalawang kausap niya sa kanyang tinuran, kaya napaisip saglit ang mga iyon bago sumagot

"May nalalaman ka ba, Mahal na Prinsipe?," tanong ng Baylan

"May nakilala akong isang binibini," nakangiti niyang pahayag,"Subalit sa lahat ng aking nakilalang binibini, ay siya lang ang may kakaibang uri ng amoy, napakahalimuyak,"

"Kailan mo iyon nakilala, Anak?," tanong naman ng kanyang Ama

"Kahapon, Ama," tugon niya,"Kaya nagdudumaling makauwi kaagad ako dito para maisangguni iyon sa inyo ng Baylan,"

Lumapit ang Baylan sa kanya, hindi na iyon sumagot pa, kundi hinawakan na ang kanyang ulo, pumikit ito at nag usal ng orasyon

"Isipin mo ang binibining iyong nakilala, Mahal na Prinsipe," utos nito sa kanya, agad siyang pumikit

Sa kanyang pagpikit ay nakita na naman niya ang maganda at maamong mukha ni Yuri, nakapikit siyang napapangiti

At hindi iyon nakaligtas sa matalas na paningin ng kanyang ama, kaya alam nito na napaibig ng babaing iyon ang kanyang anak

"Ano ang nakita mo, Baylan?," tanong ni Haring Serafino sa matandang babae

"Isang napakagandang binibini," nakangiti nitong turan,"Isang binibining bumihag sa puso ng ating Mahal na Prinsipe,"

Nakangiting turan ng Baylan sa mag ama

Napakunot ang noo ng ama ni Apollo ng makitang napailing bigla ang Baylan

"Bakit, Baylan?," takang tanong ni Haring Serafino

"Isang suliranin ang aking nakikita sa binibining iyon, Mahal na Hari," sabay titig kay Apollo

"Ano iyon, Baylan?," takang tanong niya sa kaharap

"Siya ang magiging susi para mabuhay si Barakuda at siya din ang paraan para mapatay ang aswang na iyon," paliwanag nito

Nagkatinginan ang mag ama sa tinuran ng Baylan

"Pero may isa pa,"

Tinitigan lang ng mag ama ang matandang Baylan

"Isa sa inyo, siya ang makakapatay," malungkot na turan nito sa kanila

"Kailangang mapatay natin ang binibining iyan anak," ani ng kanyang ama

"Mapapakinabangan natin siya kung iaaalay natin ang kanyang kaluluwa, puso at buong pagkatao kay Barakuda," mungkahi ng Baylan sa mag ama

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Where stories live. Discover now