Chapter 51

901 72 5
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Madaling araw pa lang ay gising na sila, hinandaan na sila kaagad ni Gudo ng aalmusalin habang inililigpit nila ang kanilang mga gamit at mga pinagtulugan

Sabay sabay na silang kumain habang nagpa plano sa kanilang lakad ng araw na iyon

"Bukas ng hapon tayo makakarating sa Nayon," ani ni Gudo sa kanilang apat

"Tapos isang araw pa na lakaran bago makarating sa kweba?," tanong niya dito

"Oo," diretsang sagot ni Gudo,"Mas mabilis na tayo kapag pauwi,"

"Ha? Paano?," takang tanong nila

"Basta ako ng bahala," nakangiti nitong turan

"Umayos ka kung ayaw mong maging papaitan," ani niya dito,"Huwag mong sabihin na Prinsipe ka, di kita uurungan oras na pinagloloko mo kami,"

"Nakaraan kaldereta tapos ngayon papaitan na naman?," angal ni Gudo,"Sige pag uwi natin ikukuha kita ng kambing, baka naglilihi ka lang sa anak niyo ni Khael,"

Binato niyan iyon ng balat ng saging dahil sa pang aasar nito, habang nagtawanan naman ang tatlo nilang kasama

"Paano magkakaanak?," takang tanong niya,"Hindi ko naman iyon nobyo, umayos ka panghi!,"

"Ayaw mo pa kasi aminin na mahal mo din ang Mahal na Prinsipe eh," pambubuska pa nito na lalong ikinatawa naman ng tatlo

Kaya lalo lang siyang nainis dito, kaya noong papaalis na sila doon ay ito na ang kanyang pinagbuhat sa lahat ng gamit nila

Kahit na umaangal iyon ay hindi niya pinansin, hinayaan nalang niya na buhatin nito ang lahat ng kanilang mga gamit

~~o~~o~~o~~o~~

Tatlong araw ang nakalipas bago nakabangon si Agatha, medyo magaling na ito sa mga tinamong galos at sugat mula sa pakikilaban nito sa pinsan nila

Na hanggang ngayon ay hindi pa nila kilala kapag nasa anyong tao iyon, kaya hirap na hirap sila makilala iyon

"Kailangan natin malaman kung saan nakatira ang pinsan natin," ani ni Apollo,"Kailangan natin siya mapatay bago pa makahanap ng lunas para sa kamandag at lason na nilagay mo sa katawan niya,"

"Paano natin siya makikita?," takang tanong naman ni Agatha

"Malalaman natin kapag malapit na siyang mamatay," nakangising tugon ni Apollo

"Maghihintay tayo ng senyales?,"

Tumango lang si Agatha sa kanyang nakatatandang kapatid

Nakapagdesisyon na din ito magpalakas para sa paghahanap nila ng kanilang pinsan

"Kailangan ba talaga natin siya patayin ha, Kuya?," tanong nito lay Apollo habang nakaupo

"Oo," diretsang tugon ni Apollo,"Dahil balakid siya sa ating mga plano,"

"Hindi ka magiging tagapagmana kung buhay siya diba?," tanong ni Agatha kaya naikuyom nalang nito ang mga kamay dahil sa pang aasar nito

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Место, где живут истории. Откройте их для себя