~~o~~o~~o~~o~~John Carlo's POV
5pm, Bisperas ng Kasal
Iyon ang oras na dumating kaming anim sa Sitio Uwak, nagtataka ako kasi bakit Uwak ang pangalan ng kanilang Sitio?
Pero bagay nga ang pangalang iyon kasi maraming itim na uwak ang naglilipanan sa kapaligiran lalo na at papadilim na
May ilan pang dumadapo sa arko kung saan nakalagay ang pangalan ng Sitio na ito
"Nakakatakot naman po dito," ani ni Jacky habang patingin tingin sa paligid namin
"Oo nga kuya Jacky," pang sang ayon ko sa kanila,"Saka tignan mo kung makatingin sila sa atin,"
"Mga aswang ang mga nakatira dito," sabi ni Tatay kaya nanlaki ang mga mata naming lima
"Tay, naman bakit di mo sinabi?," ani ko sabay kapit sa braso nito
"Kahit ang mapapangasawa ng pinsan ninyong si Celso ay aswang din ang buong angkan,"
Napapakamot nalang ako sa ulo dahil sa nalaman, kuta at Sitio pala ng mga aswang ang pinasok naming anim
"Basta mag iingat lang tayo," payo ni Tatay sa amin
Naiilang ako sa mga tingin ng mga taong nadadaanan namin, halos kulang nalang ay kainin na kami ng mga oras na iyon
Hindi naman nagpahalata ng takot, kaba at alinlangan sina Tatay, kuya Khael at ang tatlo ko pang kuya
Kaya inayos ko na din ang aking paglalakad, sa ako dito akya kailangan kong maging matapang
Ilang sandali pa ay sinalubong kami nila kuya Celso at ng isang magandang babae, siya na siguro ang mapapangasawa nito
"Tiyo," sabay mano niya kay Tatay,"Si Elsie nga po pala, siya ang mapapangasawa ko," pakilala niya sa asawa niya sa amin,"Elsie, tiyo ko, saka mga pinsan ko,"
Nagmano si Ate Elsie kay Tatay at nakipagkamay sa aming lima
"Tara na po doon sa pwesto niyo," ani ni Elsa sa amin, mukha naman siyang mabait, pansin ko din na mahiyain siya
Sumunod kaming anim sa kanilang dalawa patungo sa kubo king saan kami mamamalagi at magluluto ng mga ihahanda para sa kasal kinabukasan
Pansin namin ang mga tingin ng mga tao na nasa loob ng may kalakihang bahay nila ate Elsie
Halos ang tatalim ng mga tingin nila sa amin, pero hindi nalang namin iyon pinansin
Sa kaliwang bahagi ng bakuran nandoon ang sayawan
Malawak ang espasyo doon kaya doon sila nagtayo ng sayawan
May mga harang na dahin ng niyog, mga sounds system na inihahanda na, mga ilaw, upuan at ang toldang magsisilbing bubungan para kinabukasan ay hindi mainit
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa kubo, medyo may kalakihan iyon
Nandoon na ang lahat ng mga rekado at lahat mg gagamitin sa pagluluto nila Tatay, Kuya Jacky at iyong isa pa naming kamag anak na naabutan namin doon, si Tiyo Oscar na siyang pinsan ni Tatay
YOU ARE READING
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1
HorrorIsang tagapag mana ang isinilang mula sa mabuting lahi ng aswang at bampira Para kalabanin ang mga masasamang balak ng mga ito na lipulin at patayin ang mga mabababang uri at sakupin ang kalupaang ginagalawan ng mga ito Siya ay isang kakaiba at mala...