Chapter 38

751 61 2
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Alas kwatro na ng hapon ng makarating sina Laila sa mismong bayan nila

Ibinaba sila sa tapat mismo ng kalsadang papasok sa kanilang Sitio, may tindahan doon sa tabi ng kalsada kaya naupo muna sila

"Sino ang hinihintay natin dito?," tanong ni Jennica habang nakaupo

"Iyong mga kasama natin, sinundo na sila ng kuya ko sa bayan," ani ni Laila sa katabi

"Marami ba sila?," tanong ni Marky habang si Yuri ay nikikinig lang at nakikiramdam sa kapaligiran

"Oo," nakangiting tugon ni Laila,"Tiyak kong magiging masaya ang pista niyo dito,"

"Sana nga," ani ni Marky

"Sandali at naiihi ako,"paalam ni Laila bago tumayo at pumunta sa likurang bahagi ng bahay kung saan mapuno at maraming tanim na punong saying

Pagkaalis ni Laila ay may lumapit na isang matanda sa kanila

"Umalis na kayo dito!," galit na babala nito sa kanila

"Makikipista po muna kami, Lola," ani ni Marky,"Mga tatlong araw lang naman po kami,"

"Umalis na kayo habang wala pa ang mismong araw ng kapistahan," nagpalinga linga pa ito,"Baka magsisi lang kayo," sabay alis ng makitang may paparating na isang jeep sa kinaroroonan nila

Tinitigan lang iyon ni Yuri habang palingon lingon pa sa kanilang tatlo, na siya namang dating ni Laila pagkahintong pagkahinto ng jeep sa tapat nila

"Natatakot ako ate Yuri," anas ni Jennica sabay kapit sa braso niya

"Nandito ako kaya wag kana matakot," bulong niya

"Sila na na ang mga dagdag sa kasama mo?," tanong ng isang binata kay Laila

"Oo, kuya," tugon ni Laila "Kuya ko nga pala, si Kuya Albert, mga kaibigan ko sila kuya,"

Tumango lang ito pero titig na titig kay Yuri, moreno ito na tipikal sa isang taga probinsiya

May hitsura at mapaghahalatang habulin din ng babae, may matitipunong pangangatawan na halatang batak sa trabaho araw araw, sa maikling salita gwapo ito

Tumango lang ito bago bumalik sa pwesto nito, ito kasi ang nagmamaneho, matapos silang makaakyat sa loob ay umalis na sila doon

Nakita pa nila ang matanda kanina, nadaanan nila iyon sa isang maliit na kubo

Sa kalkula niya ay nasa dalawampu lahat silang sakay ng jeep, nasa unahan naupo si Laila katabi ng kuya niyo na kanina pa niya nahahalata na panay sulyap sa kanya, napapailing nalang siya sa inaasal nito

Aaminin man niya o hindi ay gwapo talaga ito at ang ilan sa mga kasama nilang dalagita ay kinikilig sa kuya ni Laila

Pero siya ay dedma lang, hindi niya iyon binigyan ng pansin kahit na panay sulyap nito sa kanya

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa isang may kalumaang bahay na tila sa panahon pa ng hapon iyon ginawa

Malaki iyon at may ikalawang palapag na gawa lahat sa makapal at de kalidad na kahoy

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Where stories live. Discover now