Chapter 34

798 68 2
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Kinabukasan

Kumalat sa lahat ang nangyari sa Sitio Pulang Lupa

Halos naubos ang mga taong nakatira doon at nagkalat ang mga bangkay sa buong kapaligiran

Agad naman pumunta sila Yuri kasama ang dalawang binata at ang mga bisita nila ng nagdaang gabi para makita ang nangyari sa lugar ng mga ito

Halos nanlumo si Yuri ng makita ang mga katawan na gutay gutay, halos mahiwalay na ang ilang parte ng katawan sa mismong katawan ng mga iyon

Nagkalat ang mga dugo, naging malansa ang simoy ng hangin at halos bumaliktad ang sikmura ng ilan dahil sa nagkalat na mga lamang loob

Halos madurog ang puso nilang tatlo ng makita na yakap ng magkapatid ang katawan ng mga magulang ng mga iyon

Pati ang katabing bangkay ay iniyakan ng mga iyon, nalaman nila na magulang iyon ng dalawang batang kasama din nila

"Umpisa pa lamang ito!," hinagpis ng isang ale," Hanggat wala ang mahal na Prinsipe ay maghahari ang kasamaan sa buong kalupaan," tangis pa nitong saad

Nagkatinginan silang tatlo

"Bukas huling araw na ng gapasan," ani ng Kapitan ng Sitio Pulang Lupa,"Mas magiging mabagsik at mabangis sila,"

Napatingin sa paligid si Yuri, ang ilan ay ginagapas na ang mga natirang palay kahit na basa pa iyon, sumikat na din kasi ang araw kaya at wala na din ang sama ng panahon

"Wala na ang mga aswang," bulong niya pero alam niya dinig iyon ng dalawang kasama

"Oo nga," pagsang ayon ni Khael,"Malamang naghahanda na sila para bukas,"

"Maghanda na din tayo," ani ni Kevin,"Paano pala ang apat na iyan?," tanong nito

"Hindi ko alam eh,"sagot niya sabay tingin sa apat na naulila

"Isama muna natin sila sa bahay," mungkahi ni Khael,"Baka may alam sina Nanay at Tatay sa pwedeng gawin sa kanila,"

"Sige," pagsang ayon niya

"Ano pala iyong tungkol sa kanila?," tanong ni Khael,"Hindi muna naituloy kanina,"

"Ah oo," naalala niya dahil hindi na nga niya iyon natapos sabihin dahil tinawag na sila ni Kevin,"Tara doon tayo sa may kubo,"

Tumango naman na agad na sumunod si Khael, iniwanan nila doon si Kevin para bantayan ang apat habang nag uusap sila

"Dahil ayaw ng sumunod ng mga kalahi ng mga magulang nila sa bagong batas at sa ipinag uutos ng hari ay pinatay sila,"

Naikuyom naman ni Khael ang mga kamay dahil sa galit na nararamdaman nito

"Kagabi, lahat sila ay gusto ng usama pabalik sa kaharian niyo para doon mamuhay tulad ng dati, ang kumain at pumatay ng tao, pero tumanggi sila at lumaban,"

"Kaya ba lahat sila ay pinatay?," tanong nito sa kanya

"Oo," sagot niya at tumingin sa apat na bata, magkatabi silang nakatayo,"Pinatakas ang apat dahil iaalay sila sa hari at pamilya nito lalo na ang dalawang maliit,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Where stories live. Discover now