Chapter 45

896 61 3
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Apollo's POV

"Kamusta kana, Kuya?," biglang sulpot ni Agatha sa harapan ko

"Anong ginagawa mo dito?," tanong ko na tinitigan siya ng matalim

"Pinapunta ako ni Ama dito," sagot niya sa akin sabay naupo sa hinihigaan ko kanina

"Kalian ka pa dumating?," tanong ko sa kanya,

"Kani kanina lang," tugon niya sabay ngisi,"Kamusta ang trabaho mo dito? Mukhang masaya ka?,"

"Wala ka ng pakialam doon!," sigaw ko,"Umalis kana at bumalik sa atin,"

"Hindi pwede, kuya," sagot niya sa akin,"Naparito ako para tumulong sayo, nagiging mabagal kana,"

Naikuyom ko ang aking mga kamay dahil sa pagkairita sa kanya, alam naman niya na ayaw kong pinapakialaman ako sa aking mga trabaho at plano

"Ako na muna ang bahala ngayong gabi, kuya," nakangisi niyang turan sa akin,"Tutal bilog ang buwan kaya ipaubaya muna ito sa akin,"

Pagkasabi noon ay nilayasan niya ako kaya nagtangis nalang ang akong mga bagang dahil sa kanya

Alam ko ipinadala siya ni Ama para subaybayan ako at ito na ang gagawa ng paraan para makuha nila ang gusto nila

~~o~~o~~o~~o~~

Third Person's POV

Dahil sa inis at galit ay nagwala si Apollo pagkaalis ng kanyang kapatid, hindi siya papayag na maunahan nito sa kanya mga plano

Pero ngayong gabi ay pagbibigyan niya itong maminsala sa mga Baryo at sa mga tao

Samantala, sa isang kakahuyan

"Handa na na kayo?," tanong ni Agatha sa dalawampung katao na nasa kanyang harapan

"Opo, mahal na Prinsesa," yukong pahayag ng mga ito sa kanya

Maya maya pa ay nag umpisa ng magpahid ng langis ang mga kaharap nito para magpalit ng kani kanilang kaanyuan

Napapa ngisi nalang si Agatha habang nagpalit siya ng anyo

Isang anyo na ni sa panaginip ay hinding hindi mo gugustuhin na makita o makaharapan lang

May dilang mahaba na may patusok sa dulo at may kamandag na dala sa sinumang matatamaan o masusugatan

May mga pakpak na halos tumakip na sa kanya g huong katawan na kung saan ay ginagamit niya sa pag gapang o pag akyat

May mahahabang tainga, mga singkit na mata na halos kulay itim na, buhaghag ang mahaba niyong buhok na nakalugay

Mga kamay na halos dalawang dangkal ang haba ng mga daliri at may matutulis na kuko

May nakakatakot na mukha at higit sa lahat ay nakausli ang buto nito sa likuran na nagdudugtong sa kanyang pang ibabang katawan

Matapos makapagpalit ng kaanyuan ay nauna na siyang lumipad sa hinpapawid

Ikinampay ang mahaba at makapal na mga pakpak, lumikha ng tila isang malakas na ipo ipo sa paligid ang kanyang ginawa

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Where stories live. Discover now