Chapter 05

925 74 1
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Jennica's POV

"Ano guys?," tanong ko sa tatlong kaibigan ko habang nasa isang fastfood kami at kumakain ng hapunan, nagkita kita kami para mamasyal at para sabay sabay na din maghapunan

Alam ko sa mga sandaling ito ay nasa barko na sina kuya at baka nagpapahinga na din sila kasama ng mga kaibigan nito

"Sasama kami," kuro ng dalawa maliban sa isang kaibigan ko na ang tahimik

"Ikaw, Martha?," tanong ko sa kanya

"Susunod nalang ako, uuwi muna ako sa bahay," tugon niya sa akin

"Saan ka ba nakatira Martha?," tanong naman ni Laila sa kanya

"Sa Sitio Kulintang, kasunod ng Sitio Albana," tugon niya kaya napangiti nalang ako," Kinabukasan din susunod ako sa inyo,"

"Malapit ka lang pala sa amin," ani ko sabay ngiti," Sige, bago magpananghalian kailangan nasa Sitio kana, hihintayin kita ng alas diyes ha?," ani ko pa

"Oo ba," sagot niya," Isabay muna itong sina Laila at Marky para mag enjoy sa inyo, alam mo naman yang bakla na yan, gusto makita ang kuya mo,"

"Oo nga naman, Jen," sang ayon ni Marky na kaibigan kong bakla," Apat na taon na tayong magkakaibigan pero ni anino ng kuya Khael mo di ko pa nasisilayan,"

"Makikita mo na siya sa Lunes," sabi ko sabay tawa, kaya natawa nalang din silang tatlo sa akin

Pansin ko ang likot ng mga mata ni Martha na tila may inaabangan o may nararamdaman

Tulad ko, malakas ang pakiramdam ko at matalas ang mga mata ko, may lahi kasi kaming bampira, pero si Nanay Alfie lang, si Tatay Carlos naman ay isang ordinaryong tao naman

Namana namin ang kakayahan namin kay Nanay, at ang paglalakad sa gitna ng araw ay kay Tatay naman

Pero hindi pa kami ganap na malakas na mga bampira dahil wala pa kami sa hustong gulang, tanging malakas lang sa amin ngayon ay pakiramdam, pang amoy at matalas na paningin

Si kuya Khael ay hindi namin tunay na kapatid, pero mahal na mahal namin siya ganundin sina Nanay at Tatay

Siya ang taga pagtanggol namin at higit sa lahat ay siya ang Prinsipe ng aming lahi

Mabait si Kuya Khael kahit na mas malakas siya sa amin at kahit na alam niyang di siya tunay na anak nila Nanay at Tatay, di pa din siya nagbago ng malaman niya ang katotohanan

Mas lalo pa nga siyang naging malapit at mapagmahal na kuya sa amin at anak sa mga magulang namin

"Mauna na kami," pukaw ni Marky sa akin," Mag aalas diyes na oh,"

"Samahan niyo nalang ako sa boarding ko,"ani ko dahil may kakaiba akong nararamdaman sa paligid at ayaw ko silang mapahamak

Nagtinginan silang tatlo bago sabay sabay na tumango kaya napangiti nalang ako bago nagyaya na umuwi na,

At bago pa man dumating ang nilalang na nararamdaman ko at maging si Martha ay alam ko na nararamdaman niya iyon, dahil ang Nanay niya ay isang manggagamot

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt