Chapter 82

802 73 2
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

"Malapit ng mag umaga," ani ni Yuri,"Kailangan na natin silang tapusin!," sabay lapit sa Lola niya

Basang basa na siya ng dugo dahil sa mga nakalaban na nilang mga aswang na pinupugutan ng ulo

"Tapusin na natin sila, Apo," ani ni Lola Maria, tumango lang siya dahil handa na nilang patayin si Fhenna at Barakuda

Ginawa naman ni Khael, una na niyang inubos ang mga galamay ni Barakuda para malapitan niya ng maayos at mapatay na ng tuluyan

Alam niya na kapag wala na itong puso ay tuluyan na itong mamamatay at hindi na mabubuhay

Kaya iyon na ang kanyang gagawin, ang dukutin at kainin ang puso nito kung kinakailangan

"Lola, ano po ang gagawin natin?," tanong ni Yuri na napaluhod na dahil sa pagod at natamong mga sugat sa katawan

"Ako na ang bahala," ani ni Lola Maria, umusal ito ng mga orasyong latin bago ibinato sa kalabang aswang na si Fhenna

Nakita naman ni Yuri kung paanong umangil ang aswang na tila nasasaktan at halos hindi na makagalaw dahil tila naparalisa na ang mga iyon

"Apo, putulin mo ang kanyang ulo," utos ni Loal Maria,"Habang napipigilan ko pang gumalaw siya,"

"Opo," sagot niya sabay talon para makaakyat sa katawan ng aswang na iyon

Nahirapan pa siya bago makaakyat ng tuluyan sa katawan ng aswang

Madulas ang katawan ni Fhenna kaya halos nahirapan siyang makalapit sa pinaka leeg nito bago siya makalapit doon

Inihanda niya ang mahabang itak niya na nakabaon sa kalamansi at asin, inihanda na niya iyon para putulin ang ulo ni Fhenna

"Ngayon na, apo!," sigaw ni Lola Maria sa kanya,"Hindi ko na kayang patagalin, nanghihina na ako!,"

Nakita nga niya na napapaluhod na si Lola Maria kaya minadali niyang pugutin ang ulo ni Fhenna, nahirapan pa siya dahil sa kasing katawan niya ang leeg nito

Ilang minuto pa ang nakalipas bago niya napugutan ng ulo si Fhenna, nagkikisay iyon na natumba kaya napakapit siya ng mahigpit sa leeg nito

Gumulong ang ulo ni Fhenna sa pwesto nina Khael at Barakuda, nanlaki ang mga mata ng aswang ng makitang patay na si Fhenna

Umangil ng malakas si Barakuda ng makitang patay na ang aswang na bumuhay sa kanya

Ubos na ang mga aswang na alagad ni Fhenna, maya maya pa ay bumalik na sa dating kaanyuan si Fhenna sa pagiging tao

"Mas lalong magagalit ang Haring Serafino at si Apollo," biglang sulpot ni Prinsesa Aquaria na nasa anyong tao na at handang tumulong sa kanila

"Mahal na Prinsesa," bati ni Lola Maria sa kaharap

"Siya ang Prinsesa ng lahing Gabunan at tikbalang, at ngayon ay Reyna ng lahing aswang," paliwanag nito,"Napatay na din namin ang mga alagad ni Barakuda na umatake sa amin,"

"Salamat po," ani nila ng makitang tinulungan sila ng mga sirenong mandirigma na may mga paa na sa sandaling iyon

"Mahal na Prinsipe," ani ni Prinsesa,"Tapusin muna si Barakuda para manahimik kami lalo na kayo!,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ