Chapter 26

976 69 1
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Third Person's POV

Naupo silang lahat sa may sala ng bahay pagkatapos makapananghalian

Doon nila balak magkwentuhan at mag usap usap habang pinapababa ang kanilang kinain

"Kamusta ka dito, Leigh?," tanong ni Nena matapos maupo sa tabi niya, kaharap ang tatlo at si Lola Maria, naupo sa pang isahan

Napapangiti lang siya at naiilang dahil minsan ay nahuhuli niyang nakatitig sa kanya si Khael

"Mga apo," ani ni Lola Maria bago pa siya makasagot,"Kadarating lang niya noong araw na iyon, kinagabihan nakasagupa na ng mga aswang," pagbibida nito

"Talaga, Leigh?," gulat na tanong ni Sister Janelle,"Sana pala sumama ako sayo para nakapatay din ako ng aswang," napasimangot nitong sabi sa kanyan na ikinatawa nila

"Tita, baka mag iiyak ka lang," biro  ni Khael sa tiyahin nito

"Matapang kaya ako," sabi nito sabay ngiti kaya nagtawanan nalang silang lahat

"Noong nakaraan may aswang din yan na pinarusahan," dagdag pa ni Lola Maria na nakangiti

"Lola, naman eh," awat niya,"Wag niyo nalang po ikwento at nakakhiya," sabi niya sabay yuko

"Bilib nga ako sayo eh," ani ni Nena,"Pareho kayong matapang ni Sister Janelle, dapat hindi pagma Madre ang kurso niyo, kundi pagpupulis diba?,"

Tumango ang apat sabay na nagtawanan, napapangiti nalang din si Lola Maria sa pang aasaran ng mga kaharap niya

"Kamusta ang kaarawan mo?," tanong ni Lola Maria kay Khael habang magkaharap silang lahat

"Ayos lang po," sagot nito sabay ngiti,"Medyo mahirap po, saka kakaiba po ang itsura,"

Napatango lang si Lola Maria

"May nakita po pala akong aswang, Lola," ani ni Khael sa matanda,"Kakaiba po eh,"

"Ano ang itsura nila?,"

"Mayroon po silang mga nakakatakot na itsura," pag uumpisa ni Khael,"Mayroon silang  mga mahahabang katawan na naglalangis. Ganoon din ang mga braso at kamay nila. Tapos may mga matatalim at mahahaba pa silang mga ngipin, dagdagan pa ng may mga bunganga silang napakalaki,"

"Nakakatakot naman iyang sinasabi mo, Khael," ani ni Bryan habang nakikinig

"Mga anong uri sila ng aswang, Lola?," tanong ni Nena

"Ang tawag sa kanila ay mga MAMBUKAY," ani ni Lola Maria

"Mambukay? Ano po iyon?," kuro nilang lahat kaya napailing nalang si Lola Maria sa kanilang anim

"Aswang din ang mga Mambukay," ani ni Lola Maria,"Mga aswang na mula sa lahi ng mga Manananggal at Asbo, kaya naglalangis ang katawan nila kasi iyon ay mula sa lahing asbo,"

"Ah, pwede po pala iyon?," takang tanong ni Kevin

"Oo," sagot ni Lola Maria," Kapag nagkatuluyan ang may lahing manananggal at asbo ay iyon ang kalalabasan, mga nakakatakot na aswang na mula sa dalawang lahi,"

"Paano po iyon matatalo?," tanong naman ni Sister Janelle

"Pagpugot sa ulo o sa pamamagitan ng pagkuha o pagdukot ng kanilang puso, iyon lang ang paraan para matalo sila. Kasi madulas ang buo nilang katawan kaya hindi sila tinatablan ng kahit anong matatalim na sandata kagaya ng itak, gulok o kung anu ano pa,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Where stories live. Discover now