Chapter 02

1K 87 7
                                    

~~o~~o~~o~~o~~

Third Person's POV

"Tawagan mo, Mahal ang mga anak natin," natatakot na sabi ni Alfie sa asawang si Carlos," Wag mo muna sila pauwiin dito sa Sitio Albana,"

"Mahal, hindi maaari,"tanggi naman ni Mang Carlos sa kanyang asawa,"Sa sunod na linggo ay kaarawan na ni Khael,"

"At kabilugan iyon ng buwan,"napabulalas si Aling Alfie bago napaupo sa kawayang upuan sa kanilang sala

"Mangyayari na ang kanyang kapalaran, kailangan natin siyang subaybayan,"

"Mahal, alam na iyon ni Khael at handa na siya sa pagpapalit ng kanyang kaanyuan,"ani ni Mang Carlos,"At tanggap na niya iyon,"

"Sa sunod na linggo ay gapasan na din," ani ni Aling Alfie,"At maglilipana na ang mga aswang na hayok sa laman ng tao,"

"Kaya nga maghanda na tayo," ani ni Mang Carlos habang nakakaramdam ng takot at kilabot sa buong katauhan

"Ihanda na natin ang ating alay sa araw na iyon," ani ni Aling Alfie,"Kailangan na sasapat para sa tiyan nila at sasapat sa loob ng isa o dalawang linggo,"

"Sasapat ang alaga nating mga baboy,"ani ni Mang Carlos,"Mauubos na naman ang mga alaga natin,"

"Kumikilos na ang bagong hari ng mga aswang," sulpot ng isang taong kambing sa kanilang bintana

Napasigaw ng wala sa oras si Aling Alfie at napahawak sa tapat ng kanyang dibdib dahil sa nakita

"Wag mo nga ako takutin at gulatin!," sigaw niya sa taong kambing," Hindi ako mamamatay sa takot, mamamatay ako sa gulat dahil sayo, Gudo!,"

"Pasensiya kana, Aling Alfie," tugon nito bago tuluyang nagpakita sa kanilang mag asawa, isa iyong binatilyong kambing na nasa gulang labing lima, matitipuno ang pangangatawan at may magandang mukha

Pero ang katawan nito na mula ulo hanggang tuhod ay sa tao, mula tuhod hanggang sa paa ay kagaya ng sa kambing na nababalutan ng mga balahibong itim

May sungay ito na kagaya ng sa kalabaw, pinaresan ng mga malalaking tainga, may mahabang buhok na hanggang sa balikat

May kung anong bagay na nakapinta sa kanyang katawan, may balahibo din sa kanyang likuran at mahabang itim na buntot

Agad nilang pinapasok iyon sa loob ng bahay para makausap ng maayos, isa ito sa mga kaibigan nila simula pa noon

"Ano ang balita mo?," tanong ni Mang Carlos sa binatilyo ng makapasok na iyon sa loob ng bahay nila

"Nagsisimula ng maghasik ng kadiliman at lagim ang Haring Serafino," pahayag nito," Kahit sa buong kaharian ay naghahasik na din siya ng lagim, sa gapasan ay magsusugo siya ng mga malalakas na aswang para hanapin ang taga pagmana,"

"Paano sila makakapunta dito?," may pagtatakang tanong ni Aling Alfie,"Eh ang tanging lagusan na daanan na nagdudugtong sa mundo ng mga tao at mundo natin ay punong puno ng pangontrang orasyon laban sa atin at sa lahat ng mga aswang?,"

"May mga nakarating na dito," ani ng tikbalang,"Kinakaya nila ang hapdi, sakit at tila kamatayan sa lagusang iyon para lang makarating dito at makahanap ng alay,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Where stories live. Discover now