Chapter 49

876 67 1
                                    


~~o~~o~~o~~o~~

Matapos makalabas ng buhay sa Nayon na kung saan pinamumugaran ng mga batang aswang ay tinahak naman nila ang ikalawang kabundukan

Dahil sa laki ng utang na loob sa kanila nila Lakkan ay dinagdagan pa ang kanilang mga baong pagkain at tubig na ipinadala nila lay Gudo na todo simangot

Hinayaan nalang ni Yuri na nagpuputak iyon dahil sa kasalanan nito sa kanya

Hindi sila ginising ng maaga kaya ngayon alas diyes na sila nakaalis sa bahay nila Lakkan

Habang naglalakad sila ay napapansin nila ang kagandahan ng kapaligiran kaya napahinto siya

"Naliligaw ba tayo, Gudo?," tanong niya sa katabi

"Salamat naman at tinawag mo ako sa pangalan mo," nakangiti nitong saad, napasimangot nalang siya,"Hindi, basta diretsp lang,"

Paalala pa nito sa kanilang apat, kaya nagpatuloy lang sila sa paglalakad habang namamangha sa kanilang nakikita

"Wag kayong papadala sa ganda ng mga lambanang iyan," babala nito,"Mamamatay kayo kapag nakuha nila ang loob niyo,"

"Ang gaganda nila," ani ni Nena habang paikot ikot na lumilipad sa kanila ang mga lambanang may ibat ibang kulay

"Bilisan niyo bago pa sila magalit," babala ni Gudo habang hila hila si Nena na tuwang tuwa sa mga iyon

Habang siya ay hila hila ang dalawang binata na nakatulala din sa mga iyon

Tila nasa isang paraiso sila na punong puno ng mga diwata at lambana na nagliliparan sa buong kapaligiran

May isang malaking puno na may gintong mga bunga, kahit ang mga dahon niyon ay ginto at sa ibaba ay may mga lambana at mga diwatang nakaupo habang naglalaro

Panay lang ang tingin ni Yuri sa kanilang kapaligiran habang hila hila ang dalawa na panay sundot at hawak sa mga lumilipad sa kanilang ulunan at paligid

Samantalang si Gudo ay si Nena na nakangiti nan habang tuwang tuwan sa ganda ng paligid

"Kapag hindi tayo nakalabas dito," ani ni Gudo,"Maiiwanan natin silamg tatlo at makakalimutan na nila tayo kahit na ang kanilang mga pinagmulan,"paalala nito

"Malayo pa ba ta yo sa labasan?," tanong niya dito

"Malapit na," ani nito

Tumingin siya sa paligid, sa isip niya kahit siko ay mas gugustuhin na dumito dahil sa napakalinis at nakapaganda doon

May ilog sa di kalayuan na napakalinaw ng tubig, may mga usang kakaiba na naandoon na umiinom ng tubig,

May mga rabbit na nagtatakbuhan habang papunta sa ilog king saan iinom ng tubig at iba pang hayop na ngayon lang niya nakita sa tanang buhay niya

Ang bawat gilid ng daan ay punong puno ng ibat ibang uri ng mgagagandang bulaklak

Mayga paruparu na lumilipad sa ibabaw niyon, tuwang tuwa din siya habang nakamasid

"Ang ganda naman dito, Gudo," ani niyang nakangiti,"Pwede bang magpahinga muna tayo kahit sandali lang?," tanong niya

"Hindi pwede dahil delikado tayo,"saway ni Gudo sa kanya

Patuloy lang sila sa paglalakad

May nakita din siyang mga duwendeng puti na nakatungtong sa mga punso

Mga babaing duwende na lalong nagbigay ng ngiti sa kanya, tuwang tuwa siya sa mga kaliitan ng mga iyon, may nakita pa siyang kabayong puti na may sungay o unicorn sa di kalayuan

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Where stories live. Discover now