Chapter 55

748 67 6
                                    

~~o~~o~~o~~o~~

Alas Diyes ng Umaga

Nasa labas sila ng bahay habang pinagmamasdan ang mga bahay na saradong sarado ng mga sandaling iyon

Pero alam nila may mga aswang pang natira at nagtatago sa loob at madilim na bahay

"Ano ba ang itsura ng bulag na aswang?," takang tanong ni Kevin bago sana sila umalis doon sa harapan ng bahay nila Nardo

"Hihirit ka pa eh," angal ni Nena na antok na antok pa din

"Syempre para alam natin ang itsura," sabi pa nito kay Nena,"Bulag kasi sila diba? So kapag nangangaswang sila nangangapa lang sila?,"

Natawa naman si Lola Rita dahil sa biro na tanong ni Kevin

"Nagbiro kapa," nakasimangot ma sabi ni Yuri,"Umayos ka,"

"Malalaman niyo kung bakit sila tinawag na bulag na aswang," ani ni Lola Rita,"Mag iingat kayo sa pagpunta niyo doon," paalala nito,"Dumaan kayo ulet dito bago kayo umuwi mga apo,"

"Opo, Lola Rita," kuro nilang apat,"Salamat po," ani nila bago umalis doon, sama sama na silang naglakad papunta sa bukana ng kagubatan

Madadaanan nila ang mga lumang bus kung saan nila nakaengkwentro ang mga aswang ng nakaraang gabi

"Nasaan na kaya ang mga bangkay ng mga aswang?," may pagtatakang tanong ni Bryan ng makitang wala na ang mga napatay na aswang doon

"Baka kinuha na ng mga kaanak nila at inilibing," pabirong sabi ni Kevin kaya sinamaan nila ito ng tingin,"Nagbibiro lang, ang seseryoso niyo kasing apat,"

"Buhay pa ang mga napatay ninyong aswang kagabi," ani ni Gudo sa kanila

Kaya nagkatinginan silang apat dahil sa sinabi nito

"Paano?," takang tanong ni Nena

"Dahil sa bulaklak ng bukangliwanag," sagot nito,"Hanggat hindi pa gaano namukadkad ang isa ay nabubuhay sila at maghahasik ulet ng lagim sa Baryong ito,"

"Wala na bang mga kagaya nila Lola Rita na nakatira dito?," tanong ni Bryan kay Gudo

"Marami," sagot nito,"Nasa likurang bahagi lang ng bahay nila Nardo ang mga kabahayan ng mga kapitbahay nila,"

"Ha? Pero bakit wala tayong nakita?," may pagtatakang tanong ni Nena, si Yuri naman ay tahimik lang na nakikinig sa apat

"Tago kasi," tugon nito,"May ilang mga naglalakihang puno na nakaharang kaya hindi natin makita kaagad agad iyon,"

"Ah kaya pala," napatango nalang sila bilang sagot dito

"Ilang oras pa bago tayo makarating sa kweba?," maya maya pa ay tanong ni Yuri

"Bago mag alas singko ay nandoon na tayo," ani ni Gudo dito

"Wala ka bang alam tungkol sa mga bulag na aswang?," tanong pa niya ulet

Umiling lang ito bilang sagot kaya napabuga nalang siya ng hangin

"Paano natin sila lalabanan kung hindi natin alam ang kakayahan nila?," tanong ni Nena,"Kung talagang bulag ba sila o iyon lang ba ang katawagan sa kanila?,"

"Wala tayong alam," ani ni Yuri,"Ang magagawa lang natin ay magdasal para sa kaligtasan natin at para kay Khael na sana makayanan niya ang lason at kamandag,"

"Tama ka," sang ayon ng apat sa kanya, nagpatuloy lang sila sa paglalakad habang papasok pa sa pinakapusod ng kagubatan

~~o~~o~~o~~o~~

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon