~~o~~o~~o~~o~~Hating Gabi
Naalimpungatan si Yuri ng makaramdam ng tawag ng kalikasan, kaya agad siyang bumangon at lumabas sa silid nila kasama doon sina Nena at Janelle
Agad siyang naglakad papunta sa palikuran na malapit sa kusina, ipinagpasalamat niya dahil nasa loob ang palikuran ng mga iyon
Dahil ayaw na niyang lumabas ng bahay at masyado ng gabi ng mga oras na iyon
Naabutan niya sa kusina sina Khael, ang dalawang kaibigan nitong lalake, ang dalawang dalaga at si Tatay Carlos
"Magandang gabi po," bati niya,
"Hindi ka ba makatulog, Yuri?," tanong ni Tatay Carlos
"Ah, magbabanyo lang po sana ako," ani niya sabay lakad papunta sa banyo, nakita pa niyang titig na titig si Khael sa kanya
Matapos mailabas ang nararamdaman ay lumabas na siya ng banyo
"Ano pong mayroon?," tanong niya sa mga iyon
"Mga aswang," ani ni Trina,"Gusto mo magkape?,"
"Kung hindi ka naman matutulog, dito kana lang," yaya ni Aira na nakangiti sa kanya
"Maupo kana, Yuri,"ani ni Kevin na nakangiti din bago siya naupo sa tabi ni Aira na hindi pala niya napansin na kaharap niya si Khael
"Anong ginagawa niyo?," tanong niya sa mga iyon
"Mga manunugis kami o aswang hunter, nag aabang kami ng mga aswang na lulusob," sagot ni Aira sa kanya
"Ah, bakit marami bang aswang?," takang tanong niya
"Oo nasa labas ng bahay," mahinang sambit ni Tatay Carlos,"Nag aabang lang sila ng pagkakataon para lumusob,"
Nanahimik nalang siya at nakiramdam sa paligid, pero hindi maiiawasan na minsan ay nagtatama ang tingin nila ni Khael
Kailangan pa bang ako ay tanungin
Kailangan pa bang sayo ay bigkasin
Na mahal kita at wala ng iba
Masdan mo't makikita sa aking mga mata
Mahinang pagkanta ni Bryan, na ikinakunot ng noo ni Yuri
Hindi na kailangan, sayo ay bigkasin
Hindi na kailangan, sayo ay sambitin
Sa tuwing magtatama ang ating paningin
Sa mata makikita ang aking damdamin
Napapailing nalang siya sa kakulitan ng dalawang ito
Itanong mo sa akin kung sino ang aking mahal
Itanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal
Ikaw lang ang aking mahal
YOU ARE READING
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1
HorrorIsang tagapag mana ang isinilang mula sa mabuting lahi ng aswang at bampira Para kalabanin ang mga masasamang balak ng mga ito na lipulin at patayin ang mga mabababang uri at sakupin ang kalupaang ginagalawan ng mga ito Siya ay isang kakaiba at mala...