~~o~~o~~o~~o~~Isang linggo ang lumipas
Parehong nakalabas na ng ospital sina Yuri at ang mag ina
Doon na sila pinatuloy ng magkapatid dahil sa may kalakihan ang bahay ng mga ito
Kasama na din nila doon ang tatlong binata na sa sala ng bahay lang natutulog, habang sa isang silid ay kasama ng mag ina si Yuri
Sa isang silid naman ay si Martha kasama si Emma, at ang ujatlong silid ay ang silid ni Leah
Masaya silang lahat habang doon sila nakatira sa loib ng isang linggo, pero nagbibigay din sila ng kanilang bahagi para sa pagkain,
Kahit ayaw na tanggapin ng magkapatid pero mapilit lang talaga silang tatlo
Nang masigurado na nila na ayos na ang kalagayan nina Yuri at Katrin ay nagpasya silang puntahan ang bahay nila John
Bago pa sila makapunta doon ay nauna ng magmanman sina Khael at Kevin ng ilang araw habang nagpapagaling si Yuri at nagpapahunga naman si Katrin at Martha dahil sa kapaguran
"Ano ang balita kina John?," tanong ni Yuri,"Nandoon pa ba siya?,"
"Oo," tugon ni Kevin pero hindi umiimik si Khael,"Kayo na ang bahalang makakita kung anong mayroon sa kanila,"
"Nasa labas na ang inarkila naming Van sa kabilang Baryo," ani ni Emma na kasama sina Bryan at Martha,"Aalis na ba tayo?,"
"Oo, tara na," sagot niya sabay tayo, inalalayan naman siya ni Khael dahil paika ika pa siyang maglakad at nararamdaman pa din niya ang pagkirot sa kanyang tagiliran dahil sa tahi at sugat
Tahimik lang silang lahat habang bumibiyahe papunta sa bahay nila John at gusto nila iyong makausap at makompronta tungkol sa ginawa nito sa mag ina nito
~~o~~o~~o~~o~~
Samantala
"Nakausap mo na ba anak ang amo mong si Andres?," tanong ng nanay nito sa anak
"Wala pa po Nay," tugon nito,"Sabi ng kapatid niya baka bumalik na sa Lungsod, hindi nga daw nagpaalam sa kanila, pero sanay na din daw sila,"
"Ang laking pera ang ibinayad niya sa haliparot mong asawa at sa anak ninyo,"
"Magdala kapa dito ng babae pero siguraduhin mong buntis na," ani pa ng ina nito habang binibilang ang pera na nasa loob ng sobre
"Nakabili na ako anak ng lupang isasaka," ani ng ama nito na nagmamando ng mga taong gumagawa ng bahay nila
Napapangiti lang si John dahil maganda na ang bahay nila, sementado na at gawa sa yero ang bubungan nila
Makakapal na tabla ang kalahati ng kanilang bahay, may limang silid para sa kanilang magkakapatid at isang may kalakihang silid para kanilang mga magulang, may mga gamit na din silang nabili
Lalo na ang mga gamit sa sala, kusina at sa mga kwarto
"Salamat sa haliparot mong kasintahan," ani ng Nanay nito,"Guminhawa ang buhay natin at nakakapag aral na ng maayos ang mga kapatid mo, nakakabili na din tayo ng maayos na makakain at maayos na mga damit,"
![](https://img.wattpad.com/cover/255956836-288-k172775.jpg)
ВИ ЧИТАЄТЕ
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1
ЖахиIsang tagapag mana ang isinilang mula sa mabuting lahi ng aswang at bampira Para kalabanin ang mga masasamang balak ng mga ito na lipulin at patayin ang mga mabababang uri at sakupin ang kalupaang ginagalawan ng mga ito Siya ay isang kakaiba at mala...