"Buti at nakalibot ka ulit rito! Halika! Ipagbe-bake kita ng cupcake!" Hinatak na ako nito papasok sa kusina.

Nakangusong sumunod sa amin si Marko, natawa na lang ako sa itsura niya. "I can take care of her, mom," reklamo ni Marko.

"Sa akin muna siya! Mag-asikaso kayo ng tanghalian natin!" Naggayak na si tita ng mga gagamitin. "Tuturuan kita, hija," tumango ako kay tita. Nakagawa naman na kami ng cupcake ni Marko, kaso ay lasang trip lang. Baka ngayon ay mas matuto na ako.

"We have yaya's. Kaya na nilang gumawa nang tanghalian," hinatak ako ni Marko palapit sa kanya at niyakap ako mula sa likod.

"Fine! But she's mine today," muli akong hinila ni tita.

Tuloy ay nakanguso lang si Marko habang pinapanood kaming gumawa ni tita. Nakinig ako ng mabuti sa kanya. Sa bawat takal o kahit ano man ang gawin niya ay nakatutok ako.

"Kuya! They're all talk about you in social media!" Pagtakbo ni Lee kay Marko.

"About what?" Kunot ang noo na kinuha ni Marko ang laptop kay Lee. Napatigil kami ni tita at nakitingin na rin.

"About you and ate Hanya. Marami nang mga tao na nagsasabing nilalandi ka raw ni ate Hanya," inagaw ko kay Marko ang laptop na siyang ikinagulat niya. Pinindot ko ang comments at binasa ang mga nando'n.

Malanding babae! Ngunit wala ang Ella ay nilalandi na niya!

May jowa na 'yan, ateng malande! Don't touch him!

Oh, my god! Is this landian in the beach?

What the hell?

Nasa'n 'yang babaeng nagngangalang Hanya na 'yan? Pasampal!

"T-the heck?" Inis kong tiningnan ang iba pang comment.

Paanong lumabas ng picture namin ni Marko na nasa beach kami?! Ni-rent na nga ni Marko ang buong lugar na 'yon, kaya sino ang makakakita sa amin?!

"H-hayaan mo lang sila. Kakausapin ko na muna ang manager namin," hindi ko ibinigay kay Marko ang laptop.

"B-bakit ako pa 'yong mali dito? Hindi naman nila alam 'yong buong kwento, ah," nanginginig ang boses na sabi ko bago isara ang laptop.

"Talk about that, Marko. Mag-usap muna kayo ni Hanya," iniwan na kami do'n nila Lee, kaya kami na lang ni Marko ang natira sa kusina.

"I can fix it, okay?" Inupo ako ni Marko sa high chair bago ako harapin. "Hahanapin ko muna kung sino ang nagpost no'n-"

"No, alam ko na kung sino," agad na napasunod sa akin si Marko nang lumabas ako sa bahay nila. "Kapag nakita ko 'yang sira-ulo kong kapatid, uubusin ko 'yong buhok niya." Nangingigil kong ipinabukas ang kotse kay Marko. Minadali ko rin siya hanggang sa pagmamaneho kaya wala pa sa sampung minuto ay nakarating kami sa bahay nila Ella.

"Asan 'yong malandi niyong anak?" Bungad ko sa buong bahay nila.

"What the hell are you doing here?" Bumaba sa magandang hagdan ang tanga kong kapatid sa ama. "Oh," mangha siyang bumaba, nagmamadali pa. "Nalaman mo na ba 'yong pinost ko? Oh, my god! Nakita mo ba 'yong reaksyon nang mga tao-" Natigilan si Ella nang makitang kasama ko si Marko. "Hi, Marko!" Malandi pang bati niya.

"Don't talk to my boyfriend! Ikaw ang kausap ko rito!" Sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Tapang tapangan?" Humalukipkip pa ito.

"Tara na, Hanya," paghatak sa akin ni Marko.

"Hintayin mo 'ko sa kotse," masama kong tiningnan si Marko, nagmamadali tuloy siyang lumabas. "Ano ulit 'yong sinabi mo?"

"Ang sabi ko, tapang tapangan ka-"

Mabilis kong hinablot ang buhok niya, sa gano'ng pamamagitan ko pinagpantay ang tingin naming dalawa. "Maaaring nasisiraan na 'ko sa buong Pilipinas. Pero mukhang ayos lang 'yong kung sisirain ko na 'yung mukha mo," nakangisi kong hinimas ang pisngi niya, kaya agad siyang nagpapalag.

"Let go of me! You fucking asshole!" Sinipa niya ako kaya napalayo ako sa kanya ng ilang hakbang.

"Baka natatandaan mong boyfriend ko ang tinatarget mo kasama ang pangalan ko," pilit niyang nilalabanan ang masama kong tingin. "Dahil isang lapit mo pa sa BOYFRIEND ko, matatanggalan ka ng mukha, sinasabi ko sa 'yo." I flip my hair bago lumabas.

Nakaabang agad sa akin ang nag-aalalang mukha pagpasok ko sa kotse. "M-may ginawa ka ba sa kanya?"

"Why? Takot ka kasi baka saktan ko siya?"

"O-of course not!" He defense.

Sinabi kong bumalik na kami sa kanila kaya agad siyang sumunod sa akin.

Halata namang kagagawan ni Ella. Papaanong hindi? Alam na alam ko 'yung style ng babae na 'yon. Ramdam kong gusto niya ang boyfriend ko, kaya gusto niyang sirain ang pangalan ko. Pero sorry siya, kahit na magkahiwalay kami ni Marko ay hindi ako papayag na mapunta siya sa boyfriend ko. Puputulan ko muna siya ng utong bago niya magawa 'yon.

"Where did you go?" Nag-aalalang bungad ni tita pagbalik namin.

"About that, tita, may kinausap lang ako." Nakangiting saad ko.

"Kumain na kayo, anak. D'yos ko, pinag-alala niyo kaming lahat dito sa bahay." Ngumiti na lamang ako kay tita bago kami ni Marko dumiretso sa dining area.

"That Ella," bulong ko habang kumakain kaming dalawa ni Marko. "Do you have feelings for Ella?" Nagugulat na umiling si Marko.

"Wala, love! We're just nothing," mabilis akong tumango.

"How about your teleserye? May kiss?" Natigilan si Marko bago mabagal na tumango. "Mukhang kailangan ko ng tanggalan ng labi 'yong isa na 'yon," naubo ang kaharap ko.

"W-what, love? Don't be jealous! Acting lang 'yon! And you're my girlfriend, my everything," ngumiti siya sa akin.

"And you're my boyfriend. Don't you dare to fall in love with her or I'll cut your butt," mabilis siyang tumango bago ngumiti, labas ang lahat ng ngipin. "I love you,"

"Oh, I love you too, love,"

It Hurts, I Love YouOnde as histórias ganham vida. Descobre agora