Tinapos ko na yung kinakain ko at naligo bago magbihis. Chineck ko yung bag ko kung andun na yung mga kailangan kong dalhin. Bumaba ang tingin ko sa aso kong nakaupo lang at nakatingin sakin.

"Snowie alis na si mommy okay? I'll call kuya Carlo to feed you later. " Nilaro ko lang yung balahibo niya dahil ang lambot talaga. He really reminds me of that girl. It's been a long time and after kong umalis wala na talaga akong narinig na kung ano man tungkol sa kanya. I change my number, I deactivated every social media I have. Sa totoo lang maiintindihan ko kung kinalimutan na ako ng babaeng yun. She has the right. Ako yung biglang nangiwan.

If you think na nagkajowa ako after kong umalis hindi po. Even after nung ma accept nina mama. Sabi niya pa nga kung kailan daw okay na sa kanila ako pa yung naging choosy. To be honest after kong umalis walang araw na di talaga ako umiiyak. I missed her so much. Pati nga sa toothbrush ko siya yung naaalala ko. Naging walking dead talaga yung concept ko for almost two years din. Binaon ko yung sarili ko sa pagaaral which really paid off pero muntik na marisk yung health ko kasi di na ako kumakain sa tamang oras. Na admit nga ako sa ospital dahil sa lala ng ulcer ko. Kaya ayun si mama talak nanaman ng talak pero mukhang dahil din dun kaya niya napagtanto na talagang mahal ko yung tao.

Lumabas na ako ng condo at nagtungo sa parking lot para sumakay sa motor bike ko. I wore my helmet at gloves bago ito pinaharurot sa daan. Mga ten minutes din bago ako nakarating sa office and kakaupo ko pa nga lang sa upuan ko ng...

"Debie!!!" Napatalon ako sa gulat nung biglang may malamig na kamay ang humawak sa braso ko. Paglingon ko kung sino yung best friend ko lang pala.

"Tangina mo Fran." Bungad ko sa kanya. Kasi may hawak pala siyang iced americano kaya ang lamig ng kamay. She's Franchette Andrea Salem. A friend I met doon sa school na nilipatan ko. Yung ugali niya parang si Riyn din eh. Siya lang yung babaeng nakakasama ko parati doon at nakakausap para di naman mapanis laway ko diba. Sabay din kaming nagtake ng board at pumasa. Dami ko nang nakwentong kadramahan sa kanya pero mas marami sa kanya. Hindot kasi daming boylet. Nakikipag contest sa kakambal niyang si Francis.

"Hehe tawag ka ni sir may itatanong daw. Puntahan mo na." Nguso niya sa direksyon ng office ni sir.

"Bakit daw? Aalis sana ako papuntang site." Napanguso ako. Kasi naman eh may gustong ipachange sa designe yung client.

"Di ko alam puntahan mo nalang." Wala na akong nagawa kundi tumayo at nagtungo nga sa office ng director namin. Inhale exhale. Kumatok muna ako bago ito binuksan. Sinilip ko mun ayung ulo ko. Nakita ko si sir busy sa mga papers.

"Sir tawag niyo po ako?"

"Oh Demi pasok ka." Binaba na niya yung mga papel at maayos akong tinignan. Pumasok na nga ako at sinara yung pinto.

"Upo ka muna." Umupo ako sa couch sa loob ng office niya.

"Bakit po sir?"

"I have something to ask you." Parang kinabahan naman ako dun. Ang seryoso kasi ng mukha ni sir. Hindi naman siguro ako papagalitan nito. Wala naman akong maling nagawa so far.

"Po?"

"Have you heard of Gensler firm?"

"Uhm diba architectural firm yun base sa US?" Sikat yun na firm kung hindi ako nagkakamali.

"Yeah and someone who used to be working there decided to transfer here." Woah really? That's a good oppurtunity sa company pero anong relate naman nun sakin?

"That's a great news sir."

"Hmm we're going to have a big project with that architect and I want you to be the project manager for that." Napatulala nalang ako sa sinabi niya.

Lilith's Smile (GxG)Where stories live. Discover now