"Let's talk there." Sabi ko at naunang maglakad sa loob papunta sa pina sulok na parte ng shop. Sumunod naman siya agad. Nung makaupo na kami at nalapag na niya yung coffee niya saka lang siya nagsalita.


"I'm sorry." Pagsisimula niya. Hindi ako sumagot at hinayaan lang siyang magpatuloy.


"I was not myself those times. I'm sorry kung nabigyan kita ng sakit sa ulo. Hindi ko lang talaga matanggap na wala na tayo. Actually hanggang ngayon parang ang hirap parin paniwalaan pero noong nagusap kami ni Demi sinampal ako ng katotohanan. I'm really really sorry for being selfish and for hurting you Lili." This kind tone alam kong ang kausap ko ngayon ay ang lalakeng minahal ko noon.


"It's fine. I'm sorry for not telling about us sooner." 


"Hmm hindi mo naman kailangan sabihin. It's your life and I don't have a say on who you should go out with. Napagisip-isipan ko rin na kung sa iba ka din mapupunta I think Eve is a good choice. Siya yung taong mapapanatag ako na nasa tama kang mga kamay." Ngumiti lang siya yung genuine na mga ngiti. 


"Thank you and Adam you are a great man too. Makakahanap ka rin ng para sayo." 


"Hmm well let's see about that. I still have to move on." Natatawa niyang sabi kaya medyo naguilty naman ako.


"Yeah pero this is a great start." 


"Yup acceptance is the first step right?" Hindi ko mapigilan mapangiti. This is what I am waiting for him to say. Yung matanggap niya na wala na kami. 


"I agree. Thank you Adam." 


"No I should thank you. I'm sorry again sa lahat ng panggugulo ko." Napahimas siya sa batok niya. Feel ko naman yung sincerity niya na talagang nagsisisi siya doon sa mga nangyari.


"Okay na Ads. Huwag ka na magsorry." 


"Right... uhm I heard ikaw yung nanliligaw kay Demi?" Halatang careful siya sa pagtatanong.


"Why? does that disgust you?" Natatawa kong tanong.


"No! I mean no no no. If you need some tip you can- uhm ask you know." Oo nga pala Adam is really good with surprises. Maybe matutulungan niya ako?


"Oh about that I actually need a little advise. Birthday na niya kasi this friday any tips for a gift?" I don't know what to do. Kung uuwi siya sa kanila then that means aabsent siya this friday wala naman siyang sinabi na isasama niya ako sa kanila and knowing that woman she won't like me missing my class. 


"Hmm well Demi is a simple girl. Hindi naman yun pihikan and for sure magugustohan niya kung ano man ang ibibigay mo." 


"That's it I do not know what to give." I sigh. Ewan ko ba naiistress ako kakaisip. 


Lilith's Smile (GxG)Where stories live. Discover now