"See. Li may ibang tao pa akong pinapahalagan sa buhay. Nasabi ko narin naman siguro sayo na hindi sa lahat ng panahon uunahin kita diba?" Mahinahon lang yung pagkakasabi ko pero parang ang laki ng impact sa kanya. Hindi naman kasi sa ayaw ko yung ginagawa niya pero may limitation din kasi yung pagiging selosa dapat. 


"Isa pa ano naman kung naging totoong crush ko yun? Hindi mo ba ako supportado? Minsan naguguluhan nako sayo. Daig mo pa jowa ko kung magselos." Biro lang naman yun kaso mukhang natamaan siya. Totoo naman kasi sa amin ako yung may gusto sa kanya pero daig niya pa ako mang akin.


"Hayst ewan ko sayo kumain ka na. Uuwi ako bukas ng maaga kaya matutulog nako." Napatingin ako sa oras eight thirty na pala. Hinubad ko na yung apron at nagtungo sa kwarto. Nilock ko na baka bigla pa yung sumulpot. 


Hindi ko talaga siya magets kase hindi naman siya ganito kina Keisha. Gusto ko na inaangkin niya ako pero minsan nakakalito na. Di ko alam kung ano ba talaga tingin niya sakin. Minsan nakakafrustrate yung ganito na aasta siyang ganyan kahit wala kaming label. Kasi parang umaasa ako. Nakakatakot kaya alam mo yung may something sa inyo pero hindi niyo ma point out kung ano. I know I said I will express my love eh siya ba? Ano yung sa kanya? Ayokong magka false hope pero at the same time yun ang binibigay niya.


Naputol yung pagiisip ko nung nagring ulit yung phone ko.


'come out.' Naningkit paningin ko sa text niya. Inuutosan ba ako neto? Nasundan ulit ng isa pang text.


'Please.' Automatic na napangiti ako. Shuta ang rupok ko bhie. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Syempre nagpapa as if ako na naiinis. Kunware galit ako. Nakita ko siya agad nagiintay sa labas ng kwarto ko. Uhm mukha siyang maiiyak.


"Sorry na." Bigla niya nalang ako niyakap. Kanina ang sungit niya sakin ngayon nagsosorry hanep talaga utak neto.


"Saan?" 


"Sorry nainis lang ako kasi di mo ako sinasagot. Alam mo naman ayokong iniignore ako." Sumbong niya. Nagpapacute ba siya? Kasi kung oo ang effective.


"Patingin ng mukhang naiinis?" Nakatanggap nanaman ako ng hampas. 


"Seryoso kasi." Natawa nalang ako. Ewan ganito na routine namin pagnagkatampuhan. Kung magaaway kami mabilis lang din naman magkabati. 


"Sorry din sinabi ko lang na date para payback ko sana sa paghulog mo ng toothbrush ko." Ngisi ko. Pagnaaalala ko yung nandidiri ako sa bibig ko swear. Nakailang mouthwash nga ako matapos yun. Bigla nalang siyang natawa. Tangina naalala siguro yung nangyari kaninang araw.


"So bati na tayo?" 


"Di naman ako galit. Ikaw kaya diyan." 


"Gago ka kasi eh." Luh ako pa. Pero sabagay may kasalanan din naman ako. 


In the end, nagdecide kami na mag movie marathon sa kwarto niya. Kasama namin sina Levi at yung dalawang puppies. Pinangalanan namin na Shiro (White in japanese) yung puti at Ichigo o Ichi (orange) naman yung medyo ginger. Wala trip ko lang yung unique. Hindi naglaon bagsak na si Lilith at himbing na himbing. Nasa lap niya pa natutulog si Levi tapos sakin naman yung dalawang puppies. Ang cute nga mukha kaming one big happy family. Nilapag ko sa tabi niya yung dalawang tuta na tulog narin bago nilabas yung phone ko at pinucturan sila. Gawin kong homescreen. 

Lilith's Smile (GxG)Where stories live. Discover now