"Di naman tinatamad lang ako. Isa pa nabuhusan ko na din naman ng tubig sa harap ng basketball team namin." Ayaw ko din na magalit ng lalo si Adam and I think magagalit din si Eve kung lalagpas nako sa boundary. 


"That's the easiest tho. Usually nawawala yung inis mo sa isang tao ng isang linggo." Sabi ni Max habang nakapang halumbaba. 


"ewan basta di ko feel. I just want to talk to him to clear things." Kabit balikat ko ng sagot. Napatingin ako sa relo at may text mula sa trainor namin. Pinapatawag ang lahat ng dancers for early practice. 


"Hey girls I need to go first. Wala ba kayong practice?" Tanong ko sa kanila. Magkakaiba kami ng department na prinepresenta. Ash for business, Max and Steph are on entrepreneurial and tourism department.


"Mamaya pang ten." Sagot ni Steph. Nagpaalam nalang ako at inayos yung bag sa balikat ko. Di ko na narinig yung mga huling sinabi nila dahil wala parin ako sa tamang wisyo para isipin ang ibang bagay maliban samin ni Adam.


"How about we get revenge for her? She's tired. As her friends we should do something." Ngiti ni Max habang nakatingin sa kaibigan niya papalabas ng cafeteria. 




... 


Demi's PoV


Para akong wala sa sarili na nakatingin sa kawalan. Kakatapos lang namin magdesign para sa sash ng mga candidate for Mr. and Ms. Udays. Hindi pumasok si Dani pati si Adam. Nagaalala din ako para dun sa kaibigan ko. Gusto ko siya tanungin kung ano ba talaga ang nangyari.


"Hey lalim ng iniisip ah." Singit ni Kenith. Kasama ko din sa volunteering same department.


"Nakarating na nga yata ng mariana trench." Dagdag pa ni Elvie. Isa pa naming kasama pero business student. 


"Tigilan niyo yung tao may problema na nga." Sumali na din si Ivan. Naupos si Elv sa tabi ko at yung dalawang lalaki sa harap namin.


"Di nga concern lang ako kay Dan. Alam niyo naman yung nagyari." Yeah kalat na sa school yung nangyari kaninang umaga. Di ko alam sino pero may video na din nung tinapunan ni Li si Dani ng tubig. 


"Oo nga naaawa ako kay ate Dani." Pagsasangayon ni Elv. 


"Ano ba kasi nangyari?" Chismis naman ni Van. 


"Nakita kita sa vid kasama mo si Lilith." Dugtong pa ni Kenith. 


"Nahuli kasi ni Lilith si Dani na binibigyan ng tubig at towel si Adam." 


"Yun na yun? Grabe namang reaction yun." -Elv.


"Alam mo naman yung si Lilith pagdating kay Adam. Kawawa talaga ang mga babaeng lumalapit sa jowa niya." -Kenith.



"Tingin niyo okay lang kaya si ate Dani?" Concerned na tanong ni Van. Nagkatinginan kaming apat. 


"Tatawagan ko siya. Sabihin ko sa tambayan tayo." Ngiti ko sa kania. 


"Game!" Pagsangayon nina Elv. Kaya kinuha ko na agad yung phone ko mula sa bulsa at sinimulang idial yung number niya. I should check on her. Kaibigan ko parin si ate Dan. Ilang ring muna bagi niya ito sinagot. 


"Yes Dems?" Yung boses niya halatang galing siya sa pagiyak.


"Tambayan later?" Mahinahon kong tanong.


"Sino kasama?" 


"Volunteer squad." Pagkasabi ko nun natahimik yung kabilang linya. Ilang segundo din bago siya sumagot. 


Lilith's Smile (GxG)Where stories live. Discover now