Chapter 19

4.2K 150 34
                                    


NGUMITI ako sa isang empleyado nang batiin ako nito ng magandang umaga. May iba pang mga bumati sa akin na binabati ko rin hanggang sa tuluyan akong makapasok sa aking opisina.

Before I could even sit down on my swivel chair, someone knock on the door. My secretary peeked in and immediately greeted me.

"Good morning, Architect! Remind ko lang po na kasama ka sa meeting ngayong nine AM."

Napatango ako at tuluyan nang naupo sa swivel chair.

"Oh. Yeah. Thanks for reminding, Cristy."

"Welcome po."

"Anyway, naipasa mo na ba 'yong mga documents kay Daddy kahapon?"

She nodded. "Yes, Architect. Waiting na lang po ng approval ni Mr. Vallescas."

I attended meetings for the day and just continued some pending works in my office. My work was ending at 5 PM and usually, I was having dinner with my parents. But since they've been busy for the past few weeks, I knew that they would no longer have enough spare time to go outside just to dine.

"Cristy, don't forget to send the copy of the proposal to my email tonight, okay?" sabi ko sa aking sekretarya pagkalabas ko ng opisina ko.

Agad naman itong tumango.

"Yes, Architect. Ingat po sa pag-uwi!"

"Thank you. Ikaw rin. I'll go ahead."

Papunta ako sa elevator nang marinig ko ang pagri-ring ng aking cellphone. Bumagal tuloy ang paglalakad ko upang kunin ito sa loob ng aking bag. Agad kong sinagot nang makitang si Gabby ang tumatawag.

"Hey, Gab."

"Hi, Cyd! Pauwi ka na, right? It's five fifteen."

Sumakay ako sa elevator nang bumukas iyon. Kaunti lang naman ang naroon at ang iba nga'y binati pa ako. Ngumiti lang ako.

"Yes, pauwi na 'ko. Why?"

"Huwag ka muna umuwi! I'm here at BGC. Go here, please? Wala akong kasama."

Napabuntong hininga ako at tiningnan ang bawat paggalaw ng numero sa elevator.

"Maaga pa ako sa work bukas, Gab."

"Ako rin naman! I just wanna have some fun tonight! Please? Punta ka na rito para may kasama akong uminom."

Maglilimang buwan na akong nagtatrabaho sa Vallescas Constructions at nang matapos ang unang linggo ko noon ay niyaya ako ni Gab na uminom sa isang bar. That was my first time drinking alcohol. She was the one who introduced me to some alcoholic drinks. She started drinking when she was in 3rd year college according to her.

Masaya naman daw kaya gusto niya na pati ako ay makaranas din na magpunta sa mga bar. Pero syempre, kailangan pa ring maging responsable sa pag-inom. Just because we're now adults doesn't mean that we have to abuse our rights. We should still know our limitations. The older we get, the more we should be responsible.

"Fine," pagsuko ko sa hiling ng tanging kaibigan ko.

Nag-drive ako papunta sa BGC. Kuya Ned was no longer driving for me, but he was still one of our drivers. Noong makalipat ako sa condo 6 months ago, doon na rin ako nagsimulang mag-drive. This Porsche I was driving was a gift from my parents when I passed the board.

"I'm so glad you came! Ang lonely ko rito, e!" sabi ni Gabby nang sa wakas ay makarating ako sa bar.

Halos masilaw ako sa iba't ibang kulay ng ilaw na pumapaligid sa buong bar. Malakas din ang tugtog kaya minsan ay napapatakip pa ako sa aking tainga. Naupo ako sa sofa na nirentahan ni Gabby. Agad niya akong inabutan ng baso na may lamang tequila.

Blissfully ChaoticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon