Chapter 41

6.5K 166 28
                                    


I decided na ito na ang last chapter. Hihi enjoy and don't miss the Epilogue! :))

NAKANGITI kong pinagmasdan ang buong bahay namin nang sa wakas ay makapasok kami at nailipat na ang mga gamit. It was in a contemporary style. The materials and design were in clean and natural textures. Glass walls were everywhere, but it's a bit tinted.

Dalawang palapag lamang ito ngunit malawak at maraming puwedeng paglagyan ng mga kagamitan. Ang iilang furniture din na pinili namin ni Bryle ay mga gawa sa kahoy.

"Ganda ng bahay natin. Ang galing kasi ng Architect."

Napangiti ako nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Bryle mula sa likod.

"Syempre. Para naman sulit ang bayad mo," sagot ko.

He chuckled. He intertwined our fingers before pulling me more inside the house.

Siya ang nakaisip magpatayo ng bahay para sa amin kaya pera niya ang lahat ng ginastos para rito. Gusto ko sanang may parte rin ako ngunit hindi niya ako pinayagan. Sapat na raw na ako ang Architect nito kaya hindi na raw dapat ako mag-abala sa mga gastusin.

"Grabe, kaganda naman dine!" komento ni Ate Jam habang karga si Bryleigh na ngayon ay dalawang taong gulang na.

Kaka-one year old niya lang noong inumpisahan ang paggawa ng bahay kaya isang taon mahigit din ang inabot bago matapos ito nang tuluyan.

"Ang ganda ng garden natin," sabi ko kay Bryle nang tumigil kami roon upang tingnan ulit ito.

"Mas maganda ka pa rin," banat niya na pabiro kong nginiwian.

May iilan nang mga halaman at bulaklak sa hardin ngunit gusto ko pa iyong dagdagan. Balak ko rin kasing ipinta ang buong garden. Kaya naman kinabukasan, agad akong nagpasama kay Gabby para mamili sa bilihan ng mga halaman at bulaklak.

Pagkauwing-pagkauwi, nagpatulong ako kay Ate Jam sa pag-aayos ng hardin at sa paglalagay na rin ng mga bago kong binili. Nang dumating ang weekends kung saan wala kaming trabaho ni Bryle, nagsimula na akong ipinta ang magandang hardin namin na punong-puno na ng halaman at makukulay na bulaklak.

Patapos na ako sa ginagawa nang lapitan ako ni Bryle na karga si Bryleigh.

"Boo, sabi mo ipe-paint mo rin ako, 'di ba?"

Nakangiti ko siyang tiningala. Oo nga pala, nasabi ko sa kaniya noon na ipe-paint ko siya at gusto pa nga niya na may pirma ko 'yon.

"O, sige. Pagkatapos nito, ikaw na."

"Kami muna palang dalawa ni Bryleigh tapos pagkatapos, 'yong ako na lang. Is that fine?"

I chuckled. "Alright."

Nang matapos ko ang pagpipinta sa hardin ay pinaupo ko si Bryle sa harap ko. Nasa kandungan pa rin niya sa Bryleigh na tila kuryoso sa nangyayari.

"What we doin'?" she asked with her tiny voice.

I peeked on the side of the canvas and smiled at her.

"I'm going to paint you, baby."

Nagsimula na akong ipinta sila. Kahit minsan ay gumagalaw sila dahil sa likot ni Bryleigh, ayos lang. I already memorized all their features, so there was really nothing to worry about.

"Boo, ang likot ni baby," si Bryle habang pilit ibinabalik sa puwesto si Bryleigh.

"Hayaan mo na siya. Kabisado ko naman na kung paano kayo ipipinta."

Kalagitnaan ng pagpipinta ko ay nairinig ko ang pagkanta ni Bryle. Similip ako mula sa canvas. Naabutan ko siyang malambing na nakatingin kay Bryleigh habang kumakanta. Si Bryleigh naman ay pinipindot-pindot ang mga tattoo sa braso ng daddy niya.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now