Chapter 4

4.5K 182 25
                                    

INILABAS ko ang Economics book namin mula sa aking bag. Ganoon din ang ginawa ng mga kaklase ko. Ang teacher namin sa harap ay hawak na rin ang sarili nitong libro.

"Turn to page 74," anito.

Habang inililipat ko ito sa tamang pahina ay napansin kong nagkakamot ng ulo si Bryle bago isinarado ang bag. Napatingin siya sa akin at nahihiyang ngumiti.

"Bakit?" tanong ko.

Bahagya siyang napanguso. "Naiwan ko 'yong punyetang libro ko sa bahay."

Napabuntong hininga na lamang ako sa kaniyang pagmumura ngunit napangiti na lamang ako kalaunan. Isang linggo na ang lumipas magmula ng first day of school. Sa isang linggong iyon ay tinanggap ko nang talagang walang filter ang bibig niya.

"You can share with me," I said as I moved my book in between us.

Malambing siyang ngumiti sa akin at hinawakan din ang kabilang dulo ng libro.

"Thank you. Pasensya ka na, ah? Ang gago ko na nga, makakalimutin pa."

I smiled. "It's okay."

"Class, read the Fundamental Economics and after that, I will ask some questions," sabi pa ni Sir.

Itinutok ko na ang mga mata ko sa libro. Ganoon din si Bryle. Nanatili kaming tahimik sa pagbabasa at parehong medyo nakayuko. Napalunok ako dahil napagtanto kong wala akong masyadong naiintindihan.

Halos magbungguan na kasi ang mga ulo namin. Kung lalayo naman ako, hindi ko na makikita ang binabasa ko. I could feel his calm breathing and he smelled so manly. I wondered what perfume he was using. Parang ang sarap no'n amuyin palagi.

Hinawakan ko ang dulo ng pahina bilang paghahanda sa paglipat sa susunod na page. Sinulyapan ko siya at nakita ko ang paggalaw ng mga mata niya sa binabasa. Naramdaman niya siguro ang tingin ko kaya napatingin din siya sa akin.

Ang ganda talaga ng mga mata niya. Parang laging bagong gising at maamong pusa. It was like he was always being in love with everything he was looking at.

"Wait lang," mahinang aniya sabay ngiti.

Muli siyang nagbaba ng tingin sa libro at nagpatuloy na sa pagbabasa. Nang matapos siya ay siya na mismo ang naglipat sa susunod na pahina. Nahawakan niya pa ang kamay ko nang hindi sinasadya. Nagbasa na ulit kami at itinutok ko nang mabuti ang atensyon ko roon.

Pinilit kong intindihin ang binabasa. Pilit kong isinasantabi ang mabango niyang amoy at ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Isang linggo na kaming magkatabi rito pero may ilang pa rin akong nararamdaman sa kaniya. Ano ba 'yan.

Malapit ko nang matapos ang binabasa ko nang may maramdaman akong mga matang nakapukol sa akin. Dahan-dahan kong iginalaw ang ulo ko at iniangat ang tingin. Bryle's gentle eyes met mine. The way he looked at me was just so pure and lovely. His eyes felt like caressing my emotions that my heart couldn't help but to feel calm.

Nasaksihan ko ang unti-unting pamumula ng pisngi niya bago nag-iwas ng tingin. Tumikhim siya. Ibinalik ko na lamang din ang mga mata ko sa libro.

Nang sumapit ang lunch ay sabay ulit kami ni Gabby. Bumaba kami sa cafeteria ngunit nang makitang punong-puno iyon ng mga estudyante at wala nang maupuan ay hindi na kami nag-abalang lumibot pa.

"Sa iba na lang tayo, Cyd. Walang nang mauupuan."

Tumango ako. "Oo nga. Baka sa third year building hindi puno."

Palabas na sana kami ng cafeteria ngunit may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Cydney!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Bryle at ang mga kaibigan niya sa dalawang table na pinagdugtong. Tumayo si Bryle at lakad-takbong lumapit sa akin.

"Wala ba kayong maupuan? You can share seats with us," he said.

"Naku, 'wag na, okay lang."

"Ay, o sige!"

Nagkasabay kami ni Gab sa pagsagot. Siya 'yong pumayag. Nagkatinginan tuloy kami.

"Maki-share na lang tayo, Cyd! Kung pupunta pa tayo ng ibang building, baka ma-late tayo sa susunod na subject."

"Oo nga," pagsang-ayon naman ni Bryle. "Saka hindi n'yo naman sigurado kung may mauupuan din kayo ro'n."

Sa huli ay pumayag na rin ako. Wala namang kaso sa akin. Baka pa itanong kung anong problema ko kung bakit ayaw ko e ang totoo naman ay nahihiya lang talaga ako.

"Hoy, usog kayo ro'n! Uupo sila Cydney," utos ni Bryle sa mga kaibigan niya.

Mabilis namang nagsipag-usugan ang mga ito. Iginala ko ang mga mata ko at at nakitang isa lang naman ang bakanteng upuan sa table nila. Dalawa kami ni Gab.

"Ay, kulang ng isa!" sabi ng isa sa kanila.

Tumingin sa akin si Bryle."Dito ka na lang sa upuan ko, Cyd. Tayo na lang ako."

Umawang ang bibig ko at aalma na sana ngunit nagsalita naman 'yong isa niyang kaibigan.

"Diyan na sa tabi mo si Cyd. Gab, dito ko na." Mabilis nitong isinubo ang natitirang pagkain sa plato. "O, tapos na 'ko."

Mabilis itong tumayo at inialay kay Gabby ang upuan. Ngayon ko lang napagtanto na iyon pala 'yong katabi ni Gab sa room.

"S-Salamat, Kerwin." Ngumiti si Gab bago umupo.

Umupo na rin ako sa bakanteng upuan katabi ni Bryle. Nilabas ko ang baon ko at nagsimula na kaming lahat kumain. Madalas mag-asaran sina Bryle kaya natatawa kami ni Gabby. Ang kuwento nila'y magkakaibigan na sila since 1st year at sakto namang nagiging magkakaklase.

Ang saya no'n. Ang tagal na nilang magkakaibigan kaya siguro sobrang tatag na ng samahan nila at kumportable na sila sa isa't isa. Kami ni Gabby ay noong isang taon lang naging magkaibigan dahil naging magkaklase kami. Ngunit kilala na namin ang isa't isa bago pa mag-high school dahil madalas dumalo ang mga pamilya namin sa mga business event. Magkakilala rin ang mga magulang namin.

"Ang tanga mo kasi, Finn! Sinabi nang baguhin mo nang kaunti 'yong sagot mo. Nabuking tuloy tayo ni Ma'am na nagkopyahan!" sabi ni Clarence.

Nagtawanan sila. Napailing-iling ako ngunit nangingiti rin.

"Mga bobo kasi kayo kaya puro kayo kopyahan," si Kerwin.

"'La, nagsalita! Parang 'di ka pasimpleng kumokopya sa katabi mo, ah!" banat naman ni Finn.

Napatingin ako kay Gabby na tawang-tawa sa kalokohan nila. Kerwin was staring at her.

"Cyd..."

Napalingon ako kay Bryle sa tabi ko nang marahan niya akong tawagin. Itinaas ko ang kilay ko bilang pagtatanong.

"Sana minsan..." Lumunok pa muna siya. "Mag-lunch tayo nang tayong dalawa lang."

Umawang ang bibig ko at pinakatitigan siya. His eyes were hopeful as he stared back at me. I was also seeing fright in there as if he was scared of how would I respond.

Napakurap-kurap ako at tumikhim. Uminom ako sa aking tubig at bahagyang nag-isip. Kung magsasabay kami ng lunch na kaming dalawa lang, sinong kasabay ni Gabby? Pero... minsan lang naman gaya ng sabi niya. Magsasabi na lang siguro ako kay Gab.

Ibinaba ko ang tumbler ko sa lamesa at muli siyang tiningnan. Nasa akin pa rin ang mga mata niyang punong-puno ng pag-asa. Tutok na tutok iyon sa akin. Tila ba isang lingat lang niya ay pupuwede akong mawala sa paningin niya.

"Uhm..." Tipid akong ngumiti. "Sure. Just tell me when."

Pumaskil anag magandang ngiti sa mukha niya kasabay ng pag-iinit ng pisngi ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now