Chapter 31

4.4K 131 21
                                    


MAHIGPIT kong hawak ang kamay ni Bryle na kasalukuyan pa ring nakaratay ngayon sa hospital bed. Naluluha akong pinagmamasdan siya habang naaalala ko kung paano siya nasagasaan nang dahil sa akin.

It was all my fault! It should've been me! He saved me!

Isang linggo na siyang nakaratay rito sa ospital at hindi pa rin nagigising. May nakabalot na benda sa ulo niya dahil mas naapektuhan ang ulo niya sa nangyaring aksidente. Tumama ito sa isang tubo noong tumalsik siya dulot ng pagkakabangga sa kaniya.

"Bryle, wake up, please..." naluluha kong saad habang hinahalikan ang kamay niya.

No one expected that it would happen. I was just with him. We've just met with my parents the day before that and we were so happy. Hindi ko akalain na kinabuksan no'n ay halos akalain ko na mawawala na siya sa 'kin.

Kasalanan ko 'to, e! Bakit kasi ang tigas ng ulo ko? Ilang beses niyang sinabi sa akin na huwag nang umalis pero hindi ako nakinig. Nagmatigas ako! Kung sana ay pumirmi na lang ako sa unit ko ay hindi kami mapupunta sa basement parking! Hindi niya sana 'ko ililigtas! Hindi sana siya masasagasaan!

Why didn't I just listen to him? Why didn't I just realize and appreciate that he was just trying to protect me because he loves me? Tama naman siya, e. Masama ang ginagawa no'ng agency at ginawa niya lang ang sa tingin niyang tama. Hindi niya ako hinayaang tumuloy ro'n. Gumawa siya ng paraan para hindi ako mapahamak.

Bakit ba kasi hindi ko na lang 'yon na-appreciate?! Bakit hindi ko na lang siya pinakinggan? E 'di sana'y wala siya rito sa ospital. Sana walang nangyaring aksidente. Masaya sana kami ngayon.

Nasa huli talaga ang pagsisisi. Nothing could bring back what shouldn't have happened. It was already done. Regret was all I had with me and I think I would just have to deal with it.

Hanggang sa hindi nagigising si Bryle ay hindi ko mapapalaya ang sarili ko sa pagsisisi at paninisi sa sarili ko.

"Hija, you look tired already. Mas mabuting umuwi ka na muna para makapagpahinga ka saglit," ani Tita Geneva nang makabalik siya galing sa pinuntahan.

Tiningnan ko pa muna nang ilang segundo si Bryle bago ako nag-angat ng tingin sa Mama niya.

"Pero b-baka po magising na si Bryle."

Malungkot siyang ngumiti sa akin kasabay ng magaang paghaplos sa aking buhok.

"Don't worry, hija. Tatawagan agad kita kung sakaling magising siya."

Nakumbinsi ako ni Tita na umuwi na muna at magpahinga lalo na't nakakaramdam na talaga ako ng hilo. Magmula nang dalhin si Bryle sa ospital, hindi na ako napagtutulog. Palagi na lang din akong umiiyak. Drain na drain na ako.

Pagdating ko ng unit ko, naligo na muna ako saglit bago nagpahinga. Nang muli kong maalala ang kalagayan ni Bryle ay hindi ko na naman napigilang umiyak. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulugan ko na lang.

Ginising ako ng nagri-ring kong cellphone. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko bago ito inabot sa bedside table. Nakapikit pa ang mga mata ko nang sagutin ito.

"Hello?" antok ko pang sagot.

"Cydney! Bryle is already awake!"

Biglaan ang naging pagmulat ng mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Tita Geneva lalong-lalo na ang sinabi niya. Agad akong napangon.

"Po?!"

"Yes, hija! Pumunta ka na ngayon din kung gusto mo," rinig na rinig ko ang galak sa kaniyang boses.

Nagkukumahog akong umalis ng kama at dumiretso sa banyo. Nakita ko pa sa wall clock na 5 PM na. Sa pagkakaalam ko ay alas diez ako dumating dito kanina. Mahaba-haba rin pala ang naitulog ko.

Blissfully ChaoticTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang