Chapter 23

4.6K 162 30
                                    


NIYAKAP ko nang mahigpit ang aking unan habang patuloy pa rin ang pagdalaw sa alaala ko ng nangyari kanina sa opisina ko. I touched my lips as I remembered the kiss Bryle and I shared. My cheeks started burning up again that I needed to bury my face on the pillow.

Noong sinabi ko sa kaniya kanina na mahal ko pa rin siya, hinalikan lang ulit niya ako. Paulit-ulit. Hanggang sa magsawa siya at niyakap na lamang ako ng mahigpit.

Napaangat ang mukha ko mula sa pagkakasubsob sa unan nang marinig kong mag-ring ang aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa bedside table at nang makitang si Bryle ang tumatawag ay napaupo ako nang wala sa oras.

Tumikhim ako at huminga nang malalim bago sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hey," marahang sagot niya. "I just called to ask if I can... fetch you tomorrow? Gusto sana kitang ihatid papasok sa trabaho."

Agad na pumaskil ang malaking ngiti sa mukha ko at muntik pa nga akong mapatili dahil sa kilig. Hinawakan ko ang dibdib ko at tahimik na kinalma ang naghuhuramentadong sistema bago sumagot.

"Ah, o-oo naman. No problem. You can drive me to work tomorrow."

"Great." He chuckled. "Ako na rin ang maghahatid sa 'yo pauwi, kung ganoon."

Nahablot ko ang unan ko at mahigpit ulit itong niyakap. Para na akong namimilipit dito dahil sa tuwa.

"Uh... okay."

Pumaskil agad ang malaking ngiti sa mukha ko nang makita ko si Bryle sa tapat ng condo building ko kinabukasan. Nakasandal siya sa kaniyang kulay itim na Bentley Continental GT habang nakapamulsa. He smiled when he saw me.

"Good morning," bati niya.

"Morning!"

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat at bago pa ako tuluyang makapasok ay pinatakan niya ng halik sa aking sentido. Pinag-initan na naman ako ng mukha.

"Hindi ka ba male-late sa pagpasok?" tanong ko sa kaniya habang nagmamaneho na siya.

He smiled. "Hawak ko oras ko ro'n, Cyd."

Napatango-tango ako. Buti pa siya. Ako kasi kapag na-late, tiyak na makakarating iyon kina Daddy at masesermonan na naman ako.

"Anyway," aniya. "Can we have dinner later before I take you home?"

Nakangiti akong tumango. "Sure."

*****

"I don't like their steak," ani Bryle nang makalabas kami mula sa Mexican restaurant na kinainan namin ng dinner.

Natawa ako at tiningnan siya. Nakahawak siya sa baywang ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa nakaparada niyang Bentley.

"Masarap naman, ah?"

Bahagya siyang ngumiwi. "Nah. I'll find some more restaurants here so that we'll have better food next time."

I pouted a little. "Hmm, ikaw naman. It was still food. Just be grateful."

Tinaasan niya lang ako ng kilay bago niya ako pinagbuksan ng pinto sa passenger's seat. Nang makasakay siya ay agad niya nang minaniobra ang sasakyan.

"It's still so early, Bryle. Weekend naman na bukas," nasabi ko na lang sa kalagitnaan ng biyahe.

Nilingon niya ako sandali. "You still wanna go somewhere else?"

I bit my l lower lip and think for a while. We stopped into traffic that's why he got all the freedom to stare at me longer. Napansin ko ang sandaling pagbaba ng mga mata niya sa aking hita. Hindi naman iyon nagtagal at umangat din ulit ang tingin niya sa mukha ko.

Blissfully ChaoticOnde as histórias ganham vida. Descobre agora