Chapter 34

4.7K 159 27
                                    


NAPUNO ng hagikgik ang buong unit ko nang kilitiin ko siya nang paulit-ulit. Her soft and small laughter was like a music to my ears. The way she closed her hands whenever she was giggling was just too adorable to watch. Her eyes were twinkling like stars that always lighten up the sky.

"Say mommy," udyok ko pa.

Nang hindi siya nagsalita ay hindi ko muna siya kiniliti. Nakatingin siya sa akin at may bakas pa ng tawa sa cute na cute na mukha.

"Mommy," turo ko sa kaniya habang ipinapakita ang kung paano gumalaw ang bibig ko. "Ma... Mi!"

"Mi!" panggagaya niya.

Halos mapatali ako sa tuwa kasabay ng pangingiliti ko ulit sa kaniya. Muling sinakop ng hagikgik niya ang tainga ko.

"Bryleigh loves Mommy?"

"Miiii!"

Natawa ako sa sigaw at gigil na gigil niyang saad sa salitang iyon. Mula sa pagkakasalampak sa sahig ay kinarga ko na siya at pinupog ng halik. Tumayo na rin ako at nagtungo sa kusina habang karga siya. Naroon si Ate Jam na kasalukuyan nang nagluluto ng tanghalian.

"Ate Jam, kailangan mo ba ng tulong?"

Nilingon ako nito at nginitian. "Ayos lang ako rito, Ma'am. Malapit naman na pong maluto."

Tumango ako at bumalik na lamang sa sala. Umupo ako sa couch at binuksan ang TV. Nasa kundangan ko ang baby ko at nagsimula nang paglaruan ang neckline ng sando ko. Hinayaan ko na lang siya.

It's been 7 months since I gave birth to Bryleigh. Mommy and Daddy never left my side during my pregnancy. They supported me all the way and they were always making sure if the baby's healthy. Dito pa rin ako sa condo ko nakatira. May katulong na nga lang ngayon dahil iyon ang gusto nila Mommy't Daddy.

Kaya ko namang alagaan si Bryleigh nang mag-isa lang ako. Kaso mapilit talaga sila Mommy at gustong may katuwang ako sa pag-aalaga at pagkilos sa bahay. Linggo-linggo rin ang pagbisita nila rito kasama si Enrico. Palagi silang sabik na makita si Bryleigh.

Sino ba namang hindi mae-excite na makita ang baby na 'to? Ang cute, bungingis, at behave lang palagi. Hindi siya iyakin. Kahit sinong kumarga sa kaniya, hinahayaan niya lang. Hindi siya nagmamaktol. At wala pa siyang isang taon pero kitang-kita na agad kung sinong kamukha. Akala ko nga ay ako ang magiging kamukha dahil babae siya, pero hindi. Kulay lang ng balat ang nakuha sa 'kin.

"Bryleigh..." tawag ko. "Say daddy."

Nag-angat siya ng tingin sa akin gamit ang natural na namamangha niyang mga mata. Sobrang pamilyar ng mga matang iyon. Iyon 'yong mga matang paulit-ulit akong pinahuhulog. Wala man siya rito, parang nakatingin na rin ako sa kaniya dahil sa mga mata ng anak namin.

"Say daddy, baby," ulit ko.

Bumuka ang bibig niya, gumalaw, at mukhang hindi malaman kung paano bibigkasin ang salita. Malambing ko siyang nginitian.

"Bry," sabi ko dahil alam kong nabibigkas niya na iyon dahil iyon ang simula ng pangalan niya.

"Bry..." she said in a tiny voice.

"That's also your daddy's name."

Bigla siyang ngumiti na tila naintindihan ang sinabi ko kahit hindi naman. "Bry!"

I giggled. "Yeah! Bryleigh loves Daddy Brylan!"

Bumungisngis siya at paulit-ulit na iyong sinabi.

"Bry-bry!"

Natatawa ko siyang hinalikan sa pisngi hanggang sa manggigil ako.

Sa mga sumunod pang araw, ipinagpatuloy ko ang pagtatrabaho. Work from home muna ako ngayon at naintindihan naman 'yon nila Mommy. Hindi na rin muna ako tumatanggap ng offers ngayon. May mga gusto akong kunin bilang arkitekto, pero hindi ko na muna pinaunlakan dahil alam kong hindi ko maibubuhos ang buong atensyon ko ro'n.

My baby needed me. She was more important for me now than anything else. Nagbe-breastfeed pa siya at hindi ko pa talaga kaya na mawalay sa kaniya araw-araw. Kaya nga pinili kong mag-work from home. Through email palagi ang ginagawa ko at wala namang reklamo ang mga magulang ko ro'n. At least, nakakatulong pa rin ako sa kompanya kahit papaano.

"Bryleigh, say Tata!" pagtuturo ni Gabby sa anak ko nang bumisita siya isang araw.

Habang buntis din ako noon ay isa si Gab sa mga sumuporta at umalalay sa akin. Siya ang madalas kong kasama sa mga check up ko. Siya pa nga ang naunang bumili ng mga gamit na pang-baby kaysa sa akin. Hindi pa namin alam kung anong gender noon, bumili na agad siya. May mga nabili pa tuloy siyang panlalaki.

"Say Tita Ganda na lang."

Natawa ako sa mga pinagtututuro niya sa anak ko. Nang mapagod siya kakalaro rito ay tinulungan niya na lang ako sa paggawa ng meryenda sa kusina. Si Ate Jam na muna ang tumingin kay Bryleigh.

"Wala ka pa rin bang balita sa tatay niyan?" tanong niya sa akin sa medyo mataray na tono.

Hindi ko na pinagtakhan pa iyon dahil ganito ang tono niya palagi sa tuwing magtatanong ng tungkol kay Bryle.

"Wala pa rin."

Umikot ang mga mata niya at napailing-iling.

"Ano 'yon, nasa Amerika pa rin?"

Nagkibit-balikat ako. "Maybe. Baka hindi pa tapos magpagamot."

Nalukot ang mukha niya na tila ba nakaamoy ng mabaho.

"Huh! Isang taon mahigit na! Nagbuntis ka't nanganak, hanggang ngayon nagpapagamot pa rin?"

"Malay naman natin, Gab. Baka matagal talaga ang process ng paggaling niya."

"Pero sana man lang ay binabalitaan ka, 'di ba? Hindi 'yong ni ha, ni ho, wala!"

Napahinga ako nang malalim sa sinabi niya dahil alam kong may point. Hindi na ulit tumawag pa sa akin si Tita Geneva. Ang huling tawag niya ay noong ipinaalam niya sa akin na aalis sila patungong Amerika. Pagkatapos no'n ay wala na. Hindi na ako nakatanggap ng kahit anong balita mula sa kanila.

Sinubukan ko ring tawagan 'yong number niya pero hindi na ma-contact. Mukhang hindi na iyon ang number niya. Kaya ayun... sa loob ng isang taon, wala akong balita sa kung ano na bang kalagayan ni Bryle. Hindi ko alam kung tuluyan na ba siyang gumaling o ano. Ni hindi ko man lang din nasabi kina Tita Geneva na may anak kami ni Bryle. Hanggang ngayon ay hindi nila alam ang tungkol kay Bryleigh.

"Naku! Sinasabi ko sa 'yo, kapag 'yan e magaling na at ayaw lang bumalik dito, ewan ko na lang talaga! Kung magaling na siya, bakit hindi man lang nagpaparamdam? May girlfriend at anak siyang naiwan dito, aba!"

Nginitian ko na lang si Gab. "E kaso nga... baka hindi pa magaling at kailangan pang manatili roon. Let's not throw that possibility away. We're not yet sure of anything."

Gusto kong gumaling na si Bryle. Iyon naman ang pinakagusto ko bago sila mangibang-bansa. Sana sa mga pagkakataong ito ay maayos na ang kalagayan niya. At sana... maalala at maisip niya man lang ako kahit saglit. I wasn't closing any doors for him. It would always be open for him -- patiently waiting. All he just needed to do was to come home.

And I would gladly welcome him. Always.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now