Chapter 10

4.1K 136 13
                                    


SINAKOP ng kamay ni Bryle ang kamay ko habang nagdi-discuss ang teacher namin sa harapan. Hindi naman ito kita dahil nasa bandang likod kami nakaupo. He was playing with my hand -- squeezing it gently and caressing it by the use of his thumb.

"Your hand is really too soft," he said, enough for only the both of us to hear.

I smiled and gently caressed his hand with my fingers.

"Hindi naman kasi ako kumikilos sa bahay dahil may mga kasambahay naman at ayaw din nila Mommy. Buhay reyna, gano'n." I chuckled.

"We'll keep that until the time comes," he said meaningfully. "I will treat you like a motherfucking queen."

Hindi ko napigilan ang mahina kong bungisngis. Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Yeah? What am I gonna be, then? A boring housewife?"

Siya naman ngayon ang natawa. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko dahil sa pinag-uusapan naming ito. Hindi na ako nakakapakinig sa teacher namin sa harap dahil okupado na ni Bryle ang utak ko.

"You can be a housewife, but you will never be boring. You're my booboo and my queen."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko upang pigilan ang pagtawa nang marinig ko na naman ang endearment niya sa akin. Kung ako ang papipiliin ay ayaw ko nang may tawagan pa kami. Kaso, siya naman itong panay ang tawag sa akin ng ganoon kaya hinahayaan ko na lang din. It was cute for him, but it was funny for me.

Magmula noong sagutin ko siya 2 weeks ago, nagsimula na siya sa pagtawag niya sa akin ng "booboo" or "boo". Ayaw ko namang patigilin siya sa pagsasabi no'n dahil ayaw kong maputol ang kaligayahan niya. Kung masaya siyang tinatawag ako sa gano'ng call sign, then I should just let him. Not that it was giving me harm, anyway.

"Mukhang napapasarap ang kuwentuhan ng love birds natin diyan sa likod, ha?"

Napakurap-kurap ako at napalunok nang biglang magsalita ang teacher namin. Nakatingin na pala ito sa aming dalawa ni Bryle pati na ang mga kaklase ko. Wala sa sarili akong napabitaw sa kamay ni Bryle sa takot na baka makita pa iyon ni Ma'am.

"Makinig muna sa lesson, mamaya na 'yang harutan. Tsk, tsk!" Pairap niyang inalis ang tingin sa amin. "Mga kabataan talaga ngayon, ke-aagang humarot," bulong pa nito.

Natahimik ako at bahagyang nasaktan sa sinabi niya. I knew I was wrong for not listening to her. She had a point. We were in the middle of the class and instead of listening to the lecture, here I was, talking silly things with my boyfriend. How stupid and irresponsible of me.

"Sorry, Ma'am. Hindi na po mauulit," paghingi ng paumanhin ni Bryle.

Umismid lamang ang teacher namin at nagpatuloy na sa pagtuturo.

*****

"Ganoon ulit, Cyd, ha? Ihahatid kita sa inyo," ani Bryle nang matapos ang klase namin.

Tumango ako at nagpaalam na muna kay Gabby bago kami sabay na lumabas ng room ni Bryle. Our car was already there when we stepped out from the school. I knocked on the window and Kuya Ned immediately pull it down. I saw Enrico already sitting at the backseat. Nagtaas lamang siya ng kilay sa akin at tamad na inilipat ang mga mata kay Bryle.

"Kuya Ned, ganoon po ulit. Sa sasakyan ako nila Bryle sasakay," sabi ko.

Tumango ang driver ko at nginitian kaming pareho.

"Sige, Miss Cydney. Susunod lang ako."

I smiled and nodded my head before Bryle and I walked towards their car. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat at pinauna ako sa pagsakay bago siya sumakay. Nilingon kami ng driver niyang si Manong Dennis at nginitian ako. Kumpara kay Kuya Ned ay medyo may edad na si Mang Dennis.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now