Chapter 14

3.5K 129 16
                                    


MASAMA ang tingin ni Bryle sa picture ng long dress na ipinakita ko sa kaniya. Lihim akong napairap dahil alam ko na ang ganiyang ekspresyon. Ibinalik niya sa akin ang cellphone ko matapos niyang masuri ng tingin ang dress na ipinagawa pa namin ni Mommy sa isang kilalang designer.

"Ayaw ko niyan, Cyd. Ang taas ng slit. Ano ba naman 'yan?"

Tinaasan ko siya ng kilay bago ko tiningnan ang dress na isusuot ko sa prom. It was a royal blue, satin sweetheart neckline. The thigh slit wasn't even that high! He was just overreacting again.

"Well, this is what I want. I don't care if you don't like it," sagot ko na ikinatalim ng tingin niya sa akin.

Malapit na ang prom at malapit na rin kaming grumaduate. Habang lumilipas ang mga buwan ay pakiramdam ko'y unti-unti na kaming naiinis sa isa't isa ni Bryle. Dumadalas ang mga pag-aaway namin at hindi na kami iyong tulad ng dati na palaging sweet sa isa't isa.

Hindi na siya natigil sa kapupuna sa mga damit ko na hindi naman revealing at sexy! Tapos kapag may lumalapit lang sa akin na lalaking ka-batch namin, magagalit na agad siya at magseselos. Ayaw niya na may kinakaibigan akong lalaki. Well, ganoon din naman ako. Ayaw kong may kaibiganin siyang babae.

Minsan din, pakiramdam ko ay naiinis siyang sagutin ang mga tawag ko sa kaniya. E gusto ko lang naman siyang makausap sa buong magdamag hanggang sa makatulog ako. Masama ba 'yon? Hindi iyong tinutulugan niya ako kasi pagod siya. Hintayin niya muna akong makatulog dapat.

"Pagtatalunan na naman ba natin 'to, Bryle?" inis kong tanong. "Once in a lifetime lang ang prom. At least let me choose what I want to wear."

Tatlong araw bago ang prom ay mas tumitindi ang pananabik ng bawat estudyante para roon. Kabi-kabilaan ang mga pag-uusap tungkol sa mga prom dress, sa mga date nila, at kung ano-ano pa.

Sa labas ng classroom ay nagkukuwentuhan kami ni Gabby tungkol sa nalalapit na prom. Hindi ko napiglang mamangha nang ipakita niya sa akin ang susuotin niya.

"Wow! This is so stunning," I commented as I surveyed the champagne colored long dress with a deep V-neckline.

"Alam mo ba, dapat doon sa designer mo rin ako magpapagawa, e. Kaso fully booked na siya no'ng tinawagan ni Mommy."

"It's alright. Maganda na 'tong susuotin mo, Gab."

Ibinalik ko na sa kaniya ang cellphone niya. Nakita ko naman siyang napatingin sa loob ng classroom namin. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at nakita kong grupo nila Bryle iyon. She was staring directly at Kerwin. A teasing smile appeared on my lips as I looked at her again.

"Nililigawan ka na ba?" tanong ko.

Muling bumalik sa akin ang mga mata niya. I saw sadness in her eyes, but I decided not to point it out anymore. She gave me a sad smile.

"He's still hung up with his ex, you know."

Tumaas ang kilay ko at humalukipkip. "So, ano? M.U na lang kayo forever?"

Napabuntong hininga siya at muling napatingin kay Kerwin sa loob.

"Mas okay na rin siguro 'yon para wala ako masyadong ie-expect. Ayokong pumasok kami sa isang relasyon na may nararamdaman pa rin siya sa ex niya."

Napanguso ako nang bahagya dahil sa lungkot para sa aking kaibigan pero nakakaintindi na lamang akong tumango.

*****

Sa araw ng prom ay abala sa bahay dahil nandito ang team ng designer ko upang maggawa ng iilang adjustment sa dress ko. We also had our glam team that would make me even prettier for the whole night of prom.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now