Chapter 33

4.6K 158 53
                                    


NAPATAKBO agad ako sa banyo pagkagising na pagkagising ko. Lumuhod ako sa harap ng bowl at dumuwal. Ramdam ko rin ang pagkahilo na ilang araw ko nang nararamdaman. Dumuwal ako nang dumuwal hanggang sa wala na 'kong mailabas pa.

Tumayo ako at naghugas sa lababo at naghilamos na rin. Napapikit pa ako at napasapo sa aking ulo dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ako nagsuka? Wala naman akong ibang nakain, ah?

Bumuntong hininga ako at lumabas na ng banyo. Nagtungo ako sa kusina at kahit masama ang pakiramdam, ipinaghanda ko pa rin ang sarili ko ng almusal. Kailangan kong kumain.

"Kumusta na kaya si Bryle?" napatanong ako sa kawalan habang nagto-toast ng tinapay.

Pangatlong araw na ngayon ng hindi ko pagbisita sa kaniya. Magtitiis na lang muna ako na hindi siya makita. Mas gusto kong bumuti muna ang lagay niya. Kung isa ako sa mga nagdudulot sa kaniya ng sakit, wala akong magagawa kundi lumayo na lang muna. Ang kalagayan niya ang mas importante ngayon kaysa sa sarili kong kaligayahan.

Nagtimpla ako ng kape. Habang hinahalo ito ay naaamoy kong parang mabaho ito. Mabilis na nagdikit ang mga kilay ko. Inangat ko ang mug at inamoy pa nang mabuti ang kape. Wala pa yatang isang segundo nang ilayo ko ang ulo ko mula rito. It smelled so bad! What the heck was wrong with this coffee?!

Because I couldn't stand the smell of it anymore, I just decided to spill it on the sink. I just ate my bread and watched some movies after until I fell asleep.

Nagising ako na parang masusuka na naman. Agad akong tumakbo patungong lababo. Wala naman akong maisuka dahil wala nga ako halos nakain pero hindi ko talaga alam kung bakit ako naduduwal.

Nanghihina akong bumalik sa couch matapos kong sumuka. Inabot ko ang cellphone kong nakapatong sa coffee table at agad na tinawagan si Mommy. Wala pang ilang segundo ay sumagot na siya.

"Yes, hija?"

"Mommy..." I uttered in a weak voice. "Ano pong puwede kong inuming gamot? Nagsusuka ako pero wala naman akong masyadong kinain. Tapos nahihilo rin ako."

Matagal siyang hindi nakasagot. Nilamon ng katahimikan ang linya namin hanggang sa marinig ko ang kalmado niyang buntong hininga.

"Are you and Bryle already had sex?"

Tila ako naeskandalo sa itinanong niya. Napakurap-kurap ako at hindi malaman ang isasagot.

"W-What?"

"I'm asking you. Because if you've done it already, there's a possibility that you're pregnant."

Nanlaki ang mga mata ko pati na ang bibig ko. Naglumikot ang mga mata ko sa pag-alala sa mga nangyari sa amin ni Bryle. A realization suddenly hit me. I remembered that we never used any protection whenever we were doing it. It was always raw and... never did he pull out even once.

Hindi na ako nakasagot pa kay Mommy. Siguro'y ang katahimikan ko ang sumagot sa tanong niya. Muli siyang bumuntong hininga.

"Kailan ka huling nagkaroon?"

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

"H-Hindi ko na matandaan."

"Alright. Magpapabili ako sa isa sa mga katiwala natin ng pregnancy test at dadalhin diyan sa 'yo. Magpahinga ka na lang diyan habang naghihintay."

"Okay, Mom. Thank you."

Nang matapos ang tawag namin ni Mommy ay napahawak ako sa aking dibdib. Malakas ang tibok nito dahil kinakabahan ako na nae-excite na hindi ko maintindihan! Kung totoo mang buntis ako, wala akong makapang sama ng loob o inis sa damdamin ko.

Blissfully ChaoticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon