Epilogue

11.7K 287 165
                                    


Dearest Germain, this is the last story in the Velleres Series 1st Generation. It has been a blissful journey with all of you. This is my first attempt of having a series and I am beyond grateful that you gave Velleres Series a try. Ang daming magagandang series dito sa Wattpad lalo na 'yong sa mga sikat at magagaling talagang writers na puwede n'yong basahin instead of this, but still... you tried. Thank you for trying to read this series and always know that I appreciate you. Sa mga napadaan lang upang subukin ang partikular na storyang ito, salamat. Sa mga avid reader na nagbasa mula Velleres #1 hanggang dito, salamat nang marami. I hope you enjoyed as much as I enjoyed writing this series <3

BUMUGA ako ng malakas na buntong hininga nang hindi ko pa rin makuha ang tamang paraan sa pagbe-braid ng buhok ni Bryleigh. She giggled as I started combing her hair again. On her reflection in the mirror, I jokingly pouted at her.

"Just tie my hair in a simple pony tail, Dad," she said with her sweet, tiny voice.

Umiling-iling ako. Sinimulan ko ulit ipunin ang buhok niya. Nanatili naman siyang nakaupo sa harap ng dresser at nangingiti akong pinagmamasdan na nasa likod niya.

"No. May plan today is to really learn how to braid your hair," sagot ko.

Medyo mahaba na ang buhok niya. Ayaw ko rin namang pagupitan dahil nae-engganyo akong ipitan siya kapag wala akong magawa. She's now five. Our similarities were becoming more obvious as she grew older. My eyes just looked like her. I now understand what Cyd was telling me before; that my eyes seemed to be always fascinated and in love with everything I was looking at.

Habang lumalaki si Bryleigh, mas lalo kong napagtatanto na ganoon nga talaga. Sa tuwing magmumulat siya ng mga mata, parang palagi siyang namamangha. Parehong-pareho kami ng mata kaya naiintindihan ko na ngayon.

"But I wanna play now."

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko. Nabo-bored na siguro siya dahil kanina pa kami rito pero hindi ako magkandatuto sa pagbe-braid ng buhok niya. Ba't kasi ang hirap, tangina! Gusto ko lang naman mag-braid.

"How about I tell you a story while fixing your hair?"

Tila kuminang ang namamangha niyang mga mata. Nginitian ko siya sa repleksyon niya sa salamin.

"What story?" she seemed excited now.

"About my crush when I was in high school."

Namilog ang bibig niya at gigil na napangiti. Natawa ako at sinimulan nang magkuwento.

"Gago kasi si Clarence, 'di ako pinakopya!" reklamo ni Finn habang kumakain kami sa cafeteria.

"Tanga! Ang lapit-lapit na nga no'ng papel ko, halos ingudngod ko na sa 'yo! Hindi ko malaman kung bulag ka, e."

Maikli akong natawa at nilunok muna ang kinakain ko bago sumingit sa usapan nila.

"Tangina kayo, pa'no kapag hindi na tayo magkakaklase sa susunod na taon? Sinong kokopyahan n'yo?"

"E 'di 'yong magiging katabi ko," sagot ni Clarence.

"E pa'no kapag ayaw kang pakopyahin?" si Kerwin.

"Sasabihin ko, hawak ko pamilya niya." sabay tawa ni Clarence sa mukhang tanga niyang pagbibiro.

"Inamo," nasabi ko bago lumipad ang mga mata ko papunta sa entrance ng cafeteria.

May babaeng pumasok. Matangkad, hanggang balikat ang haba ng buhok at maputi't makinis ang balat. Maliit ang mukha, pero medyo maumbok ang pisngi. Bahagyang naningkit ang mga mata ko -- tinititigan siya nang mas mabuti. Medyo manipis iyong kilay niya pero maganda naman ang shape. Medyo hooded din ang mga mata niya. Ang ilong niya, maliit na matangos. Ang mga labi, manipis at natural na mapupula.

Blissfully ChaoticOù les histoires vivent. Découvrez maintenant