Chapter 40

5.2K 158 21
                                    

INALIS ko ang hard hat sa ulo ko bago ko sinuri nang mabuti ang blueprint sa harap ko. Sandali ko pang pinagmasdan ang buong plano hanggang sa may maramdaman akong matitigas na brasong yumapos sa akin mula sa likod. Pagbaba ko pa lang ng tingin sa kanang braso nitong puro tattoo ay alam ko na kung sino.

"Architect, mamaya na 'yan. Bry-bry time muna."

Nakangiti kong nilingon si Bryle at marahang hinaplos ang pisngi niya bago siya pinatakan ng halik.

"What are you doing here?" tanong ko.

"Miss na kita agad."

Natawa ako at tuluyan na siyang hinarap. Hindi naman nawala ang mga braso niya sa baywang ko. Marahan siyang nakatitig sa akin ngunit may mapaglarong ngisi sa mga labi.

"May trabaho ka, 'di ba? Ako rin, may trabaho rito."

Bahagya siyang sumimangot bago pinagdikit ang mga noo namin.

"I wanna borrow you for a while. Let's eat lunch together."

Tahimik akong bumuntong hininga at lumingon-lingon upang tingnan ang construction team na kasama ko rito sa paligid. Walang ginagawa dahil nga oras pa ng lunch. Ang iba ay mukhang umalis din muna upang kumain.

"Alright. Lunch lang, ha. May mga kailangan pa tayong balikang trabaho."

It's been almost one year already since Bryle decided to build a house for us. He picked me as an Architect for it and the Engineer was also from Vallescas Constructions. Kasalukuyan na namin itong itinatayo. Sa tingin ko nga'y nakakalahati na kami sa mga gawain.

Si Bryle naman, ilang buwan na rin siyang nakabalik sa trabaho niya sa MRV. Ngunit kahit abala kaming pareho sa trabaho ay hindi pa rin kami nawawalan ng oras para kay Bryleigh. We're always making sure to come home on time. Doon pa rin kami nakatira sa condo ni Bryle kasama si Ate Jam dahil nga hindi pa tapos ang bahay.

Kumain kami nang sabay ni Bryle sa isang restaurant na malapit. Nang matapos ay hinatid niya muna ako pabalik sa ginagawang bahay bago siya tuluyang bumalik sa MRV.

"How is my baby?" Binuhat ni Bryle si Bryleigh at agad na pinupog ng halik sa pisngi.

Napanguso ako nang bahagya. Siya na talaga ang laging nauuna sa paglapit kay Bryleigh sa tuwing umuuwi kami galing trabaho. Inuunahan niya talaga ako, e.

"Hello!" Lumapit ako at hinalikan din si Bryleigh.

She sweetly smiled at me and clung her small arms to Bryle's neck.

"You missed Mommy and Daddy?" I caressed her soft cheeks.

She just giggled. Kumain kami ng hapunan at nanood muna ng TV pagkatapos. Ngumawa si Bryleigh noong inilipat namin sa isang English film ang channel.

"Baby, bukas ka na lang mag-watch ng cartoons," sabi ko.

"No, Mm-mi!" humihikbi niyang sagot.

Niyakap siya ni Bryle at pinaghahalikan sa pisngi.

"Wawa ang baby na 'yan..." Bryle uttered while watching our daughter cried.

Yumakap si Bryleigh sa kaniya at mas pinag-igihan ang pag-iyak na animo'y nagpapaawa. Hanggang sa napabuntong hininga na lamang ako bilang pagsuko. Inilipat ko sa cartoons ang channel na agad ikinatigil ng iyak ni Bryleigh.

"Yey!" si Bryle habang inaalog-alog ang kamay ni Bryleigh. "Say "thank you, mommy"."

"Chenkyu, mimi!" She then giggled.

Natawa kami ni Bryle at hinayaan na lamang siyang manood ng cartoons hanggang sa unti-unti siyang makatulog. Nakangisi akong binalingan ni Bryle. Playfulness was all around his expression now.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now