Chapter 37

5.5K 180 23
                                    


TUMIKHIM ako at kabadong nginitian si Bryle. Medyo mariin ang tingin niya sa akin pero sa tuwing tumitingin kay Bryleigh ay lumalambot ang mga mata niya. Bryleigh, on the other hand, was looking at him innocently. Seconds later, she wiggled her feet and smiled cutely at her Daddy.

"Bry-bry!" sabi pa nito na parang kilala na agad kung sino ang lalaking kaharap niya kahit hindi niya pa naman ito nakikilala.

Nangingiti ko itong tiningnan. "Yes, baby. He's your Daddy Bry-bry."

She giggled. Nang muli kong tingnan si Bryle, nakita kong titig na titig na siya kay Bryleigh. Mas lumambot ang mga mata niya. Nahahaluan din iyon ng halo-halong emosyon. I could see pain, happiness, and longing in there. It was also like he was already on the verge of crying.

"Let's go inside, Bryle," aya ko sa kaniya.

Hinawakan ko na ang kamay niya upang hilahin siya papasok ng unit ko dahil natulala na siya kay Bryleigh at para bang ayaw nang gumalaw. Nakatingin na sa amin si Ate Jam nang pumasok ulit kami.

"Ay, kamukha ni Bryleigh," bulalas ni Ate Jam sabay takip sa kaniyang bibig dala ng pagkagulat at pagkamangha habang nakatingala kay Bryle.

"Ate Jam, pahanda na lang ng almusal at saka kape. Salamat," marahang utos ko.

"Ay, opo, Ma'am!" Tila nataranta ito kaya mabilis nang pumunta sa kusina.

I looked at Bryle again and caught him looking at the baby toys scattered around. Ang iba'y nasa couch at ang iba'y nasa sahig. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at dinaluyan ng hiya.

"Uhm, sorry, makalat. Teka."

Pinagpupulot ko ang mga nakakalat na laruan sa lapag ngunit dahil karga ko si Bryleigh ay medyo nahihirapan ako. Namalayan ko na lang na pinagpupupulot na rin ni Bryle ang mga laruan. Binalingan ko siya ng tingin. Ganoon pa rin ang mukha niya. Mukhang iiyak na ewan kaya pinigilan kong matawa.

"Ako na, Bryle. Uh..." Napatingin ako kay Bryleigh. "Kargahin mo na lang si baby para magawa ko nang maayos ang pagliligpit."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Agad kong ipinasa sa kaniya si Bryleigh at kahit nagulat siya at mukhang hindi malaman ang gagawin ay wala na rin siyang nagawa kundi tanggapin ito. He carried our baby in the most gentle way I've ever seen in my life. The way he held her was like she was a crystal glass that he was so scared to break.

He stared at her lovingly with his eyes getting a bit teary. Unti-unti siyang napangiti habang nakikipagtitigan kay Bryleigh.

"Say hi to Daddy, Bryleigh," I said as I picked a teddy bear on the floor.

Pagilid ko silang tiningnan. Abot tainga na ang ngiti ni Bryle habang nakatingin sa anak. Marahan at mabagal siyang nakikipag-handshake dito. Ang maliit na kamay ni Bryleigh ay tanging ang gitna at hintuturong daliri lang ni Bryle ang nasasakop.

"Hi," malambing na pagkausap ni Bryle dito.

"Hi..." tugon naman ni Bryleigh.

Sumabay ako sa naging pagngiti ni Bryle. Bryleigh could speak a few words already, but it was still all gibberish. She's not yet even 1, that's why.

Nang matapos kong maitabi sa isang sulok ang mga laruan ay nilapitan ko sila. Akmang kukunin ko si Bryleigh mula sa kaniya ngunit bahagya niya itong niyakap na para bang hindi maaaring maagaw ito mula sa kaniya. I looked at him in disbelief, but the amusement in my face couldn't be hidden anymore. He looked at me sharply.

"C-Can I just..." He gulped. "Hold her more?"

Tila may humaplos na magaang kamay sa puso ko and at the same time, parang tinusok din. Ngumiti ako at nakakaintindi siyang tinanguan.

Blissfully ChaoticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon