Chapter 21

4.6K 141 33
                                    


NAUNAHAN na ako ni Bryle sa pagbubukas ng pinto bago ko pa ito mabuksan. Nahihiya akong napangiti at tuluyan nang lumabas mula sa passenger's seat ng kaniyang sasakyan. Agad na sinakop ng malamig at pang-gabing hangin ang balat ko kung kaya't napahimas ako sa aking mga braso.

Bryle closed the passenger's seat before leaning on it. He slid his hands inside his jeans' pockets as he looked up to examine the tall condominium behind me. Muli siyang nagbaba ng tingin sa akin at ngumiti.

"Gaano katagal ka nang tumitira sa condo mo?"

"Months pa lang," sagot ko.

Hinayaan ko na siyang ihatid ako rito sa condo dahil mukhang matatagalan pa ang pag-uusap nina Gabby at Kerwin. Nagpaalam naman ako kay Gab na mauuna na ako at hindi naman siya tumutol.

"Do you... wanna have some coffee in my unit?" pag-aalok ko as a sign of appreciation sa paghatid niya sa akin. "Para rin... hindi ka antukin sa pagda-drive."

Bahagyang umawang ang bibig niya at tumitig lang sa akin nang ilang segundo bago ngumiti at nagsalita.

"You should take a rest now, Cyd. Don't worry about me, I can still drive."

Kumibot ang mga labi ko. Gusto ko pa sanang pag-igihan ang pag-aalok sa kaniya ngunit nang maisip kong gabi na at baka kailangan niya na talagang umuwi ay hindi na ako nagpumilit. Maliit na lamang akong ngumiti at tumango kahit pakiramdam ko ay tila may gumuho sa akin.

"H-How about next time?" I dared to ask as I looked at him hopefully.

He stared back at me with his gentle eyes. The cold wind caressed my face as I let my hair find its own rhythm.

"Of course, Cyd," nakangiting tugon niya. "Next time."

Pumaskil agad ang malaking ngiti sa mga labi ko.

We said our goodbyes before he let me go first. He watched me closely as I made my way inside the building. Nang tuluyan akong makapasok ay nilingon ko siya. Kinawayan niya ako at ganoon din ang ginawa ko bago na nagpatuloy sa paglalakad.

Nakahiga na ako sa kama ngunit parang hindi ako dinadalaw ng antok. Kahit may alak na nga ang sistema ko ay hindi ako matulog-tulog. Masyadong nakaka-overwhelm para sa akin ang muli naming pagkikita ni Bryle. Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko.

Ni hindi ko nga inakala na magkikita pa ulit kami. At mas hindi ko inakala na sobrang tuwa ang mararamdaman ko. I've long thought before that if we ever cross paths again, things wouldn't be the same anymore; like I wouldn't be able to talk to him casually or couldn't look at him the same way as before.

But what happened earlier at the restobar... it was very different from what I've expected. There was nothing much awkwardness between us. The atmosphere felt so light. It almost felt surreal.

And I hope to see him again. I wanted to see him again.

Kinabukasan, nagmamadali ako sa pagkilos dahil medyo na-late ako ng gising. Maaga nga akong nakauwi kagabi ngunit hindi naman ako agad nakatulog kaiisip kay Bryle. Hay, naku.

"Architect, remind lang po kita na may meeting ka ng nine AM--"

"Yes, yes, I know. Thank you, Cristy," sagot ko sa kabilang linya habang patuloy ang mabilis na pagda-drive. "Malapit na 'ko."

Nang i-end ko ang call ay nakita ko sa screen ng cellphone na 8:56 na! Palagi pa namang on time ang mga meeting namin. Nakakahiya kung male-late ako.

Nang sa wakas ay makarating ako sa kompanya ay halos lakad-takbo na ang ginawa ko patungong elevator. It was already 9:10! I was certain that the meeting's starting already. Mom and Das would surely scold me for being late.

Blissfully ChaoticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon