Chapter 2

5.6K 216 32
                                    


NAGHIYAWAN ang mga kaklase ko sa panunukso nang marinig ang sinabi ni Bryle sa akin. Mas lalo kong naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko. Natahimik lamang sila nang may pumasok nang teacher.

Bryle's friends immediately search for vacant seats. Bryle, on the other hand, stayed in front of me for a few more seconds. Hindi pa rin nawawala ang magaang ngiti niya sa akin.

"Hanap na 'ko ng upuan, Cyd."

Umawang naman ang bibig ko at mabagal na napatango. Hindi ko kasi alam kung bakit kailangan niya pang magpaalam sa akin.

"Okay," nasabi ko na lang.

Lumawak ang ngiti niya at kumaway pa sa akin bilang paalam bago naglakad palayo upang maghanap ng upuan.

Nagpakilala ang teacher na nasa harap bilang adviser namin. She would also be our English teacher. She informed us her rules inside the class as well as how our subject with her for the first grading period would go.

"For this day, I will just arrange your seats alphabetically and alternately. Girl and boy arrangement."

Nakarinig ako ng mahihinang reklamo mula sa mga kaklase ko. Even Gab groaned and grimaced on her seat.

"Ano ba 'yan. Okay lang sana kung babae katabi," sabi pa niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Para sa 'kin, wala namang malaking probelama kung lalaki ang magiging katabi ko pero syempre, mas okay pa rin kung babae para mas komportable ako.

Ilang sandali nga ay pinatayo na kami ng adviser namin. Sinimulan niya nang tawagin isa-isa ang mga apelyido alphabetically hanggang sa unti-unting nabawasan ang mga nakatayo. Dahil sa letter "V" nagsisimula ang surname ko, iilan na lamang kaming naiwang nakatayo at hinihintay na matawag.

"Uy, Crystalle," tawag ng adviser namin.

Pumunta iyong babae sa upuang itinuro ni Ma'am. Bandang dulo na. Napabuntong hininga muli ako dahil sa dulong upuan na naman ako mapupunta nito. Kung maaari lang ay gusto ko sa bandang unahan dahil mas nakakapakinig ako sa lesson.

"Valdez, Jason."

Tumabi iyong lalaking natawag doon sa babae. Nilibot ko ng tingin ang mga kaklase kong nakatayo pa. Anim pa kami. Huminto ang mga mata ko kay Bryle na naabutan kong nakatingin sa akin. He immediately smiled at me. I smiled a little before looking away.

"Vallescas, Cydney Alexis," pagtawag sa akin sabay turo sa upuang pangatlo sa pinakahuli sa third row.

Pumunta na ako ro'n at agad na naupo. Bakante pa ang katabi kong upuan at hinintay ko na lang ang susunod na tatawagin na siyang uupo roon.

"Velleres, Brylan Robert."

"Yiieeeee!" hiyawan agad ng mga kaklase ko nang marinig ang sunod na tinawag ni Ma'am na magiging katabi ko.

I silently breathed a sigh and remained unbothered on my seat. I just pretended that I was rummaging through my bag until I  felt Bryle sitting beside me.

"What's going on, class?" bakas ang aliw sa tono ni Ma'am.

"Crush po ni Bryle si Cydney, Ma'am!" may isang lalaking sumagot.

"English only, please," paalala ni Ma'am.

"Bryle likes Cydney since first year," saad naman ng isang babae.

"They're dating!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at nangapal ulit ang mga pisngi sa init.

"Really?" tanong ni Ma'am sabay baling sa akin.

Agad akong umiling. Nagkasabay-sabay na sa pagsasalita ang mga kaklase namin at natatawa't napapailing-iling na lamang si Ma'am.

"We're not dating, Ma'am," pagsingit na ni Bryle sa gitna ng ingay ng mga kaklase namin. "I like her, but..." Umiling siya, ipinapahiwatig na wala ngang namamagitan sa amin.

Para akong nakahinga nang maluwag sa paglilinaw niya ngunit gusto ko pa ring magpakain na lang sa lupa. Nahihiya ako. Sanay naman na akong tinutukso kaming dalawa sa isa't isa noon pero tuwing nagkakasalubong lang kami iyon nangyayari. Ngayong nasa iisang section na kami ay hindi ko akalaing magiging ganito na kalala.

Tumawa si Ma'am at pinagmasdan kaming dalawa.

"I'm glad you clarified the real score between the two of you, Mr. Velleres. That is so gentlemanly. Anyway, there's no harm in liking someone as long as we know our limitations, okay, class?" Tiningnan niya na ang buong klase.

Tumango ang mga kaklase ko. May iba pa ring patuloy ang panunukso sa amin. I saw Gabby giggling on her chair, too, while looking at the both of us.

"All of you are still kids. Puppy love, crush, infatuation -- those are normal and okay. Everyone go through that phase in life. Even I. But be sure not to take it very seriously, alright? Just enjoy it and view everything lightly."

Kumalma rin ang mga kaklase ko at tumigil na sa panunukso kalaunan. Tumahimik lang ako sa upuan ko. Akala ko'y magtutuloy-tuloy na iyon hanggang sa matapos ang English class namin ngunit bigla akong kinausap ni Bryle.

"Sorry for our classmates, Cyd."

Nilingon ko siya at nakadirekta lang ang mga mata niya sa akin. Medyo nailang ako dahil malapit ang mga mukha namin sa isa't isa. Tumikhim ako at umusog nang kaunti palayo, kulang na lang ay malaglag na ako mula sa upuan. Nang mapagtanto niya ang ginawa ko ay tiningnan niya ang pagitan namin.

Iniurong niya nang kaunti palayo ang upuan niya.

"You don't have to say sorry for them. I-It's fine," kiming sagot ko.

Ngumiti siya at umiling. "Sorry pa rin. Tangina ko kasi. Masyado akong pahalata na crush kita. Iyan tuloy, palagi na tayong tinutukso. Nakakahiya na sa 'yo. Fuck."

Pinagdikit ko ang mga labi ko upang pigilan ang pagngiti sa pagmumura niya. Wala talagang filter ang bibig niya minsan. Hindi niya ba nakokontrol ang paglabas ng mga mura sa bibig niya? Ganoon ba talaga siya?

"Ayos lang. Wala naman yata silang nasasagasaang tao sa panunukso nila. Wala ka namang girlfriend, 'di ba?"

Mabilis siyang umiling. "Wala."

"Fling?"

"Wala pa sa ngayon."

Wala pa. Sa ngayon.

Tumango-tango ako at maikling natawa. Well, at least, he's honest.

"Ikaw ba? May boyfriend ka?" tanong naman niya.

Natitigan ko nang mataman ang kaniyang itsura. Ang buhok niya ay medyo messy palagi pero hindi naman iyon kailanman nakabawas sa kaguwapuhan niya. Kalat ang kilay niya ngunit maganda ang hubog at itim na itim. Ang natural brown niyang mga mata niya ay tila palaging bagong gising at namamangha.

His nose was like an art made by a well-known artist. It was perfectly sculpted. His lips were a bit red and just enough in shape; not that thin, but not full either. His jaw was already defined even at his age. Matangkad din siya, tipong puwede nang ihilera sa mga baskteball players. Hindi rin siya payat ngunit hindi rin naman sobrang malaman. Sakto lang.

"Wala," sagot ko sa tanong niya.

Unti-unti, tumaas ang sulok ng mga labi niya. Ilang segundo pa siyang tumitig sa akin bago nagbaling ng tingin sa harap. Binasa niya ang mga labi niya.

"Thank God," he whispered to himself.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Blissfully ChaoticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon