Chapter 16

4K 158 41
                                    


NAKIPAGKAMAY ako sa mga pinsan ni Bryle na kasalakuyan niyang ipinapakilala. Birthday ng pinsan niyang si Ali at may selebrasyon sa bahay nito. Gusto niya akong isama para na rin daw maipakilala niya na ako sa mga ito nang tuluyan.

Isang buwan na ang lumipas matapos naming grumaduate ng high school. Bakasyon na kaya madalas na kaming nakakalabas ni Bryle upang mag-date. Kay Mommy ako nagpapaalam palagi dahil alam niya naman na ang tungkol sa amin. Hindi nga lang siya tumitigil sa mga paalala niya sa akin na never ko namang nakalimutan.

I still knew my limitations as teenage girl and I would never do something stupid that would disappoint my parents.

"This is Kuya Travis, Steven, Cire, Margaux..." patuloy si Bryle sa pagpapakilala sa akin sa mga ito.

Ang naunang tumanggap ng kamay ko ay 'yong may pinakamaamong mukha sa kanilang mga lalaking magpipinsan. Iyon daw si Kuya Travis. Kinamayan din ako no'ng Margaux hanggang sa nagsunod-sunod na sila. Hindi ko na nga halos natatandaan ang mga pangalan dahil sa dami nila.

"And this is Joyce, Gavin, Johanna, Ciello, and my brother Darryl."

Nginisian ako ni Darryl na kasing tanda lang din ni Enrico bago naglahad ng kamay sa akin. Nakangiti ko naman itong tinanggap. Ganoon din sa iba pa.

"We're happy to finally meet you! Ikaw pala 'yong kinukuwento sa 'min nitong ugok na 'to," sabi ni Margaux matapos akong ibeso.

Natawa ako sa sinabi niya. The girls were friendly to me and it wasn't really that hard to socialize with them. Ganoon din naman ang mga lalaking pinsan, but some of them were a bit serious.

"Ikaw, Ali? Kailan mo ipakikilala sa amin 'yong dine-date mo ngayon?" tanong ni Bryle habang nakaakbay na sa akin.

"Saka na. Busy 'yon," sagot ni Ali.

"Weakshit ka pala, e," pang-aasar pa ni Bryle.

Ang iilan sa mga magpipinsan ay natawa sa sinabi ni Bryle pero ako ay hinampas siya sa kaniyang hita para sawayin. Ang isang 'to talaga!

"Fucker. Palibhasa ikaw, buwan-buwan kang may ipinapakilala sa aming babae," banat naman ni Ali na ikinatulala ko sa kaniya.

What did he mean by that? Umawang ang bibig ko at napaangat ng tingin kay Bryle. Mukha naman siyang hindi bothered at natatawa pa nga.

"Hoy! Nagbago na 'ko." Niyakap niya ang braso niya sa leeg ko. "May Cydney na 'ko, o."

"Yiieee!" panunukso ng mga babae niyang pinsan.

Nagtawanan lang naman ang mga lalaki at napailing-iling.

"Hindi bagay maging sweet sa 'yo, p're," biro pa ni Ali sabay tingin sa akin. "Cyd, 'wag kang masyadong magtiwala r'yan. Lolokohin—"

"Fuck you! Huwag mo 'kong sinisiraan por que wala rito girlfriend mo. Inggitero ka!"

Nagtawanan sila hanggang sa humaba nang humaba ang pagbibiruan. Kalaunan ay naging kumportable rin ako sa grupo nila at nakisali na sa mga kuwentuhan.

"Bryle, CR lang ako," paalam ko sa kalagitnaan ng kuwentuhan.

Agad siyang napatingin sa akin. "Samahan na kita."

"No need. Babalik din naman ako agad."

"You sure?"

Mabilis akong tumango. Ayoko nang magpaliwanag pa nang mahaba dahil naiihi na talaga ako.

"Alright. Diretso ka lang sa kusina. Then last door on the left."

Tumango ako at agad nang tumayo. Nadadaanan ko ang iba pang mga imbitadong bisita ni Ali. Karamihan daw sa mga iyon ay mga malalapit niyang kaibigan. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang CR. Mabuti na lang din at walang tao roon.

Blissfully ChaoticHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin