Chapter 35

5.1K 171 31
                                    


MAGKASAMA kami ni Gabby ngayon sa isang mall. Nagpasama siya sa akin dahil may mga bibilhin daw siya. Weekend naman ngayon kaya pumayag na rin ako. Si Ate Jam na muna ang pinagbantay ko kay Bryleigh.

"Nasa'n ba si Kerwin at hindi siya ang isinama mo rito?" tanong ko habang nagtitingin siya ng mga damit sa isang boutique.

Ngumiwi siya at umirap sa kawalan.

"Gusto akong samahan pero nabubuwisit ako sa kaniya."

I chuckled. "LQ na naman kayo?"

Nito ko lang nalaman na magkarelasyon na pala sila. Ang kuwento sa 'kin ni Gab, matagal na raw naka-move on si Kerwin do'n sa ex nito. Kaya no'ng magkita ulit sila no'n sa restobar noong birthday ni Bubbles, nagkausap sila nang masinsinan at nagkalinawan. Doon na sila nag-umpisang mag-date ulit. Parang kami lang din pala ni Bryle.

"Ewan ko sa isang 'yon. Pinagseselosan ba naman 'yong sekretaryang lalaki ng daddy ko? Kung 'di ba naman sira ulo."

Natawa ako at napailing-iling na lamang siya. Itinapat niya sa katawan niya ang isang eleganteng bestida upang tingnan kung bagay sa kaniya. Humalukipkip naman ako at may naalala.

"Siya nga pala, Gab. Hindi ba nako-contact ni Kerwin si Bryle?"

"Tinanong ko na rin 'yan. Ang huling usap pa raw nila ay noong hindi pa naaaksidente si Bryle. Sinubukan niya ring tawagan 'yong number pero hindi na gumagana. Pati sina Finn at Clarence, wala rin daw alam."

Dismayado akong napabuntong hininga. Araw-araw akong nangungulila kay Bryle. Ipinagbubuntis ko pa lang si Bryleigh, laman na siya ng isip ko bawat minuto. Minsan tuloy ay dahil sa sobrang selan ng pagbubuntis ko, halos araw-araw akong umiiyak dahil sa pagka-miss sa kaniya.

I just hope that he's fine now. I wanted him to be better and of course, I hope he could finally come home. Not just for me, but also for our daughter.

Ayokong lumaking walang ama ang baby ko. Hindi niya deserve 'yon.

Pagkatapos naming mamili ng mga luho namin ay nagpasama naman ako sa kaniyang mag-grocery. Bumili ako ng maraming diapers at baby stuff. Madalas namang mamalengke si Ate Jam pero bumili na rin ako ng ilang de lata at karne.

"Grabe, 'no? Mommy'ng-mommy ka na talaga," ani Gab habang pinagmamasdan ang mga nasa grocery cart ko. "Hindi mo ba nami-miss ang buhay dalaga, Cyd?"

Gumalaw ang mga mata ko pagilid sa pag-iisip.

"Hmm... hindi naman. Mas masaya nga ngayon, e, kasi... meron nang naghihintay sa 'kin sa pag-uwi ko. Saka 'yong tipong paggising mo, may bubungad agad sa 'yong cute na chikiting. Dati kasi... walang gano'n. Gigising ako nang walang ibang makikita kundi 'yong mga gamit lang sa kuwarto ko. Uuwi ako na walang ibang taong dadatnan. It was a bit sad before. But right now, it's just full of joy and contentment."

My best friend looked at me in awe as if she was very proud of me. I just smiled at her.

"Hindi pa ako ready magka-anak, Cyd. Please don't tempt me."

Pareho kaming natawa at nagpatuloy na papunta sa cashier.

Nang matapos ang paggo-grocery ay nagpunta naman kami sa isang coffee shop na malapit lang sa mall na pinanggalingan namin upang mag-meryenda. Habang umiinom kami at kumakain ng cake ay naisipan kong tawagan si Ate Jam.

"Kamusta si Bryleigh, Ate Jam?" tanong ko habang nakatanaw sa mga tao at establisyimento sa labas. Nakaupo kami sa tabi ng glass wall ng coffee shop kaya kitang-kita mula rito ang labas.

"Okay naman po, Ma'am. Heto, naglalaro ngayon."

Napangiti ako. "Hindi ba siya umiyak?"

"Kanina po, umiyak. Hinahanap ka yata."

Blissfully ChaoticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon