Chapter 22

4.4K 162 21
                                    


NGUMISI nang bahagya si Mommy nang makita ulit si Bryle sa meeting room. Lumipat ang tingin niya sa akin at saka nagtaas ng kilay. I smiled cutely at her.

"Diyan ka na uupo?" tanong niya.

Sandali pa akong napatingin kay Bryle na katabi ko bago nagbaling kay Mommy at tumango. Dumating na rin si Daddy at agad na tumama sa amin ni Bryle ang mga mata. Napaayos ako ng upo.

"You're early today, huh?" aniya pa bago nagtungo sa kabisera.

Ngumiti lang ako. Nang makaupo siya sa kaniyang upuan ay tumingin siya kay Bryle. Bahagya akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.

"So... I assume Engineer Velleres still couldn't come today?"

Nilingon ko si Bryle. Tumango siya at seryosong sinagot si Daddy.

"Yes, Sir. I want to apologize for him."

"It's okay, Mr. Velleres. Ang importante ay narito ka upang irepresenta siya."

Bumakas ang ngiti sa mukha ko at muling tiningnan si Bryle. He smiled back at me.

Nagsimula ang na ang meeting at pinilit ko ang sarili ko na makinig. Nagkaroon din ng kaunting brainstorming. Hindi madalas nagbibigay ng opinyon si Bryle, pero kapag tinatanong ay palaging may naisasagot. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti at hangaan siya.

"Where's your office?" tanong niya nang sumabay siya sa aking lumabas ng hall matapos ang meeting.

I looked at him and smiled. "Do you wanna see it?"

"Puwede?"

I chuckled. "Of course."

Ang sekretarya kong si Cristy ay kuryoso kaming pinagmamasdan. May pagtatanong sa mga mata niya ngunit nanatiling tikom ang bibig. Sumakay kami ng lift paakyat sa palapag kung saan naroon ang opisina ko.

"Won't you be very busy for today at naisipan mo pang tingnan ang opisina ko?" I asked while looking at him through his reflection on the elevator's door.

"Wala akong gagawin masyado. And I have all the time in the world for you."

I bit my lower lip to suppress my chuckle. I saw Cristy's reflection behind us, covering her smile by a folder she was holding.

Nang marating namin ang tamang palapag ay ako na ang nagpatiuna sa paglalakad patungo sa opisina ko. Nang makarating doon ay mabagal pa ang naging pagpasok ni Bryle. Ngumiti ako kay Cristy sa labas na kuryoso pa rin ang tingin sa amin bago ko unti-unting sinara ang pinto ng opisina ko.

Bryle was now staring at the five paintings on the left side of the wall. His hands were in his pocket as he stood tall in the middle of my office -- looking so dominant and a ruthless businessman with his black coat and tie.

"These are all beautiful," he said. "Saan mo nabili?"

Ngumiti ako at tinabihan siya. Tiningnan ko na rin ang mga paintings.

"I painted all of that."

Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sa akin. Maikli akong natawa.

"Seryoso ka?"

"Mm-hmm." Tumango ako.

Umawang ang bibig niya at kumalat ang pagkakamangha sa buong mukha.

"Wow," nasabi niya.

Muli niya pang tiningnan ang mga paintings at napailing-iling habang nakangiti. Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya. Pinasadahan niya ng tingin ang iilan pang kagamitan sa opisina ko bago siya sumandal sa aking lamesa. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa muling bumalik ang mga mata niya sa akin.

Blissfully ChaoticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon