Chapter 38

5.5K 160 10
                                    

SINILIP ko sina Bryle at Bryleigh sa sala mula rito sa kusina. Napangiti ako nang makita kong nilalaro ni Bryle ang anak. Bryleigh giggled when her Daddy made a barking sound of a dog. Maski ako ay natawa at napailing. Kung ano-ano na kasing pinaggagagawa niya para lang mapatawa si Bryleigh. Pati kahol ng aso, ginagawa na.

"Grabe, Ma'am, ang cute ng mag-ama mo," ani Ate Jam habang pareho kaming naghahanda ng meryenda.

Inabot na ng hapon dito si Bryle. Dito na siya nananghalian at mukhang dito na rin maghahapunan. Pagkatapos naming mag-usap kanina, nagpatuloy na siya sa pakikipaglaro kay Bryleigh. Hindi niya na ito binitawan.

Somehow, I felt like something had finally been lifted from my shoulders when we finally got to talk about the things we've missed from each other. Para akong nakahinga nang maluwag. Sa wakas ay nagkalinawan na rin kami sa mga bagay-bagay.

Nang matapos ang paggawa ng meryendang ham and cheese sandwich at tacos, pinuntahan ko na ang dalawa sa sala upang ayain. Naabutan ko si Bryle na pinipindot-pindot ang matambok na pisngi ni Bryleigh.

"Meryenda," I said.

Awtomatiko siyang natigil sa paglalaro sa pisngi ni Bryleigh sabay baling sa akin. Tumango siya at agad nang kinarga ang anak. Nagmaktol si Bryleigh dahil mukhang ayaw pang iwan ang nilalaro nitong lego. Iiyak na sana ito ngunit marahang tinapik-tapik ni Bryle.

"Sshh. Baby, kakain muna tayo."

At dahil wala namang maintindihan, nagpatuloy ito sa pag-iyak. Bryle looked at me worriedly as if asking for help. I smiled.

"Just let her cry. Tapik-tapikin mo o kaya laruin mo. Titigil din 'yan."

Nagtungo na kami sa hapag habang karga pa rin niya si Bryleigh. Inilapag ko ang sandwich sa harap niya at isang baso ng juice. Halos hindi niya iyon napansin dahil abala siya kung paano patatahanin ang umiiyak na si Bryleigh.

"Tahan na..." Marahan niya itong tinapik-tapik. "I love you."

Something tugged my heart again. I stared at him as I sat down across him. Nakatingin lang siya kay Bryleigh na para bang hindi mo puwedeng maistorbo. Maya-maya'y paulit-ulit niya itong hinalikan sa pisngi at kiniliti sa tiyan.

Ilang segundo lang ay napuno na ng hagikgik nito ang buong unit. Natatawa kaming nagkatinginan ni Bryle. Tuluyan nang tumigil sa pag-iyak si Bryleigh kaya nakakain na rin si Bryle sa wakas.

Ngumunguya ako ng tacos nang biglang may maalala. Nag-angat ako ng tingin kay Bryle. Kumagat siya sa kaniyang sandwich habang nakatingin kay Bryleigh na tila iniinggit ito. Bryleigh opened her little mouth and leaned closer to his Dad's sandwich. I bit my lower lip to suppress my laugh.

Natatawang napatingin sa akin si Bryle. Kumagat si Bryleigh sa sandwich ngunit halos wala naman siyang nakagat dahil sa liit ng kagat niya.

"Bryle..." tawag ko.

"Yeah?" tugon niya habang naaaliw pa ring pinanonood si Bryleigh na kumagat sa sandwich niya.

Lumunok ako at hindi na nagdalawang isip pa na itanong ang gumugulo pa rin sa aking isipan.

"Noong isang araw, nakita kita."

Kumunot ang noo niya at nag-angat na ng tingin sa akin.

"Huh?"

Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Bago ka pa pumunta rito kahapon, nakita na kita no'ng isang araw. Lumabas ka sa isang store na may... m-may kasamang babae."

Bakas pa rin ang pagtatanong sa ekspresyon niya.

"Anong oras 'yon? Bakit hindi mo 'ko nilapitan?" tanong naman niya.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now