Chapter 17

3.8K 136 4
                                    


TULALA ako sa bintana ng kuwarto ko habang panay ang pag-iingay ng aking cellphone sa bedside table. Hindi ko ito pinansin hanggang sa huminto ang pagri-ring. Napabuntong hininga ako at isinandal ang ulo sa aking mga tuhod.

"Cyd?" pagtawag ni Mommy sa pinto sabay katok dito.

Nanatili akong nakatulala sa tapat ng bintana. Hindi ko na namalayan na bumukas na pala ang pinto at sumilip siya.

"Anak, are you sure you don't wanna come with us?"

I sighed before I turned to look at her. A mixture of sadness and worry was etched on her face. I forced myself to smile.

"Opo, Mommy. Dito na lang po ako," sagot ko.

Nanatili siyang nakatayo sa pinto at marahang nakatitig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at ibinalik ito sa bintana. I heard her sigh.

"Okay. Just call us if you need anything. May gusto ka bang ipabali sa mall?"

Mabilis lamang akong umiling bilang tugon. Muli kong isinandal ang ulo ko sa aking mga tuhod.

"Alright. We'll go ahead."

Narinig ko ang dahan-dahang pagsasara ng pinto hanggang sa tuluyan itong masara. Mom, Dad, and Enrico were off to the mall. Last week, they also went out and asked me to come with them, but I just wasn't in the mood to go out. I felt too... sad to even unwind. I didn't want my sadness to affect them, so I just kept on rejecting them.

Muling nag-ring ang cellphone ko kaya napatingin na ako rito. Alam kong si Bryle ang tumatawag mula pa kanina kaya hindi ko sinasagot. Ayaw kong sagutin dahil wala naman na kaming dapat pang pag-usapan pero nakakarindi na!

Sa inis ko ay tumayo ako at mabilis na lumapit sa bedside table. Hindi nga ako nagkamali na siya ang tumatawag nang damputin ko ang cellphone at makita ang pangalan niya roon. I gritted my teeth and immediately turned the phone off.

Binuksan ko rin ang likod nito at tinanggal ang SIM. Pinutol ko iyon at malakas na ibinato sa isang sulok. Gusto ko rin sanang ibato sa pader ang cellphone ngunit napigilan ko ang aking sarili. Ibinato ko na lamang ito sa kama at padabog na umupo roon.

Napahilamos ako sa aking mukha at inis na hinawi ang buhok ko. Tears started to form in my eyes as I felt the frustration, anger, and sadness building up within me. All of it was starting to dominate my emotions that I couldn't help but to burst out in tears again.

Napahikbi ako nang mas dumami ang pagbuhos ng mga luha ko. Isang linggo na kaming hiwalay ni Bryle. Isang linggo na rin akong iyak nang iyak dahil kahit ako ang nakipaghiwalay ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Syempre... minahal ko 'yong tao, e.

He was my first boyfriend. He was my first love. My first kiss. My first date. He was my first in almost everything and I fell deeply in love with him. Hindi naman siya ganoong kadaling kalimutan. Nakipaghiwalay ako dahil sa tingin ko, kailangan muna naming ayusin ang mga sarili namin.

Our relationship was becoming toxic and toxic each day. It wasn't good for us anymore. Pakiramdam ko rin, unti-unti na 'kong binabago ng relasyon namin. Hindi na ako 'yong katulad ng dati at ayoko ng ganoon. It's fine if it was changing me for the better, but I felt like it was changing me to be the worst version of myself.

Ngayon ko lang napagtanto na ang laki ng ibinago sa akin ng relasyon namin which is sobrang mali. Nang dahil sa relasyon namin, napabayaan ko ang pag-aaral ko. Naging iresponsable ako. Natuto akong magsinungaling sa mga magulang ko at higit sa lahat, pakiramdam ko... nabawasan 'yong worth ko bilang isang tao.

Halos lahat ng pandidikta sa akin ni Bryle sa mga damit ko, sa pagpasok ko sa college, at sa iba pang mga desisyon ko... halos lahat 'yon sinunod ko. Para na 'kong walang sariling desisyon kasi siya na lang nang siya ang nasusunod. Nawalan ako ng sariling boses. Nawalan ako ng karapatan sa sarili ko.

I knew that it shouldn't be that way, but I was too in love to even disregard everything he said. I turned a blind a eye to everything. I chose not to listen to myself anymore because I was more focused to my feelings for him.

Ayos lang kung baguhin ka ng pag-ibig para sa ikabubuti mo pero kung unti-unti ka nang sinisira, hindi na tama 'yon. Kailangan nang matigil. Kailangan nang matuldukan. Hindi na dapat magtuloy-tuloy pa dahil mas lalala lang ang lahat.

Pinalis ko ang mga luha sa mukha ko at humiga sa kama. Mahigpit kong niyakap ang unan ko at doon nagpatuloy sa pag-iyak.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kaiiyak. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may marahang humahaplos sa aking buhok. Namumungay pa ang mga mata ko nang matanaw ko sa bintana na madilim na sa labas.

Patuloy ang paghaplos sa buhok ko kaya nilingon ko kung sinong nasa likod. Ngumiti sa akin si Mommy. Kinusot ko ang mata ko at unti-unting bumangon mula sa pagkakahiga. Nanatili ang malambot na mga mata ni Mommy sa akin.

"I saw your SIM at the corner of the room. Kaya pala hindi kita matawagan kanina."

Marahan akong napakurap at ngumiti nang pilit.

"Bibili na lang po ako ng bago."

Tumango siya at mas pinakatitigan ako. Yumuko na lamang ako dahil alam kong may napapansin na siya sa mga inaakto ko. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na hiwalay na kami ni Bryle dahil natatakot ako sa magiging opinyon niya.

Ayaw ko na munang makatanggap ng kahit anong negatibo sa ngayon. Ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko.

"Ilang araw ko nang napapansin na parang malungkot ka..."

Nanatili akong nakatingin sa pinaglalaro kong mga kamay.

"Is this about Bryle?" magaan niyang tanong.

Napalunok ako at hindi agad nakasagot. Namumuo na naman ang halo-halong emosyon sa dibdib ko.

"Come on, hija. You can tell me. I'm willing to listen."

Unti-unti kong naiangat ang tingin ko sa kaniya. Magaan pa rin ang ekspresyon niya habang nakatitig sa akin. Para bang sinasabi ng mga mata niya na hinding-hindi niya ako huhusgahan at makikinig lamang siya sa akin.

"Break na po kami ni B-Bryle," my voice broke.

Namuo na naman ang luha sa mga mata ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Ginawa ko ang lahat upang pigilan ang pagbugso ng emosyon sa pamamagitan ng paglunok at pagkurap-kurap. Naramdaman ko na lang ang marahang paghagod ni Mommy sa likod ko.

"It's okay. You can cry."

Umiling-iling ako habang pilit pa ring pinipigilan ang pagtulo ng mga luha. Ayoko na. Pagod na 'kong umiyak. Ang bigat-bigat na. Ang sakit-sakit na.

"Alam mo... may mga tao talagang dumarating sa buhay natin para lang may ipa-realize sa atin. May mga tao na hindi talaga nakatadhana na manatili. They just came to... to just leave us a lesson. That's their only purpose and that's okay..."

Sa sinabi niya, hindi na nagpapigil pa ang mga luha ko sa pagtulo. Parang gripo silang nagsituluan pababa sa pisngi ko kaya wala akong nagawa kundi takpan ang mukha at sa mga palad ko nagpatuloy ng iyak.

"That's okay... because eventually, as life goes on, we'll get to know the reason why things happpen. Kailangan lang nating mas buksan pa ang pang-unawa natin para matanggap ito kalaunan."

Mas lalo akong napaiyak dahil sa tingin ko ay mukhang matatagalan pa bago ko matanggap na talagang wala na kami ni Bryle. Niyakap ako ni Mommy habang patuloy na hinahagod ang likod ko.

"It has a reason, Cydney. Don't let this destroy you. You're strong and smart. I know you'll get through this. Balang araw... tatawanan mo na lang ang lahat ng ito. Balang araw... mangingiti ka na lang sa tuwing maaalala mo siya."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now