Chapter 5

4.4K 169 15
                                    

MAAGA muling nakauwi sina Mommy at Daddy. Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. As usual, panay na naman ang tanong nila tungkol sa pag-aaral namin ni Enrico at paulit-ulit na naman ang mga paalala.

"Cydney..."

Natigilan ako sa pagnguya nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Daddy. Nang magbaling ako ng tingin sa kaniya ay sinalubong ako ng mapag-obserba niyang mga mata.

"Po?"

"Ano itong naririnig ko kay Ned na palaging may lalaking sumasabay sa 'yo sa paglabas ng school maliban kay Gabby?"

Pasimple akong napalunok ngunit pilit kong itinago ang kaba ko.

"C-Classmate ko po iyon. Seat mate ko rin."

Tumaas ang kilay niya at dumiin ang tingin sa akin. Si Mommy ay sa akin na rin nakadirekta ang mga mata ngunit 'di tulad ni Daddy ay magaan lamang ang ekspresyon niya.

"What's his name?"

Napakurap ako. Really? He was even asking that? Bryle was just a seat mate, for God's sake!

"Bryle Velleres po," sagot ko.

Unti-unting nagdikit ang mga kilay niya. Sandali silang nagkatinginan ni Mommy bago muling bumalik sa akin ang tingin niya.

"Velleres? Do you somehow know his parents?" tanong pa niya.

Bahagyang tumaas ang kilay ko at napatingin kay Mommy. Nakita ko ang maliit niyang ngiti sa labi. Bumalik din agad ang tingin ko kay Daddy.

"Uh, hindi po, e. W-Why?"

Daddy smiled before he looked at Mom again. I was just curiously eyeing the both of them. It was like they were talking just by the use their eyes. I had no any idea.

"We know the Vellereses in the business world, hija," ani Daddy. "They are actually one of the biggest conglomerates in the country with business interests in food manufacturing, banking, and real estate."

"Yeah. They own MRV Holdings," pagsingit ni Mommy. "I'm sure you've heard that before?"

Mabagal akong napatango. Yeah, I had been hearing that company in every business event we attend to. So pamilya pala nila Bryle ang may-ari no'n.

"Yeah, I've heard that."

Uminom ng tubig si Daddy bago muling tumingin sa akin. Kung kanina'y madiin ang tingin niya sa akin, ngayon ay may kakaiba nang kislap sa mga mata niya. Ngumiti siya sa akin.

"Well, if it's a Velleres, then... you are very free to befriend him."

Bahagyang kumunot ang noo ko at hindi pa gaanong nakuha ang gusto niyang ipunto. Saka hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong sabihan tungkol sa pakikipagkaibigan ko. Yes, I was always free to befriend anyone I wanted not because he told me so, but because I wanted to.

Gusto ko sana siyang sagutin no'n ngunit naalala kong sa bahay na ito ay bawal ang sumalungat sa kanila.

Nang matapos ang hapunan ay agad na akong pumanhik sa aking kuwarto. Tapos ko naman nang gawin ang mga assignment ko kaya puwede na akong mag-Facebook. Pampaantok lang.

I was scrolling through my feed when I heard a knock on the door.

"Yes?"

The door opened and Mommy peeked in. She sweetly smiled at me before she entered. Ngumiti rin ako at inilapag na muna sa bedside table ang cellphone. Umayos ako ng upo nang lumapit siya. Sumandal ako sa headboard habang siya ay naupo sa gilid ng kama.

"Are you done with your homework?"

"Yes, Mom."

Tumango siya at ngumiti. Bumuntong hininga siya at mataman akong pinagmasdan. Muli kong nabisita ang pagkakahawig namin. Mula sa hugis ng mukha, mata, labi, buhok, at kulay ng balat. I was literally her mini version.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now