Chapter 25

4.5K 160 37
                                    


BUMANGON na kami ni Bryle nang makaramdam siya ng gutom. Paano ba namang hindi siya magugutom e mukhang inubos niya lahat ng energy niya kagabi. Nagpa-deliver na lang siya kaya hindi na ako nag-abala pang magluto. Nagtungo ako sa banyo upang maligo habang siya ay nagkape na muna sa kusina ko.

When I was done taking a bath and wearing clothes, I saw him on my balcony... smoking.

I was a bit stunned for a while. My stare lingered at him and at the smokes that coming out from his mouth. Medyo nagulat lang akong malaman na naninigarilyo na pala siya.

Unti-unti akong lumapit sa kinaroroonan niya. Hindi niya pa ako nakikita dahil nakatalikod siya at nakatingin sa mga nagtataasang building sa harap. He was only wearing his boxers. Nang tumabi ako sa kaniya ay doon lamang siya napalingon.

"Uy," nasabi niya at mabilis na inihulog ang sigarilyo sa ere. Sa kabilang banda niya na rin ibinuga ang huling usok sa bibig niya.

Napangiti ako at pinagmasdan siya lalo. Nang bumalik ang tingin niya sa akin ay tipid siyang ngumiti.

"Sorry, nalanghap mo pa."

"It's okay." Nagpangalumbaba ako sa barandilya. "Kailan ka pa naninigarilyo?"

Gumalaw ang mga mata niya na tila nag-isip. Pumangalumbaba rin siya sa barandilya at tinitigan ako.

"After we broke up," sagot niya.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at malungkot siyang tiningnan.

"Why?"

He shrugged. "I don't know. To release stress? To remain calm? To stop myself from overthinking?"

Napabuntong hininga ako. "It's bad for the health."

Tipid ulit siyang ngumiti at tumango. "I know."

Hindi na ako nagsalita at tiningnan lang siya. Ganoon din siya. Ayaw kong sabihan siya na tigilan na ang paninigarilyo. Ayaw ko siyang diktahan. Baka isipin niya pa na controlling ako. And it was his choice. He's always free to choose whatever he wanted. I just wanted to remind him that smoking is dangerous for his health.

It was also sad to know that he learned to smoke after we broke up because he may saw it as a comfort. It somehow consoled him when I broke his heart. Kaya hindi na dapat ako magreklamo ngayon. Wala akong alam sa pinagdaanan niya noong maghiwalay kami. Wala akong alam sa paraan na ginawa niya para makalimot. Kaya hindi ko na rin siya kukuwestiyonin.

Pumulupot ang matigas niyang braso sa baywang ko at mas hinila ako papalapit sa kaniya. I rested my head on his chest as I looked at the majestic skyscrapers in front of us.

"Can you sing me a song?" I requested.

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Anong kanta?"

"Kahit ano."

Nagsimula siyang kumanta. "Ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko--"

Bumanghalit ako ng tawa at hinampas ang dibdib niya. Natatawa rin siya habang kumakanta.

"Huwag 'yan!" natatawa kong reklamo pero nagpatuloy lang siya.

"Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko. Pangakong ipagdarasal pa rin kita, ipagdarasal pa rin kita."

"Fan ka pala ni Skusta, ha?" pang-aasar ko.

Humalakhak siya at kinurot ang baba ko.

"Hoy, hindi! Nakakatuwa lang 'yang kanta niya na 'yan dahil medyo relate ako. At oo, magaling siyang kumanta pero hindi ibig sabihin no'n na fan ako," depensa pa niya.

"Sus! Dami nang sinabi."

Pareho kaming natawa at napailing-iling sa isa't isa. Ipinulupot ko rin ang mga braso ko sa katawan niya habang pinakikinggan ang kalmadong pagtibok ng kaniyang puso.

"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?"

Isang matamis na ngiti ang pumorma sa mga labi ko nang marinig ko na siyang seryosong kumakanta. Humigpit ang yakap ko sa kaniya.

"Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa 'ting dalawa
Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw"

His voice was a such soothe. The coldness and timbre of every word he let out was piercing so good through my heart.

"Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?"

Nakangiti akong pinakikinggan siya habang nasa harap namin ang matatayog na gusali. Maaliwalas ang kalangitan. Sobrang liwanag na para bang nakikibagay sa nararamdaman ko. Ang sayang titigan. Ang sarap sa mata. Sana ganito na lang parati. Sana hindi na matapos ito.

"Ang ganda-ganda ng boses mo..." puri ko sa kaniya matapos niya akong kantahan.

Pinatakan niya ng halik ang aking sentido. "Happy now?"

My smile widened. "Very happy."

Kalaunan, nagpaalam siyang magbabanyo na. Nanatili pa muna ako sa balkonahe nang ilang sandali bago ko naisipang sa sala na lamang maglagi upang hintayin ang order naming almusal. I made a coffee for myself. Good thing that Bryle already heated water in the kettle.

Dinala ko ang tasa ng kape ko sa living room at sa couch ako umupo. I even flinched when I sat down because I still felt sore down there. Binuksan ko ang TV at naghanap ng magandang palabas. Habang naglilipat ako ng channel ay narinig kong may nagri-ring na cellphone sa loob ng kuwarto ko. Inilipag ko na muna ang mug na hawak ko sa pandak na mesa sa harap ng couch bago ako naglakad papunta sa kuwarto ko.

Umiilaw ang cellphone ni Bryle sa ibabaw ng bedside table. Kinuha ko iyon at tiningnan. A certain 'Khatte' was the caller. I looked at the bathroom's door and I could still hear the shower running. Muli akong nagbaba ng tingin sa cellphone. Hindi pa rin napuputol ang tawag.

Bumuntong hininga ako at napagdesisyonang sagutin na lamang ang tawag at ipaalam dito na naliligo pa si Bryle at tumawag na lang ulit mamaya.

"Hello?" I answered

"Bry--" sandali itong natigilan. "Who is this?"

Boses ng babae. Medyo pagalit din ang pagtatanong niya na ikinakunot ng aking noo.

"Uhm--"

"I said who the fuck is this?! Where is Bryle? Bakit ikaw ang sumagot? Sino ka?"

My lips pursed. "Can you please stop yelling at me? He's taking a shower in my bathroom--"

"What the fuck! You slut! I'm his girlfriend!"

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now