Chapter 36

5.3K 172 25
                                    


RAMDAM ko ang paninitig sa akin ni Bryle kahit hindi ako nakatingin sa kaniya. Pinagmasdan ko lang ang mga nagsasayawang halaman sa paligid dahil sa lakas ng hangin. I looked up and saw that the sky was so bright today. There was no sign of a coming storm.

Everything around me felt so good and calm, actually. The cold wind brushing my skin was such a refreshing feeling. The flowers and plants on the side were being happily swayed by the wind. The crystal pool in front of us was a heavenly sight.

But no matter how relaxing my surrounding was right now, my feelings and thoughts were in chaos. And what's funny was... no matter how chaotic these thoughts and feelings I have right now, I still felt a different kind of bliss.

Kasi nandito si Bryle. Sobra kong dinamdam 'yong nakita ko kahapon, pero isang katok niya lang sa pinto ko, nakaramdam na agad ako ng saya. Ang dami pa ring gumugulo sa isipan ko katulad ng kailan pa siya nakauwi, bakit hindi niya agad ako pinuntahan, at sino 'yong kasama niyang babae kahapon. Halos magkabuhol-buhol na 'yong mga tanong sa utak ko. Halo-halo na rin 'yong nararamdaman ko.

Ewan. Magulo. Pakiramdam ko ang gulo-gulo, pero may saya pa rin akong nararamdaman. Ni hindi ko maipaliwanag nang maayos pero ganoon talaga 'yong nararamdaman ko ngayon. Masaya na magulo. Magulo na masaya. It was very hard to explain. I couldn't even understand it within me. It was like everything on my plate right now was leading me into a blissful chaos.

"How are you, Cyd?" biglang tanong niya matapos ng mahabang katahimikan sa pagitan namin.

Nang kumatok siya kanina sa unit ko, hindi ko siya pinapasok. Para akong nataranta. Hindi ko alam kung paano ko ipakikilala si Bryleigh kaya lumabas na lang muna ako at niyaya siya rito sa pool area ng condo. Naalala ko rin kasi 'yong babaeng kasama niya kahapon. Kung may relasyon sila no'n, hindi na ako sigurado kung may lakas pa ako ng loob na ipakilala ang anak ko sa kaniya.

Syempre, ayoko namang makasira ng relasyon. Baka iturin niya pang pabigat si Bryleigh at sabit sa buhay niya! Hinding-hindi ko matatanggap 'yon! Mahal na mahal ko ang anak ko at hindi ko kaya na maging ganoon ang tingin sa kaniya ng tatay niya kung sakali.

"Ayos lang," sagot ko.

Ramdam ko pa rin ang hindi napuputol niyang titig sa akin kaya buntong hininga na akong nagbaling ng tingin sa kaniya. Tama nga ako dahil kung makatingin siya sa akin ay tila gusto niyang pasukin ang utak at kaluluwa ko. Malambot ang mga mata niya at para bang naglalambing.

Wala namang gaanong nagbago sa pisikal niyang itsura. Medyo kumapal lang ang buhok at wala na ang hikaw sa labi. 

"What did I miss?"

Hindi agad ako sumagot at nagtagal lang ang tingin ko sa kaniya. Pinigilan ko ang pagsabog ng emosyon at tinanong siya pabalik.

"I should be the one asking you that. What did I miss? Pinalayo mo kasi ako, 'di ba? Bago ka pa nagpunta ng Amerika para magpagamot. Lumayo ako kasi syempre, mas gusto ko na gumaling ka nang tuluyan. Ayokong makadagdag sa sakit na nararamdaman mo--"

"Cyd, I'm sorry. You know my condition before. Hindi ko naman ginustong sabihin ang mga 'yon sa 'yo. Hindi ko alam kung bakit gano'n. Hindi ko makontrol." Mas lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang mga braso ko. "Sorry. I didn't mean to make you leave. I didn't mean to make you hate me--"

Kumunot ang noo ko. "I don't hate you. What are you saying? I never did."

Mariin siyang pumikit at umiling-iling. Sa pagdilat niya ay bumakas na ang sakit sa kaniyang mga mata.

"Iyon 'yong naiisip ko noon, e. 'Yong habang nagpapagaling ako sa ibang bansa, hindi ko maiwasang isipin na... baka nagalit ka sa 'kin. Baka kinamuhian mo 'ko dahil sa mga masasamang nasabi ko."

Blissfully Chaoticजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें