Chapter 6

4.2K 178 28
                                    


NILAPITAN ko kaagad si Gabby nang sumapit ang lunch time namin. Inilalagay niya pa ang libro at notebook niya sa bag niya noong lumapit ako. Tiningala niya ako.

"Gab... Uhm..." Napalunok ako.

"Wait lang, ayusin ko lang 'tong bag ko."

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at nilingon si Bryle na nakatayo at nakatingin sa akin. Muli siyang ngumiti sa akin. I smiled back and looked at my best friend again.

"Gabby, ano kasi..." Napakamot ako sa aking ulo. "N-Niyaya ako ni Bryle na sabay raw kaming mag-lunch ngayon."

Nagtagal na ang titig niya sa akin sa sinabi ko. Isinara niya na ang bag niya at tumayo na. Nilingon niya si Bryle na hanggang ngayon ay naghihintay sa akin. I saw her smirked before looking at me again. Her eyes were already screaming of playfulness.

"Lume-level up na si lover boy," bulong niya sa akin sa tonong nang-aasar.

Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin. She giggled.

"Sige na, mag-lunch na kayo! Balitaan mo 'ko, ha?"

I rolled my eyes on her. "Gabby..." saway ko. "Kakain lang kami, ano ba."

She just chuckled. Her eyes darted behind me and her teasing smirk got bigger.

"Ano, Cyd?"

Nilingon ko si Bryle nang marinig ko ang boses niya sa likod ko. Tumikhim ako.

"A-Ah, oo. Tara na?"

Malaki ang naging pagngiti niya. Muli kong tiningnan si Gabby at hindi pa rin nawawala ang nanunukso niyang tingin sa amin.

"We'll go ahead, Gab," paalam ko.

Mabilis siyang tumango. "Enjoy your date!"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata na ikinatawa lamang niya. Hay naku, ang isang 'to! Sinabi nang magla-lunch lang kami ni Bryle!

Sabay kaming naglakad ni Bryle palabas ng room. Bago pa kami makalayo ay nasulyapan ko pa ang paglapit ni Kerwin kay Gabby.

"Gab, gusto mong sumabay sa 'min?"

Napangiti ako at itinuon na ang mga mata sa daan. Sa corridor pa lang ay pinagtitinginan na kami ni Bryle ng mga taga kabilang section. Pinili ko na lamang dedmahin ang mga mapanukso nilang tingin. Mukhang ganoon din naman si Bryle.

"Okay lang ba kung hindi tayo sa cefeteria sa baba kakain?" tanong niya habang bumababa kami ng hagdan.

"Oo, kahit saan. Basta 'wag lang tayong male-late."

Tumango siya. "Doon na lang tayo sa café na malapit sa faculty. Kaunti lang kasi ang kumakain do'n. Para tahimik." He chuckled.

Bahagya akong napangiti. Kaya kaunti lang ang kumakain do'n ay dahil ang mamahal ng mga pagkain. Hindi presyong pang-estudyante ang mga pagkain do'n. Siguro rin ay kaya niya naisip na doon na lang kami kumain ay para walang masyadong manunukso sa amin.

Kung doon kasi sa cafeteria sa 4th year building, malamang ay hindi kami makakain nang maayos dahil sa dami ng estudyante roon na manunukso sa amin.

Nang marating namin ang café na malapit sa faculty, hindi kami nadismaya dahil halos walang tao roon. Mayroon lamang dalawang teacher na kumakain ngunit kung estudyante ay wala. Huminto kami sa tapat ng counter upang um-order.

"Anong gusto mo, Cyd?"

Hindi ko pa maalis ang mga mata ko sa mga pagpipilian. Nang makakita ako ng lasagna at pasta ay itinuro ko iyon.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now