Chapter 39

5.4K 155 15
                                    


No proofread. Sorry for the typos!

TUWANG-TUWANG nilalaro ng mga pinsan ni Bryle si Bryleigh at inosente lang naman silang pinagmamasdan ng huli. Bryle was talking to some of his male cousins. I, on the other hand, was beside Tita Geneva and we were both looking at Bryleigh.

Narito kami ngayon sa bahay nila Bryle. Gusto niya nang ipakilala si Bryleigh sa mga magulang niya at sa buong angkan na rin nila. We were welcomed wholeheartedly. They were already treating Bryleigh and I us part of their family even though Bryle and I were not married.

"Hija..."

Napatingin ako kay Tita Geneva nang magsalita siya sa tabi ko. Nginitian niya ako ngunit may nakikita akong kaunting lungkot sa mga mata niya.

"I just want to say sorry kung hindi na kita natawagan noong nasa ibang bansa na kami. Ni hindi ko naipaalam sa 'yo na nagpalit ako ng number. I didn't know that you're pregnant. I didn't know that you want to be updated about Bryle's condition. Ang akala ko kasi... gusto mong lumayo hanggang sa gumaling nang tuluyan si Bryle. I'm so sorry, hija."

Her expression really looked sorry and sad. I could also see guilt and regret in there. Maluwag akong nagpakawala ng buntong hininga at nginitian siya.

"It's okay, Tita. Naiintindihan ko po. Nasabi po sa 'kin ni Bryle na nirespeto n'yo nang sobra ang desisyon ko. I appreciate you for that, Tita. Ang importante ngayon ay ay gumaling nang tuluyan si Bryle at nakabalik na siya."

Tila umaliwalas ang mukha niya. May nakita pa akong kaunting luha sa mga mata niya bago siya tumango at niyakap ako.

Ilang sandali'y lumapit na ako sa mga magpipinsan na tuwang-tuwang pa rin kay Bryleigh. May iba ring maliliit na bata sa paligid. Anak ni Gavin 'yong isa. 'Yong isa naman, anak yata ni Kuya Travis.

"Can you say Mississippi?" naabutan kong tanong ni Ciello kay Bryleigh.

"Mayshisipi."

Nagtawanan sila sa naging sagot nito at pinanggigilan na naman ng kurot sa pisngi.

"Now can you say..." si Margaux. "Watermelon?"

"Warmewon!"

Hindi ko na rin naiwasang matuwa at sumabay sa mga natutuwa nilang tawa. Hanggang sa mas lumapit pa ako at napatingin sa akin si Bryleigh. Agad na pumaskil ang masayang ngiti sa mukha niya at itinuro ako.

"Mi!!!"

Nakangiting natinginan sa 'kin ang mga pinsan niya.

"Oh there's Mommy!" si Johanna na siyang may buhat dito. "Say "hey, mommy!""

"Hey, Mm-mi!"

Napuno kami ng halakhakan. Inabot na sa akin ni Johanna si Bryleigh dahil gusto na nitong magpakarga sa 'kin.

Nagpatuloy ang pakikipagkuwentuhan ko hindi lang sa mga pinsan ni Bryle kundi pati na rin sa mga Tito't Tita niya hanggang sa sumapit ang hapunan. Sabay-sabay kaming kumain sa hapag. Katabi ko si Bryle at nasa kandungan ko si Bryleigh.

"So Bryle, hijo..." tawag pansin ng Tita niyang si Tita Adelina. "Doon ba muna kayo sa condo unit mo titira? Or bibili ka ng bahay?"

Uminom muna ng tubig si Bryle bago sumagot. "Doon po muna kami sa condo ko pansamantala. At plano ko pong magpatayo ng bahay para sa 'min."

"Oh, wow! That's great! I remember that Gavin and Audri also lived in Gavin's penthouse for a while until they decided to build a house. Mas maganda nga 'yong makapag-ipon-ipon muna kayo."

Napangiti ako at tumango upang sang-ayunan ang sinabi ni Tita Adelina.

Napag-usapan na namin ni Bryle ang paglipat namin ni Bryleigh sa kaniyang condo. Iyon pa 'yong condo niya noon bago sila nangibang-bansa ng mga magulang niya. Halos magmakaawa nga siya sa akin na doon na kami tumira dahil gusto niyang makasama kami ni Bryleigh araw-araw.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now