Chapter 30

4.8K 127 57
                                    


BUMABA ang mga mata ni Mommy sa magkahawak naming mga kamay ni Bryle. Ganoon din si Daddy bago kami pinagmasdang mabuti. Kinakabahan akong ngumiti at lumapit na sa kanila na parehong nag-aabang sa malaking double doors namin.

I only let go if Bryle's hand when I finally reached my parents. I hugged both of them and they did the same. Nang bumitiw ako sa yakap ay kita ko ang matamang pagmamasid ni Daddy kay Bryle. Seryoso ang mukha niya habang si Mommy naman ay may multo ng ngisi sa labi.

Muli akong bumalik sa tabi ni Bryle at hinawakan ulit ang kamay niya. Muling bumaba ang mga mata nila roon. At dahil nakatupi hanggang siko ang button-down shirt na suot ni Bryle, nakita ko kung paano nila pinasadahan ng tingin ang mga tattoo sa kanang braso niya.

Hindi naman ito ang unang beses na nakita nila si Bryle matapos ng ilang taon. Nakita na nila ito sa meeting noon, pero syempre, hindi nila nakita ang mga tattoo nito dahil naka-coat ito noon. Ngayong kita ang braso ay malinaw na malinaw na iyon sa paningin nila. Hindi ko na pinagtatakhan ang medyo gulat nilang tingin.

Tumikhim ako. Tila sila natauhan at napatingin ulit sa akin. Ganoon din si Bryle. He even produced an awkward laugh before speaking.

"Good morning po," bati niya sa mga magulang ko.

Tumango si Mommy at ngumiti.

"Magandang umaga, hijo."

Walang tugon si Daddy ngunit bahagya naman siyang ngumiti. Humugot ako ng malalim na hininga at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Bryle.

"Uhm... k-kami na nga po pala," nauutal kong saad.

Mabagal na napatango si Mommy at hindi na naitago pa ang mapanuksong ngiti. Si Daddy naman ay wala pa ring karea-reaksyon. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.

"I see," si Mommy bago marahang hinila si Daddy. "Let's go inside. Handa na ang brunch."

Ngumiti ako. Nang tuluyan silang makatalikod ay napatingin ako kay Bryle. Naabutan ko siyang nagpakawala ng hininga bago napatingin sa akin. I could see a slight fear in his eyes, but he was such an expert in hiding it.

"Para akong gustong suntukin ni Tito Noah, Boo," sumbong niya.

I giggled and pinched his chin.

"Ganoon lang talaga tumingin 'yong si Daddy. Masasanay ka rin."

Napatango-tango siya. "Sabagay. Gano'n din 'yong tingin niya sa akin noon, e. Noong sinundo kita rito no'ng prom night. Pakiramdam ko, bigla na lang akong babarilin e."

Maikli akong natawa at mahina siyang hinampas sa braso. Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumiretso sa dining. Naroon na pala ang kapatid kong si Enrico na matagal-tagal ko na ring hindi nakikita. Dito pa rin siya nakatira at madalang na lang din kasi akong bumisita rito. Hindi pa siya nagtatrabaho sa kompanya.

"Hi," bati ko sa kapatid ko bago siya niyakap.

Hinagod niya ang likod ko. Nang magbitiw kami ay tumango at ngumiti siya kay Bryle. My boyfriend did the same.

"So... shall we eat? Habang mainit pa ang mga pagkain," nakangiting ani Mommy.

Naupo na si Daddy sa kabisera. Sa kanan niya ay si Mommy na katabi si Enrico. Ako naman ang sa kaliwa ni Daddy at katabi ko si Bryle. Habang kumakain kami ay parang imbestigador si Daddy sa katatanong kay Bryle. Nangingiti lang si Mommy habang ako ay medyo kinakabahan.

"How long have you been with my daughter?"

"Isang buwan na po," sagot ni Bryle.

Tumaas ang kilay ni Daddy at napatingin sa akin. Bumagal ang pagnguya ko.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now