Prologue

13K 333 68
                                    

I know I said that Gleam of Darkness will be the last installment of Velleres Series 1st Generation. Ang susunod na dapat do'n ay 'yong sa mga anak which is supposed to start next year. But y'know, I just unpublished The Lost Years (VS #1), so I just kinda want to fill the hollowness I feel. Dito ako sa story na 'to babawi. Ito 'yong pamalit ko sa pag-alis ng TLY. I will write this just for fun -- just to fill my emptiness sa pag-unpublish ko sa TLY, so this will be just a very light, feel-good story. Hindi siya mabigat so I hope you enjoy! :>

----------

BUMUGA ako ng isang mabigat na hininga nang makababa ako mula sa sasakyan ng kaibigan kong si Gabby. Agad niya akong hinila papasok sa restobar. Wala akong nagawa kundi magpatangay kahit tinatamad ako.

"Gab, again, I will only stay for an hour, ha! Sinabi ko na sa 'yong wala ako sa mood ngayon para uminom," sabi ko habang tuwang-tuwang siyang hinihila ako.

"Oo na, Cyd! Ikaw naman, parang hindi mo friend si Bubbles."

Ngumuso ako at mabilis na kumalat ang inis sa aking sistema.

"Hindi naman talaga. We know each other, but we're not close."

"Whatever. Just enjoy the night!"

Labag man sa loob ko ay napilitan akong magpatangay sa kaniya. I wasn't really planning on going with her to this birthday celebration of that Bubbles. Why would I? She wasn't a close friend. Gabby was the only one who was friends with her and she insisted to bring me here.

Akala kasi yata ni Gabby ay bored na bored na ako sa condo ko at kailangan kong magsaya nang kaunti. Puro na lang daw kasi ako trabaho at nawawalan na ng oras sa pagsasaya. She was right, though. These past few weeks have been nothing but a hell for me because of work. But if I were to choose between partying and sleep, I would always choose sleep.

Sinabi ko na iyon kay Gabby. Sabi ko'y tinatamad ako at gusto ko lang magpahinga ngunit mapilit talaga siya. Hindi ko naman matiis lalo pa't wala siyang ibang kasama papunta at pauwi.

"There they are!" Masayang itinuro ni Gabby ang table sa may bandang kaliwa.

Lumapit kami roon at doon ko mas nakita kung gaano karami ang kaibigang inimbitahan ni Bubbles. Nagkalat na ang mga inumin sa mahabang lamesa at may mga pulutan na rin. Isa ang grupo nila sa pinakamaiingay sa buong restobar.

"Happy birthday, Bubbles!" Bumeso si Gabby rito.

"Thank you, Gabby! I'm so glad you made it!"

Matapos makipag-cheek to cheek ay lumipat ang mga mata nito sa akin. Nahihiya akong ngumiti at binati na rin siya.

"Happy birthday," simpleng saad ko.

Lumaki ang ngiti niya na tila ba sobrang na-touch sa aking sinabi. Nagulat na lang ako nang hilahin niya ako para sa isang yakap.

"Thank you so much, Cydney! Mabuti at nakasama ka. I'm so happy you're here!"

Rinig na rinig ko ang saya sa kaniyang boses. Umawang ang bibig ko at medyo nawi-wirdohan siyang tiningnan nang bumitiw siya sa yakap. Maya-maya'y awkward na lamang akong tumawa. Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit tuwang-tuwa siya e ni hindi nga kami malapit sa isa't-isa.

Pinaupo niya kami ni Gabby sa dalawang magkatabing upuan. Napuno ng kuwentuhan at tawanan ang aming lamesa habang umiinom sa paglipas ng ilan pang minuto. Ngumingiti at tumatawa-tawa na lamang ako dahil hindi ako maka-relate sa karamihan ng kanilang pinag-uusapan.

Uminom ako mula sa bote ng aking vodka at tumingin na lamang sa bandang tumutugtog sa maliit na entablado. Doon ko na lamang itinuon ang aking pandinig kaysa magkunwaring nakikinig sa usapan nilang hindi naman ako maka-relate.

"Kahit sandali... palayain ang pusong 'di mapigil. Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa 'tin..." Nakapikit ang bokalista, damang-dama ang emosyon sa pagkanta nito.

Muli kong iginala ang mga mata ko sa mga kasama ko sa table. Patuloy pa rin sila pagkukuwentuhan. Si Gabby ay mukhang nakalimutan na yata na narito ako dahil tawa siya nang tawa sa pinagkukuwentuhan nila. Ayos lang naman. Even though we're best friends, we never limit each other to befriend anyone we want.

Ang mahirap lang ay 'yong mga ganito. Iyong hindi ka naman kabilang sa grupo pero narito ka. Alam kong dapat tayong makisama pero hindi naman lahat ng tao ay mabilis nakakapag-adjust. Hindi lahat ng tao ay magaling makihalubilo. There are still people like me who's timid and doesn't really speak first until someone speaks.

"Kahit sandali... patawarin ang pusong 'di tumigil. Para sa 'ting dalawa ang maling pagkakataon na ika'y magiging akin..."

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at kinalabit si Gabby. May bakas pa ng tawa sa mukha niya nang tingalain ako. Mabilis itong napalitan ng pagtatanong at bahagyang pag-aalala.

"O? Saan ka pupunta?" Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang wrist watch. "Wala pang one hour, ah."

"Magsi-CR lang ako," pagsisinungaling ko.

Mabagal siyang tumango. "Samahan kita?"

Mabilis akong umiling at umatras agad lalo na noong nilingon ako ng ilan sa grupo ng mga kaibigan ni Bubbles. Iyong iba sa kanila ay mukhang matataray at pinapasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tahimik akong bumuntong hininga at nag-iwas na lamang ng tingin.

"Hindi na. Dito ka na lang."

Tumango siya. "Okay. Bumalik ka agad, ha?"

I nodded and immediately turned my back. I walked my way towards the bar counter. Narinig ko ang pamamaalam ng banda hanggang sa tuluyan silang makababa mula sa stage.

"One Margarita, please," I said to the bartender when I reached the bar counter.

Ang totoo niyan, hindi naman talaga ako magpupunta ng CR. I just wanted to leave Bubbles' group because I was feeling so out of place. I felt so uncomfortable there.

Paunti-unti kong ininom ang Margarita ko para patagalin ang pananatili ko sa counter. Mataman akong nakatingin dito at mabagal na pinaglalaruan ang baso nang marinig ko ang isang medyo pamilyar na boses sa mic.

"Hindi ako bokalista ng isang banda rito, pasensya na. I just wanna fucking sing tonight because I saw a very special lady in here."

Unti-unting nagdikit ang mga kilay ko sa sobrang pagkapamilyar ng kaniyang boses. Dumiin ang titig ko sa aking inumin. Nasa bandang likod ko nakapuwesto ang stage kaya hindi ko pa nakikita ang naroon ngayon.

"That girl on the bar counter with a baby pink top and blue, tight jeans..."

Wala sa sarili akong napababa ng tingin sa aking suot na damit. Uhm... I was wearing a color baby pink sweetheart crop top and yeah, blue jeans.

"Crush ko 'yan noong high school. Suplada pa nga 'yan, e. Tapos 'yon pala... bibigay rin sa charms ko."

Kinilig ang mga tao sa bar at bahagyang natawa. Ako naman ay malaki na ang pagkakabuka ng bibig pati na ng mga mata dahil sa pinaghalong gulat, familiarity, at pagtataka.

Dahan-dahan... gumalaw ako sa aking kinauupuan at nilingon ang stage. Mas may ikalalaglag pa pala ang panga ko nang tuluyan kong makita ang kung sinong naroon.

Brylan Robert Velleres or Bryle as what people usually call him was standing tall and proudly on the stage while holding the mic.

His well known charming smile immediately appeared on his lips when our eyes met. Napalunok ako sa nararamdaman kong bilis ng tibok ng aking puso. Ang tila ilang taon nang mga patay na kulisap sa tiyan ko ay mabilis na nabuhay habang nakatitig ako sa kaniya.

"This song is for you, Cydney."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Don't forget to vote and you may also leave feedbacks! :>

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now