Chapter 1

9.3K 249 34
                                    


Hello! Paalala lang po ulit na ang timeline ng mga 1st gen stories ko nung nag-aaral pa ang mga bida ay 'yong mga panahong wala pang K-12. Sa old curriculum po silang lahat kabilang.

PAGLABAS ko ng aking kuwarto ay siya ring paglabas ng kaniyang kuwarto ng kapatid kong si Enrico. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang bumalik ang mga mata ko sa mukha niya ay nakataas na ang kilay niya sa akin.

"What?" tanong niya.

Umiling ako at nagsimula nang maglakad. "Why is your bag so small? Nagkasya riyan ang lahat ng notebook mo?"

Bumaba na ako ng hagdan. Nakasunod na siya sa akin. Naglilikha ng mahinang tunog ang bawat paglapat ng maiikling takong ng aking itim na doll shoes sa bawat palapag ng aming hagdan.

I heard Enrico chuckled. "First day of school pa lang naman ngayon, Ate. Wala pang gagawin niyan."

Bumuntong hininga ako. "How sure are you?"

Sabay naming narating ang dining area. Naabutan namin roon si Mommy na naglalapag na ng mga almusal kasama ang dalawa pang kasambahay. Daddy was already sipping on his coffee while reading a newspaper.

"Good morning!" maligayang bati ni Mommy.

Agad akong lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Ganoon din ang ginawa ng kapatid ko.

"Morning, Mom," I greeted back before I leaned down to kiss Daddy's cheek. "Morning, Dad."

Mahinang nagtutunugan ang mga kubyertos namin nang kasalukuyan na kaming kumakain. Sa kabisera nakapuwesto si Daddy habang si Mommy ay nasa kaliwa niya. Sa kanan niya ay si Enrico at ako ang katabi nito.

"Do you think you're gonna be classmates again with your friends from last year?" tanong ni Mommy kay Enrico.

Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtango nito.

"Yes, Mom. Nagkausap-usap po kami last week at nalaman naming pare-pareho ulit kami ng section."

Daddy sipped on his glass of water. "Second year high school ka na, alalahanin mo. Don't you dare fail your subjects."

Bumagal ang pagnguya ko. Sinilip ko sa gilid ng mga mata ko ang reaksyon ni Enrico ngunit kahit hindi ko naman siguro tingnan ay paniguradong nagpipigil na naman siya ng inis.

"Yes, Dad," iyon na lamang ang nasabi niya.

Nang tingnan ko si Daddy ay napalunok ako nang makitang sa akin na pala nakadirekta ang mariin nitong mga mata. Itinago ko ang kaba ko sa pamamagitan ng pagpisil-pisil sa mga daliri sa ilalim ng lamesa.

"Ikaw naman, Cyd," ang ma-awtoridad niyang boses ay sadyang malalim at tunog istrikto na sa tuwing maririnig ko ito ay hindi ko maiwasang matakot nang bahagya.

"P-Po?"

"You are now on your last year of high school. Be sure to do well in class so you can have good credentials. Importante iyon sa pagpasok mo sa kolehiyo sa susunod na taon."

I inhaled a deep amount of breath. In this house, no one could ever fail. It seemed like we had no right to make mistakes. Enrico and I were strictly raised by our parents. We were very disciplined as a child that almost all of our actions today seemed calculated.

Kailangan, mataas palagi ang grades. Kailangan ay magalang, maayos tingnan palagi, malumanay makipag-usap, at matalino magsalita. Ganoon kami pinalaki. Kailangan ay sumunod kami dahil kung hindi ay mananagot kami. Masasabi kong maayos naman ang pagpapalaki sa amin kaya lang minsan... nakakasakal na. Lalo na't hindi naman kami perpekto.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now