Chapter 15

4K 123 10
                                    


HINATID ako ni Bryle sa bahay pagkatapos na pagkatapos ng prom. Gising pa sina Mommy at mukhang hinihintay talaga ako. Lumabas talaga sila ng gate para na rin makita si Bryle at makapagpaalam dito.

"Thank you for bringing our daughter home, Bryle," nakangiting saad ni Mommy.

"Walang anuman po, Tita."

"I hope you had fun," sabi naman ni Daddy. "Ingat sa pag-uwi."

Nang tuluyang makaalis si Bryle ay sinabihan na ako ni Daddy na magpahinga na. Agad naman akong umakyat sa kwarto ko.

Nakapaglinis na ako ng katawan at nakapantulog na nang biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Nagtungo ako ro'n upang buksan ang pinto. I saw Mommy.

"Hi," bati ko.

"Matutulog ka na ba?"

"Opo."

Tumango siya at tinitigan pa ako nang ilang segundo. Mukhang may gusto siyang sabihin dahil hindi pa siya umaalis sa harap ko. Nanatili lang din naman ako sa harap niya at niluwagan pa nga ang pinto para kung gusto niyang pumasok. Nanatili naman siya roon.

Maya-maya'y bumuntong hininga siya at tipid na ngumiti.

"I know that you and Bryle are together."

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil unang-una, paano niya nalaman? Alam din ba ni Daddy?

Sa pagkakaalam ko naman ay hindi nadudulas ang dila ko sa kanila. Paulit-ulit ko ring tinatanong sina Kuya Ned at Enrico kung may nababanggit ba sila sa kanila pero wala naman daw. O baka... matagal na nilang sinabi at hindi lang ipinapaalam sa akin?

"P-Paano... How—"

"May isang gabi na nakatulugan mo ang paggagawa ng assignment. Nang pumasok ako sa kuwarto mo, nakita kong naiwan mong nakabukas ang laptop. There. I saw you chatting with Bryle. Your conversation wasn't the kind of conversation of just "friends", anak."

Napakurap-kurap ako at napaiwas ng tingin sa kaniya dahil sa hiya at sa takot na rin. Ngayong alam niya na, anong gagawin nila ni Daddy? Paghihigpitan nila ako lalo! Baka palayuin pa nila ako kay Bryle! Hindi puwede iyon!

"Your Dad doesn't know about it," tila nababasa niya ang naiisip ko. "I'm not telling him."

Para akong biglang nabuhayan ng pag-asa. Kung si Mommy lang naman ang nakakaalam, masuwerte pa ako. Hindi siya kasing-higpit ni Daddy. Mas kalamado siya at mas nakakaintindi ng nararamdaman ko.

"Mom, p-please don't tell Daddy."

"I won't," matigas niyang sagot. "I already told you that you are free to fall in love with anyone you want."

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga mata ko. Ako naman ay halos panay ang iwas ng tingin dahil sa guilt at takot sa mga sasabihin niya.

"But I also remember telling you... that you're smart. I expect you to choose what's right for your age right now. Sa edad mo ngayon... dapat ay ang mas pinagtutuunan mo ng pansin ay ang pag-aaral. Hindi ang pagtibok ng puso kasi nga... hindi pa ito ang tamang panahon para roon."

Napayuko ako at pinili na lamang na hindi sumagot. Naiintindihan ko naman si Mommy. Ako pa nga mismo ang nagsabi ng mga sinasabi niya ngayon sa sarili ko noon. Pero iba pala kapag tinamaan ka ng pag-ibig, ano? Akala ko alam ko na ang gagawin at hindi ako magpapaalipin dito pero iyon mismo ang nangyari sa mga nagdaang buwan ng pakikipagrelasyon ko kay Bryle.

He literally became the center of my world which was wrong because I had so many things to prioritize first than my feelings. I thought I would be smart enough to put my relationship with Bryle at the very bottom of my priorities, but what happened?

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now