Chapter 7

4K 159 15
                                    

HININTAY kong mauna sa paglabas ng sasakyan si Enrico at pinanood ko pa muna ang pagpasok niya school. Nang makalayo siya ay saka ako nagdesisyong lumabas na. Nahagip nga lang ng mata ko ang 29-year old naming driver na si Kuya Ned na nakatingin sa akin si rearview mirror. I sighed.

"Kuya Ned, huwag mo namang sabihin palagi kina Daddy na sinasabayan ako ni Bryle sa pagpasok tuwing umaga," sabi ko.

Nlingon niya ako. May mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi.

"O, sige, Miss Cydney. Nasabi ko naman na sa kanila noon kaya hindi ko na uulitin."

Nakahinga ako nang maluwag at tumango-tango. Lalabas na sana ako ngunit may pahabol pa siya.

"Ay, Miss! Ipinapatanong din nga pala ng Daddy mo kung ilang taon na raw iyang manliligaw mo?"

Napakurap-kurap ako. Bakit hindi na lang sa akin mismo magtanong si Daddy? At saka bakit naman pati edad ni Bryle e gusto niyang alamin?

"Kasing edad ko po," sagot ko.

"Fifteen?"

Tumango ako. Ngumiti siya at nag-thumbs up sa akin.

"Okay. Dito ulit ako maghihintay mamaya, Miss."

"Okay po."

Tuluyan na akong lumabas ng sasakyan namin. Bumakas agad ang ngiti sa mukha ni Bryle nang makita ako. I smiled back as we both walked towards each other.

"Good morning!" masayang bati niya.

"Good morning." Ngumiti ako.

Gaya ng mga nagdaang araw, sabay ulit kaming pumasok sa loob ng eskuwelahan. As usual, sa amin na naman naiiwan ang tingin ng mga nakakakilala sa amin.

"Ang sweet naman! Umagang-umaga!" nakangiting saad ng nakasalubong namin.

Ngumiti lamang ako. Si Bryle ay bahagyang natawa. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makadaan kami sa field.

"Cyd, sagutin mo na si Bryle!" may narinig akong sumigaw sa malayo.

Ang mga estudyanteng malapit sa kinaroroonan namin ay nagsimula na sa kanilang panunukso. Lumingon kami ni Bryle upang tingnan kung sino iyong sumigaw no'n ngunit bigo kaming makita. Napailing-iling na lamang ako. Ngumiti sa akin si Bryle.

Hindi ko alam kung paano kumalat ang balitang nililigawan na ako ni Bryle. Wala namang intensyon si Bryle na ipagkalat iyon kaya hindi namin alam kung bakit tila ang buong school ay alam na iyon.

We wanted to keep our mutual understanding private as much as possible. Not because we're ashamed of it, but because we wanted to stay low-key. We didn't intend to broadcast what we feel for each other to everyone. What's ours is only ours.

Kaya lang... nasimulan na kasi ang mga panunukso noon pa man. Bawat estudyante sa paligid namin ay tila tuloy nakaabang sa bawat gawin namin nang magkasama.

"Cyd, nagyayaya nga pala sina Kerwin na mag-mall sa Sabado. Yayayain niya raw si Gab. Puwede ka ba sa Sabado?" tanong sa akin ni Bryle habang naghihintay kami sa susunod naming teacher matapos ng pang-apat naming subject.

Tiningnan ko siya bago ako napatingin sa gawi nila Gab. Nakita kong nakikipagkuwentuhan si Gab kay Kerwin. Tawa ito nang tawa habang nakikinig sa mga sinasabi ni Kerwin. Napangisi ako at muling ibinalik ang tingin kay Bryle.

"Magpapaalam muna ako kina Mommy," sagot ko.

Iyon nga ang nangyari. Gabi pa lamang ng Huwebes sa hapagkainan ay nagpaalam na ako sa mga magulang ko. Madiin ang tingin sa akin ni Daddy habang si Mommy ay nakangiti.

Blissfully ChaoticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon