Chapter 24

4.3K 152 34
                                    


NAGISING ako sa mararahang halik sa aking balikat. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. The sun was peeking through the narrow gap of both sides of the balcony's curtain. It made me close my eyes again for a few seconds. Slowly, I opened them again as I felt light and gentle kisses on my bare shoulders.

Dahan-dahan akong gumalaw upang magbaling ng tingin sa katabi ko. Bryle got to stop his kisses and welcomed me with his wide awake eyes and with his well-known charming smile.

"Good morning, Boo!" bati niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Napangiti ako at tuluyan nang gumalaw paharap sa kaniya. Niyakap ko rin siya habang siya ay nag-uumpisa nang halik-halikan ang aking leeg. Medyo nakikiliti ako kaya napapahagikgik ako.

"Did you sleep well?" tanong niya matapos panggigilan ang leeg ko.

Tumango ako. Hinawakan ko ang kumot na nakatakip sa akin at itinaas pa ito. Pinagmamasdan niya lang ako. Maya-maya'y isiniksik niya na naman ang mukha niya sa leeg ko at hinalikan ang aking balikat.

"Did it hurt?" he asked.

Napanguso ako nang bahagya at ramdam na ramdam ko na naman ang pag-iinit ng mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin sa tumatagos niyang titig at ibaling na lamang ang mga mata ko sa kaniyang hubad na dibdib.

"Uhm... medyo," sagot ko.

"Sorry."

Umiling-iling ako. "It's okay. I... I expected that it'll hurt when I saw your..." Napababa ako ng tingin sa pagitan ng mga hita niya na natatakpan ng kumot.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay sinalubong ako ng naningkit niyang mga mata.

"Hmm... naughty ka, ha," he teased.

I giggled. He leaned closer to plant a light kiss on my lips. I even followed his lips when he stopped the kiss. He chuckled and I just lazily rolled my eyes on him.

Muling bumalik ang tingin ko sa kaniyang dibdib. Mas natitigan ko nang matagal ang apat na numerong naka-tattoo sa kaniyang kaliwang dibdib. Kagabi ay hindi ako nagkaroon ng sapat na atensyon para rito pero ngayong gising na gising ang diwa ko at hindi na distracted, tila ngayon pa lamang nag-sink in sa akin na talagang ipina-tattoo niya ang monthsary namin noon!

I mean... what the heck?

We broke up. We were apart from each other for 8 years. We didn't have any communication after that. I was even expecting that he was angry at me for breaking up with him. So... what was the meaning of this tattoo? Why did he even think of tattooing it?

Dahan-dahan kong hinawakan ang tattoo sa dibdib niya gamit ang hintuturo ko. Malinaw na malinaw roong nakaukit ang 0803 gamit ang itim na itim na tinta. August 3. Monthsary namin dati. I even chuckled a bit when I remembered that it was also his passcode to the video folder on his cellphone when we were in 4th year high school.

"Kailan mo 'to ipina-tattoo?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa apat na numero.

"First year college."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya kasabay ng pagkunot ng noo ko.

"Bryle, you were still a minor that time!"

Tumaas ang isa niyang kilay sa akin at hinuli ang kamay ko. Marahan niya itong pinatakan ng halik.

"I know. But you can't really blame me. I couldn't get over you."

Nabahiran ng lungkot ang damdamin ko. Binalot din ito ng kirot habang pinagmamasdan ko siyang hinahalikan ang kamay ko.

"I was so in love with you, Cyd. That even after our breakup, it was still you."

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now